Chapter 1 : TGL

30 2 0
                                    

Jasmine Lei Nellvida's POV.


Humihikab akong naglakad papasok sa aking trabaho . Kasalanan to ni Jerielle ang maingay at magaslaw kong pinsan na nakitulog sa bahay ko kagabe .

" Good morning Mam " bati ng mga estudyanteng nakakasalubong ko . Tumatango lang naman ako sa kanila.

" Oh , Mam Jasmine ... hindi ka ata blooming ngayon ? " pagbibiro pa sakin ni Mam Edna , teacher sa engles at Co-teacher ko.

" kulang ako sa tulog ... sana makisama ang mga estudyante ko ngayon " pagdadasal ko pa . Kasabay ng pag aayos ng dala kong gamit sa aking table.

" hello Mam. Jasmine " bati sakin ni Ser Glen, teacher sa P.E

" hello din Ser " balik kong bati sa kanya .

6:30am pa lang ng umaga at ang simula ng una kong klase ay 7am. Maya-maya pa sunod-sunod na rin nagsidatingan ang iba pang mga teacher .

" Good morning , class " bungad ko sa mga estudyante kong dali-daling nagsabalikan sa mga upuan nila .

Sabay-sabay naman nila akong binati ng masigla . Isa akong secondary teacher dito sa probinsya ng Sta. Elena at history ang subject na itinuturo ko , dalawang taon pa lang ako sa trabaho kong to. Pagkapasa ko sa board exam sa manila ay umuwe ako rito sa probinsya para dito magturo.

' psst may tumatawag , may tumatawag , pss- '

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko na nasa bulsa at saka sinagot yun pero bago ko mailagay sa tapat ng taenga ko ang cellphone ay nahihiya kong tiningnan ang mga estudyante kong abala sa activity na ibinigay ko. Nakalimutan kong e-silent tune ang cellphone ko.

" hi hi , sorry ...you may continue your work, students . I excuse my self for a minute , if you have a question nasa labas lang ako ... thank you " pansin ko ang pagpipigil ng tawa nila , agad naman akong lumabas at isinirado ang pinto.

" Hello? " bungad ko sa tumawag.

" Jassy , umuwe ka kaagad mamaya ha ... dumating na kase ang sila tito June at tita Nimfa mo kasama ang ate ni Jerielle , si Beatrice .. " balita ni Mama.

" Sige-sige ... may klase pa ako ngayon Ma , alam nyo naman kung anung oras ang break time ko dapat dun na lang kayo tumawag " pagdadabog ko.

" Haha , gusto na kase agad ibalita sayo ni Beatrice ... namiss na daw kase niya kayo ng Ate mo. " natatawang sabe pa niya " o' sya sige na ... tutulongan ko pa si Ate Flor sa pagluluto , umuwe ka ng maaga ha. " pag uulit niya .

" Oo na , dederetcho ako dian pagkatapos ko dito. " nakasimangot kong sagot , natawa naman si Mama bago ako babaan ng tawag.

Napabuntong hininga ako saka bumalik sa klase.

" Nakita niya na ba yung bagong itinatayung paaralan? "

Papasok na sana ako sa teachers office ng marinig ako ang chismis na yun na alam kong si Mica na naman , kabisado ko na ang boses niyan dahil sa lahat ng teacher dito siya ang pinaka madaldal at chismosa , gusto kong marinig ang chismis niya ngayon kaya nagtago ako sa gilid ng pinto para hindi ako makita.

" Ha? " gulat na reaksyon ng ibang teacher na nasa loob

" Oo , ang balita ko pa ... libre lang daw ang paaral diyan ang kaso kailangan nilang makapasa sa entrance exam " namangha naman ang ibang teacher.

Nellvida's Series #1 : The Good LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon