Naghanda na ako para sa lunch namin ni Neil, kaunting facepowder at lipgloss, natural na make up lang para hindi mukhang hagard akong haharap sa kanya.
" mukhang may date tayo ngayon ah " panunukso ni Mam Edna sakin.
Buong saya ko lang naman siyang nginitian.
" kakain kase kame sa labas ni Neil ngayon .. " nakangiti kong sabe at sinuklay ko naman ang buhok ko.
" Oo nga pala, ang sweet naman.. kelan kaya ako makakahanap ng katulad ng Neil mo " parang nag daydream na sabe pa niya. Natatawa naman akong umiling.
" Darating din yun, baka natrapik lang sa maling babae " sabe ko at inayos na ang gamit ko " alis na ako, babalik ako bago magstart ang sunod na klase ko " paalam ko ang naglakad na palabas ng school.
Dinial ko naman ang number ni Neil at naka ilang ring bago niya yun nasagot.
' I'm driving , where are you? ' sagot niya.
" ahh.. palabas na ng school "
' ok, 3 minutes andiyan na ako.. see you babe ' matamis na sagot ni Neil. Dahilan para mangiti ako ng sobra dahil kinikilig na naman ako.
" hihi, sige " ngingiti-ngiting sagot ko.
Dumating naman siya pagkatapos ng tatlong minuto at sinalubong niya kaagad ako ng mahigpit na yakap at matamis na halik. Yeeei, kinikilig parin ako sa mga ginagawa niya.
Pumunta kame sa Restaurant ni ate Gil, paborito niya kase rito ang luto nilang sisig.
Nang makapagtapos si ate Gil ng HRM niregaluhan siya ni LoLa ng Restaurant at pinangalan niya ito kay ate Gil.
' G.A Food Park ' ang unang pangalan nito pero pinalitan ni ate yun at binigyan ng meaning ang G.A na Good and Affordable ' dahil mura lang naman ang mga pagkain nila rito pero swak na swak sa sarap at kayang-kaya ng bulsa ng mga taga Sta.Elena." Isang order ng chicken sisig, dalawang rice at pineapple juice, dalawa.. bigyan mo rin kame ng isang chocolate icecream para sa babe ko " sabe niya dun sa cashier na si Lena.
Nakangiti naman inulit ni Lena yung order ni Neil.
" Is that all Ser? " nakangiting tanung ni Lena.
" Yea, " tipid na sagot niya .
" One hundred ninety pesos po Ser. "
" Here " abot ni Neil ng 500 bill
" I recieve five hundred pesos " mabilis naman na kumuha ng sukli si Lena " Your change Ser, three hundred ten pesos ... e-serve na lang po sa table niyo ang order niyo Mam , Ser. "
" ah, l-Lena " tawag ko sa kanya bago tumalikod si Neil " nagpunta na ba dito si Ate Gil " tanung ko sa kanya.
Tumango naman siya bago sumagot " Nanggaling po siya rito kaninang umaga pero nag paalam naman din po kaagad na aalis at pupunta sa A.C "
" ganun ba. Sige salamat" nagbow lang naman siya sakin bilang sagot at pumunta na kame sa table namin ni Neil.
" May problema ba, babe ? " tanong ni Neil.
" Hm, nagkaroon lang ng sagutan kaninang umaga.. di ko na naka-usap si ate kase kinausap ako ni Papa. "
" Ganun ba, anu naman pinag-usapan niyo ni Tito Noel .. " interesadong tanung niya.
Gusto kong mag kwento pero, meron sa loob ko na mas gusto na siya ang mag kwento , kaya naman..
" tungkol lang sa school. " tipid na sagot ko at tumango-tango lang siya " Ikaw? " tanung ko sa kanya at taka naman siyang tumitig sakin.
BINABASA MO ANG
Nellvida's Series #1 : The Good Lies
Teen Fiction[[ON-GOING]] What is the purpose of saying 'I Love You' kung patuloy mo paring sinasaktan yung tao.