dedicated to Rainydusk
Maam maraming salamat sa iyo lalo na sa tiwalang binigay mo sa akin at sa pagtadyak .My mentor maam lee gabaya ninyo po ako sa akdang ito pakisapak na lamang po.
****
Chap 3 Garapon
Nilinis ni Karina ang garapon dahil sa maalikabok ito at nang nalinis , nakita nito ano ang laman. Puno ng mga bulak, matatawa ba siya o ano, sa kanyang nalaman at hindi niya maisip bakit ipamana sa kanya ang isang garapong bulak. Napailing na lamang siya at nilagay sa may side table ang garapon, Ayaw niyang masaktan ang kanyang mommy kapag ito'y itatapon. Humiga siya sa kanyang kama at nilingon ang pusa, kita niyang mahimbing ang tulog at siya naman ay magpahinga, pakiramdam kasi niya, siya ay pagod.
BUMANGON si Karina pakiramdam niya siya'y uhaw an uhaw kaya bumaba siya para uminom ng tubig, nagtataka siya may tao sa dinning table at nakaupo mga ito, wala siyang kaalam-alam na may bisita ang kanyang mommy.
"Hello po sa inyo," bati niya sa dalawang tao nakaupo. Lumingon ang may edad na lalake sa kanya at nagsasalita. Napasigaw bigla si Karina sa kanyang nakita dahil habang nagsasalita ang may edad na lalake bumubula-bula ang laway at dugo sa may bibig nito.
"Hello sa iyo binibini, inom tayo ng juice, juice kung saan ako nilason ng katulong ng aking anak." Sabi ng matandang lalake.
"Ahhhh!" pabigwas na sigaw ni Karina sa kanyang higaan, sapo ang kanyang noo dahil sa panaginip, hindi niya maintindihan bakit puro mga katakot-takot ang kanyang panagipan baka sa sobra panonood ng horror movie, kaya sinabi niya sa kanyang sarili hinding hindi muna siya manonood ng horror movies.Napatingin siya sa may sidetable pansin niya ang garapon ay lumiwanag sa loob. Dahan-dahan niya itong inabot at nang mahawakan biglang nabitawan dahil masyadong mainit.
"Shet! Bulalas niya at agad tiningnan ang kanyang palad baka napaso pero walang bakas. Tiningnan ang garapon pero walang liwanag sa loob nito. Sa isip ay guni-guni lamang niya. Tanging gawa ni Karina ay bumaba para kumain na lamang dahil nalimutan niya ang pananghalian, kaso ng tinginan ang oras ay pasado ala sais ng gabi, pakiramdam niya ay tanghali pa lamang, umidlip lang siya kanina. Hindi na niya maintindihan ang mga pangyayari sa araw na ito.
Pagkababa ay agad deritso sa dinning at pansin may nakahanda na sa mesa, agad tinawag ni karina ang kasambahay pero walang sumagot ni isa sa mga ito. Sinubukan niyang puntahan sa likuran, pero wala siyang nakita, isa-isa niyang tinawag ang mga pangalan pero walang sumasa got. Nakaramdam na si Karina ng takot parang pinaglaruan siya.
"Karina... karina.." boses na parang nakapangilabot napayakap siya sa kanyang sarili, pilit nagtapang-tapangan.
"Hindi na kayo nakakatuwa, lumabas kayo, kapag ako maiinis sa inyo palayasin ko kayo sa pamamahay na ito," galit niyang sabi. Pero wala pa ring lumabas ni isang kasambahay. Napatingin siya sa itaas banda sa kanyang kwarto kita niya may lumiwanag kaya agad tumakbo papunta doon at nang malapit na siya sa pintuan ng kanyang silid narinig niya ang kanyang pangalang binabanggit.
"Karina... Karina.."
Takot man siya pero nangimbabaw ang galit sa kanyang dibdib agad niya itong binuksan pero laking pagtataka walang katao tao sa kanyang silid tanging ang pusang natutulog at ang garapong nagliliwanag. Parang may magneto ang garapon dahil kusang lumapit si karina na parang gamo-gamo na aakit sa liwanag at gustong hawakan ito. At nang nahawakan at binuksan ang takip, may itim na usok lumabas sa loob ng garapon, napalibutan ng itim na usok ang loob ng kwarto halos di na makita si Karina. Ang usok ay parang ipo-ipo umiikot sa loob ng silid. Parang may kung anong masamang ispiritong bumabalot.
Biglang bumukas ang pintuan at ang ina ni Karina ang niluwa, habol hininga itong binuksan ang pinto. Agad g nilapit ang dalaga at tumawag ng tulong sa kasambahay para mabuhat ang walang malay na dalaga. Agad naman dumating si Mang karding at binuhat ang katawan ni karina at nilagay sa malambot na kama. Kita ng kanyang ina hawak ang garapon. Kinuha niya ito at nilagay sa malit na mesa.
Magdamag nagbabantay ang ginang sa kanyang anak na hanggang ngayon wala pa ring malay. Tumawag na lamang ang ginang sa university pinapasokan ng kanyang anak na hindi ito makapasok dahil may karamdaman. Alas dose ng tanghali biglang umupo sa higaan si karina kaya nagulat ang ginang.
"Anak, okey ka lang ba," agad niyang nilapitan ito at niyakap.
"Tubig... Tubig... nauuhaw ako," tanging sambit ni karina. Kaya agad kumuha ng tubig ang ginang sa pitcher at nilagay sa baso nakahanda sa may mesa. At agad binigay sa dalaga, humingi pa ito halos maubos ang laman sa pitcher.
Tahimik ang loob ng kwarto, hinihintay lang ng ginang magsalita ang kanyang anak. Dahil pansin niya malalim ang iniisip nito, tumingin ito sa labas sa may bintana tapos sa pusang natutulog. At nagbuntong hinga ito na kay lalim parang ang laki ng problemang dinadala. Hindi na makatiis ang ginang kaya kusa na siyang nagsasalita.
"Ahm, anak, m-may problema ba tayo. Nakarinig kasi ako ng mga kalabog sa loob ng iyong silid kaya nagmamadali akong umayat at nang pagbukas ko ng pinto nakita kitang walang malay. That was yesterday at 3pm in the afternoon at ngayon ka lang nagising sa iyong mahabang pagtulog. Tumingin si Karina sa kanyang ina matagal itong nakatitig sa kanya hanggang bumigay na ito, umiyak ng umiyak, Yakap ang tanging gawa niMrs. Samonte sa dinadala ng kanyang anak.
"I'm just here baby sabi ko sa iyo kahit anong mangyari nasa tabi mo ako, sabihin mo sa akin ano ang iyong problema o bumagabag sa iyong kalooban."mahinahong sabi nito. Matagal nagyakapan ang mag-ina at hikbi ni Karina. Pinunasan ng ginang ang mga luha nito at hinalikan ang noon.
"Nandito lang si mommy para sa iyo, so tell me what's bothering in you."
Huminga ng malalim si Karina bago ito nagsasalita, kinikwento niya lahat ang mga pangyayari simula siya ay nagising sa panaginip hanggang nawalan siya ng malay. Kinikwento rin niya ang kanyang napanaginipan habang siya ay natutulog ng mahaba. Matamang nakikinig ang ginang sa kanyang anak, bawat mga sinasabi nito ay sinikap niyang maintindihan. At nang natapos na ang kwento ng dalaga nakatingin ang ginang sa kanya na parang binabasa ang anak.
"You don't believe me, mom?" malungkot na sabi ni Karina. Huminga ng malalim ang ginang. At tumayo tumingin sa garapon at sa pusa. "Ano pangalan ng iyong alaga" tanong ng ginang.
" I just name KUTING," pagkasabi ng kuting tumingin ang pusa kay Karina. Napangiti ang ginang sa nakita.
"Kuting is your name kitty, nice name. Lets go down and eat alam kong gutom na gutom ka na dahil mahaba ang iyong pagkatulog at nilakbay sa iyong panaginip. After we eat may mahalaga akong sasabihin sa iyo," yaya ng ginang sa anak. Paalis na sana sila narinig nilang nagmoew ang pusa kaya sinama ni Karina ang pusa sa baba.

BINABASA MO ANG
Salinlahi
HorrorMasakit malaman na isa kang ampon.Mas masakit malaman ang totoong dahilan.