Chapter 2 : TGL

34 1 0
                                    

Pagkatapos namin mag-usap ni Papa ay dumeretcho na ako sa kwarto ko at naligo habang lutang ang isip.

Di ko alam kung may iba pa bang ibig sabihin yung sinabe ni Papa pero, alam ko sa sarili ko na wala akong dapat ikabahala kase fiance ko na si Neil.

" Beatrice , ang balita ko kararating mo lang rin galing amerika ? " si Mama.

Maraming nakahain na masasarap na pagkain pero wala akong gana.

" Opo tita ... nagrelax muna ako ng ilang buwan para fresh ang utak ko bago sumalang sa trabaho " matamis na nakangiting sagot ni Beatrice.

" Ang sipag mo, ang swerte ni Nimfa at June sayo . " si Mama.

" Sana ay ganiyan rin ang isip ng panganay namin .. tss tss " si Papa na napailing pa.

Napansin ko na wala pa si Ate Gil, saan na naman kaya nag suot yun. Alam naman niyang ngayon ang dating nila Tita.

" Lei, dito ulit ako makikitulog mamaya ha... malayo-layo kase yung bahay namin ayoko ng bumyahe pauwe. " mahinang sabe ni Jerielle na katabi ko.

" Ano ? " gulat na tanung ko at di ko napansin na napalakas pala ang tanung ko dahilan para mabaling ang atensyon nila saakin. " Sorry " nahihiyang sabe ko saka bumulong kay Jerielle.

" Sa guest room ka matulog, para magawa ko yung mga report ko. " sabe ko at bumalik sa pagkain.

" Sa kwarto mo na lang, takot ako mag-isa sa kwarto. " bulong niya ulit.

Gusto kong magpakawala ng malalim na buntong hininga. Pero bawal yun dahil nasa harap ako ng hapagkainan.

Ilang segundo ang lumipas ng dumating si Ate Gil.

" Akala namin hindi kana dadating, at saan ka naman nang galing ngayon at nalate ka sa dinner na napag-usapan natin " si Papa.

" May lintek na nangungulit saakin magdesign ng pinapagawa nilang paaralan. " halatang galit si Ate Gil.

" Paaralan? " tanung ko.

" Oo, yang peste na pinapatayong paaralan ... Pa ! " sagot niya sakin at bumaling kay Papa.

" Bakit naman inaproban pa ni lolo ang pagpapatayo ng bagong paaralan rito sa Sta.Elena , hindi ba niya alam na yan ang magpapabagsak sa paaralan na ipinatayo niyo ? " mahina ang boses ni ate Gil pero para niyang isinisigaw ang lahat ng sinasabe niya. Prangka si ate Gil sa lahat, kaya naman sanay na kame na ganiyan siya manalita.

" Gil, kalmahin mo nga ang sarili mo.. " suway ni Mama " nasa harap tayo ng pagkain at nandito sila " baling ni Mama sa kasama namin maghapunan.

" Pasensya na, maliligo na lang muna ako at mamaya na ako kakain ..." paalam niya samin saka naglakad palabas ng dining area " nakakapagod palang magsuplada ng magsuplada , buset !!! " sigaw niya pa .

Natatawa namang binasag ni Papa ang sandaling katahimikan.

" Pagpasensyhan niyo na si Gil, tumatanda na kase ay wala paring nobyo " natatawang sabe ni Papa.

" Aba, baka naman kailangan na ninyong hanapan ng mapapangasawa yan kung ganun. " natatawa ring suhesto ni Tito June.

" Naku, kung gagawin namin yun ay magagalit naman siya... " si Mama na sumubo ng pagkain.

" Baka naman kailangan lang ng unting push sa kanya Tita. " si Beatrice.

Sa edad na 28, hindi pa rin nakakahanap ng ipapalit si Ate Gil kay Patrick. Pero hindi mo rin naman mapipilit ang sarili mong ibaling sa iba ang pagmamahal na minsan ng napunta sa wala.

Nellvida's Series #1 : The Good LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon