A moment to Start
Luhaan ang mata ko at sugatan ang puso ko.
" Tama na yan, you already drunk .. " pigil sakin ni Timothy.
" Youㅡ " turo ko sa dibdib niyang matigas " you can go, and leave me alone... " nahihilo man ay alam ko pa ang ginagawa at sinasabe ko.
" I can't ... " maikling sagot niya na para bang iniingatan ang bawat salita na bibitawan niya.
Nanliliit ang mata kong tumingin sa kanya. At nang biglang tumitig din siya ay iniwas ko ang mata.
At doon na naman bumagsak ang mga luha ko. Naalala ko na naman ang mga araw na kasama ko si Neil. Nung panahon na ipinaglaban namin ang pagmamahalan namin kahet na hindi sang-ayon ang pamilya namin.
" Gusto ko sanang tanungin kung kelan niya pa ako niloloko ... pero ayaw ko ng makita ang mukha ng gagong yun ... " turo ko kung saan.
Panay ang tulo ng luha ko, at nararamdaman ko na naman ang kirot sa dibdib ko kaya ininom ko ulit ang baso na may laman ng beer.
" Don't curse baby.. " masamang tingin ang binaling ko sa kanya.
" stop calling me BABY , I'm Jasmine Lei, thats my name .. stop saying that baby again " sinalinan ko ang baso ko at mabilis kong ininom yun.
" Ok, honey ! " masamang tingin ulit ang tinapon ko sa kanya.
" stop using endearment on me ... your not my boyfriend . "
" so let me be your boyfriend then, para naman matawag na kita sa kahet anong gusto kong itawag sayo... honey " may kung anong kumurot sa puso ko sa huling sinabe niya.
Umiling ako at nagpatuloy sa pag-inom hindi na masyadong nagsalita dahil ayaw ko na rin makaranig ng kung ano pang salita mula kay Timothy .
Simula ng umalis kame sa restaurant sinamahan niya na ako, siya na rin ang kumausap kay lolo para ipaalam ako.
Siya rin ang naging driver ko simula kanina .
Kanina niya pa ako pinipigilan uminom at magmura pero binabalingan ko lang siya ng masamang tingin . Bakit nga ba hindi pa siya nito iwan.
" I'll go outside for a second, don't go anywhere without me .. understand? " paalam niya, tumango lang naman ako at saka siya naglakad palabas .
Baka iwan na niya ako, baka hindi na rin niya ako balikan,
Ano naman ngayon kung iwan ka niya Jasmine? Tanong ko sa sarili ko ng maisip ko na baka hindi na siya bumalik. May kung ano sakin na nalulungkot lalo dahil pakiramdam ko tuluyan na akong mag-isa.
Uminom pa ako ng uminom, nagsalin ng ilang ulit at saka ko naramdaman na kailangan kong pumunta sa comfort room .
Muntik na akong matumba ng bigla akong tumayo, buti na lang ay napakapit ako sa inupuan ko kanina.
Paekes-ekes akong naglakad papunta sa kung saan at maya-maya pa tuluyan akong natumba pero sa isang lalaki na nakasalubong ko.
" Hey, Miss... ayos ka lang ba? " tanong niya at tinulungan akong tumayo.
" Hmm... yeah " napahawak ako sa ulo ko at napapikit nang mas lalo lang umikot ang paligid ko.
Ramdam ko ang isang kamay na pumulupot na sa bewang ko.
" Let her go... " dinig kong boses ng isang lalaki bago ako mawala sa sarili ay narinig ko pa ang malakas na tili ng iilang babae at ang malabo ko pang narinig.
" I told you to don't go anywhere without me, honey "
Mainit na liwanag ang tumatama sa katawan ko dahilan para magising ako.
" Lei, bumangon kana dian " si Mama na naglapag ng tray sa bedside table ko.
Pag upo ko saka ko naramdaman ang sakit sa ulo at bahagyang pagkahilo.
" Anong oras na po ba Ma? " tanong ko habang hawak-hawak ang ulo ko na sumasakit.
" It's already past twelve Lei.. ipinag paalam na kita sa Papa mo na hindi kana muna papasok ngayon. " nakatingala ko siyang tiningnan dahil nakatayo siya sa gilid ng kama ko.
Napayuko ako ng maalala ang nangyari kahapon samin ni Neil.
" Ayos ka lang ba, Lei? " naramdaman ko ang pag upo ni Mama sa gilid ng kama ko " hinatid ka kagabe ng binatang Yung dito ng tulog na tulog, sinabe niyang nadapami ka ng inom dahil may nangyari... tinatanong ko siya kung ano yun pero hindi niya sinasabe sakin, binilin niya lang na ipaghanda ka ng gamot pagka-gising mo. " naramdaman ko ang paghaplos ng kamay ni Mama sa likod ko.
Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ko.
" Hindi ka mag-iinom kung wala kang problema, hindi ka rin basta-basta nag iinom kung hindi kasama ang kahet na sino sa pinsan mo o ate Gil mo... Lei, sabihin mo sakin kung anu ang nangyari ? makikinig si Mama sayo " mahinhin at malambing niyang sabe.
Bumaling ako sa kanya na tumutulo ang luha.
" Ma, I'm not yet ready to talk about it right now" tahimik na bumagsak ang luha ko na agad ko rin pinalis. " promise, I'll tell you everything when I can. " paninigurado ko.
Maingat akong inilapit ni Mama sa bisig niya at dun niyakap, kasabay rin ang marahan niyang paghaplos sa likod ko.
" Remember that I'm always free to hear your problem,Lei" pag-aalo niya sakin " Just don't do that again. "
Humarap ako kay Mama, matamis siyang ngumiti sakin at tinuyo ang pisnge ko gamit ang palad niya.
" We're always here to you, no matter how busy we are. " dagdag pa ni Mama.
" Thank you, Ma. pangako hindi ko na uulitin ang ginawa ko kagabi." pinunasan ko ang takas na luhang bumagsak sa pisnge ko.
" aasahan namin yan ng Papa mo Lei."
" Salamat, Ma " sabe ko at niyakap si Mama. Pakiramdam ko kahet papaanu ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko sa simpleng haplos at yakap ni Mama sakin.
Kahet gaano kasakit at kabigat ang nararamdaman mo mapapagaan at mababawasan yun ng isang simple at puno ng pag-mamahal na yakap ng isang ina.
" Mag-ayos kana... ang baho mo at amoy alak ka pa, buti natiis ng isang Timothy Yung ang amoy mo at kinaya ka pa niyang buhatin sa bigat mo " biro ni Mama na ikinanguso ko.
" Mama naman eh.. " may pag suway sa tono ko, natawa siya sa inakto ko.
Hindi ko alam kung anung nangyare gabe, hindi ko alam na binalikan niya pa pala ako.
" Sya' maligo kana at tumawag kanina si Daddy, pupunta sila rito sa bahay kasama ang mga Yung para dito na rin mag-lunch " paalam ni Mama na ikinagulat ko.
" ang mga Yung? " pagkokomperma ko.
ㅡ Beep beep ㅡ
Hindi na siguro kailangan pang tanungin dahil nasagot naman na rin ni Mama ang tanung ko sa sinabe niya.
" Mukhang nandito na sila, maiwan na kita at tutulong pa akong ayusin ang dinning table para sa mga bisita. " may tukso niyang sinabe ang 'bisita'.
☆☆☆☆☆
LongTimeNoUpdate.
BINABASA MO ANG
Nellvida's Series #1 : The Good Lies
Dla nastolatków[[ON-GOING]] What is the purpose of saying 'I Love You' kung patuloy mo paring sinasaktan yung tao.