Kinabukasan maaga akong nagising kaya naman nakatapos ako sa paghahanda ng hindi minamadali ang sarili ko.
Pagbaba ko ng kwarto naabutan ko na silang lahat sa dinning area na nag aalmusal.
" Good morning " bati ko sa kanilang lahat at binati din naman nila ako.
Naupo ako sa pwesto ko at di pa man ako nakakakuha ng makakain ko nagsalita na si ate.
" Buti naman at nagising ka ng maaga ngayon, ang sabi ni ate Inday nagmamadali ka kahapon dahil tinanghali ka na ... " si ate Gil " Papili-pili ka ng trabahong ganyan pero di ka manlang nagfo-focus , may mga nakakarating pa samin na habang nagtuturo ka ay madalas kapang makipag usap sa telepono mo- "
" Gil ! " pigil ni Papa sa iba pa niyang sasabihin.
" What ? " painosenteng tanung niya kay papa.
" Nandito pa ang Tita Nimfa mo , ang mga pinsan at tito June mo.. nasa harap din tayo ng pagkain kaya kung pwede wag muna ngayon .. " kalmadong sabe ni Papa.
Napayoko ako, nahihiya dahil sa mga sinasabe ni ate Gil.
' Pangarap ko ang mapasaya at matupad ang gusto nila Papa, kaya ako narito ngayon dahil yun ang pinili ko. '
" Hayaan mo na kuya Noel, nasa lugar naman si Gil para pagsabihan ang kapatid niya.. nakakatandang kapatid si Gil, marami ng karanasan, maaring gusto lang din niyang iayos ang daan ng kapatid niya na hindi niya nagawa sa sarili niya.. hindi ba Gil iha ? " baling niya kay ate.
May inis akong naramdam sa sinabe ni Tita Nimfa, inis dahil sa sinabe niyang tungkol kay ate.
" Hm . " tipid na sagot sa kaniya ni ate at saka nagpatulog sa pag inom ng kape.
" Siya nga pala kuya Noel, mamaya ay aalis na kame... " panimula sa bagong paguusapan ni tita Nimfa.
" Saan naman kayo tutuloy? " tanung ni Papa.
" Tumawag si Daddy, at sinabe niyang dun na lang kame mag stay sa bahay niya habang wala pa naman kaming nakikitang lupa na mapapagtayuan ng bahay namin rito sa Sta.Elena " nakangiting sabe ni Tita.
" Ganun ba, kailan niyo palang balak na maghanap ng lupa rito ? pasasamahan ko kayo kay Gil " tanung ni papa.
" Si Beatrice na ang bahala dun, total kabisado niya parin naman ang Sta.Elena " pagmamalaki ni Tita.
Natapos ang mahaba nilang pag-uusap at sumama naman sa paghatid si Mama sa kambal papasok sa eskwela.
At sabay naman kame ni Papa sa pagpasok sa SEIS. Kanina, hindi pa man natatapos mag agahan si ate Gil nagpaalam na kaagad siyang aalia at may pupuntahan pa raw siya kaya hindi ko na siya nakausap.
" Pagpasensyahan mo na lang ang ate mo, masanay kana sa kanya dahil masyado siyang prangka at hindi niya alam na nakakasakit ng damdamin ang iba niyang salita " basag ni Papa sa katahimikan habang nasa nabyahe kame.
" Ayos lang sakin yun Pa, naiintindihan ko naman si ate Gil ... " naisip kong sabihin kay Papa ang napansin ko kanina " Pa, siguro kay Tita namana ni ate Gil yung pagiging prangka niya " natatawa ko kunwareng sabe.
Sakto naman na huminto ang sasakyan dahil nagred light na.
" Iba ang pagkaka-intindi mo, Jasmine ... ayaw ng tita mo kay Gil " napabuntong hininga si Papa at nang mag green light na pinatakbo niya uli ang sasakyan " Dati ay gustong-gusto niya si Gil dahil nakikita niya ang pagpupursige ng ate mo , pero nung makilala ng ate mo si Patrick dun rin nawala ang pagkagusto ni Nimfa kay Gil ... dahil gusto ni Nimfa si Patrick para kay Beatrice, pero ang ate mo ang mas pinili ni Patrick . " kwento ni papa.
BINABASA MO ANG
Nellvida's Series #1 : The Good Lies
Novela Juvenil[[ON-GOING]] What is the purpose of saying 'I Love You' kung patuloy mo paring sinasaktan yung tao.