Coma

411 8 0
                                    

Mickaella's Pov
Tinakbo agad namin si Kleinsch sa pinakamalapit na ospital.

Nakakainis wala man lang ako nagawa kay Kleinsch.

Tapos na siyang operahan at nasa kwarto na siya, nagpapahinga.

Agad naming pinuntahan ang kwarto kung nasaan si Kleinsch, kasama ko si Suga.

Nang pumasok kami ay nakita namin si Doc, napalingon ito saamin.

"Ikaw ba ang asawa ng pasyente?" Tanong ni doc

"Fiance ho" magalang na sagot ni Suga

"Iho, may sasabihin ako about sa patient. Pati narin sayo iha" ani Doc

Huminga muna ng malalim si Doc bago sinimulang magsalita.

"May coma ang pasyente" malungkot na sabi ni Doc

Nagulat kaming dalawa ni Suga. C-coma?!

"Matatagalan pa po ba siya bago magising?" Di ko na napigilang magtanong

"Hindi ko pa alam iha" sabi ni Doc bago umalis

Tinabihan ko ang bes kong nakahilata sa hospital bed na walang malay. Di ko na napigilang umiyak.

"Sinisisi mo ba ako?" Tanong ni Suga

"Hindi" mabilis kong sagot

Alam ko kasi ang lahat, di ko lang sinabi kay Kleinsch.

Flashback

Natutulog ako ng magring ang phone ko. Dali dali akong tumayo dahil sa pagaakalang ang aking bf na si Jungkook.

Nang tingnan ko ay si Suga pala, bf ng bes kong si Kleinsch.

Sinagot ko ang tawag.

"Oh, bakit ka napatawag?" Tanong ko

"May sasabihin ako" sagot niya

"Ano?" Tanong ko uli

Bumuntong hininga siya bago magsalita muli.

"Makikipagkita ako sa ex ko, si Jien" sabi niya sa kabilang linya

Nagulat ako. Kilala ko na si Jien, nakwento na siya sakin ni Bes nung isang araw lang

"Nahihibang kaba?!" Sigaw ko sakanya

"Sandali lang...." salita niya

"Kakausapin ko lang siya para tigilan niya na kami ni Kleinsch" sabi niya

Napanatag naman agad ako

"Saan mo balak kayo magkita?" Tanong ko

"Sa mall" mabilis na sagot niya

"Kailangan ko tong sabihin kay Bes" sabi ko

"Wag!!" Sigaw niya

"Ok" sabi ko

At hindi ko nga sinabi kay Kleinsch

End of Flashback

"Pareho tayong may kasalanan" sagot ko

Tumungo siya.....

VowsWhere stories live. Discover now