At The Airplane

508 9 0
                                    

Third Person Pov's

Nagcecellphone si Suga nang may naramdaman siyang ulong nakasandal sa kanyang balikat, tinignan niya ito at nakita niyang natutulog ang dalaga.

Natuwa nalang siya. Hindi niya din kasi maipagkait na maganda ang dalaga. Habang nakangiti ay nagcellphone na uli siya.

"Ang ganda mo" mahinang bulong ng binata sa sarili.

Hinalikan niya sa noo ang dalaga, hindi niya alam kung bakit niya yun nagawa pero alam niyang mapapangasawa niya din naman ang dalaga kaya hindi na siya nagsisi pa.

"Kuya!! Girlfriend niyo po ba si ate" tanong ng bata sa binata

Natigil sandali si Suga sa paglalaro atsaka tumingin sa bata na may ngiti sakanyang labi.

"Uhhm, hindi eh" ani Suga habang nakangiti parin

"Eh bakit niyo po siya hinalikan sa noo?" Nagtatakang tanong ng bata

"Hahaha" mahinang napatawa ang binata

"Hindi ko siya girlfriend kasi future wife ko siya..." pagtutuloy ni Suga

Ngumiti ang bata saka tumalikod na sakanya

"Gusto kita my future wife.." mahinang bulong ni Suga bago matulog

Kleinsch Pov's
 
  Nagising ako at nakita kong magkapatong pala ang ulo namin ni Suga. Dahan dahan kong inalis ang ulo ko at sinandal ang ulo niya sa balikat ko.

Napangiti nalang ako ng makita ko ang gwapong mukha ni Suga. Ang sarap ng tulog niya pero gwapo parin.

"Bakit ba ang gwapo mo?" Tanong ko sakanya kahit alam kong hindi naman niya ako masasagot

Napangiti nalang uli ako. Hinawakan ko ang buhok niya. Tsk gwapo talaga.

"Sobrang gwapo mo!" Nakangiti kong sambit

"Bakit mo ba ako inaakit??" Natutuwa kong sambit uli

"Hindi naman kita inaakit diyan eh, ikaw kaya nangaakit sakin" ani Suga

Nagulat ako, hindi ko akalain na gising pala siya. Lagot!!

"S-suga?" Nauutal kong sabi

"Bakit babe?" Nakangisi niyang tanong

Dahan dahan siyang lumalapit sakin, napapalunok nalang ako. Tumigil siya ng sobrang lapit na namin.

"Bakit parang kinakabahan ka babe" nakangisi niyang tanong

Hindi ko siya masagot. Hindi parin nagbabago ang pwesto namin ng gumalaw ang eroplano.

Naramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Ang lambot. Walang gumagalaw samin dahil parehas kaming nagulat sa nangyari.

Naramdaman ko na unti unting gumagalaw ang labi niya, hanggang sa bumawi na din ako.

Hindi din nagtagal ay pinutol niya na ang halik naming dalawa.

"I like it babe" nakangiti niyang sabi

Nagblush naman ako bigla at saka umiwas ng tingin sakanya. Tumingin ako sa bintana.

He is my first kiss......

VowsWhere stories live. Discover now