Chapter 6 : TGL

16 0 0
                                    

" Sorry kanina ate Gil " nakayuko kong sabe.

" Bakit ka nagso-sorry, ikaw ba yung nanggulo? " sarkastikong tanong niya.

Naglilinis na yung mga empleyado ni ate dahil magsasarado na ang restaurant. At ngayon ko lang siya makakausap ng maayos dahil busy siya kanina.

" edi, sorry na lang dun sa mga ginagawa ko na nakarating pa sayo. " nakangusong sabe ko pa.

" tibay mo " komento niya.

" ha? " takang usal ko.

" nagsosorry ka kase nakarating sakin, kung ganun.. kung hindi ko malalaman yun hindi ka magsosorry ? ha, ang lupet mo ha " kunwareng namamangha siya.

Mas nalukot ang mukha ko dahil sa sinabe niya. Tiningnan ko ang ginawa niyang pag-abot ng isang kaha ng sigarilyo at pagkuha niya dun ng isang stick saka sinindihan. Napailing ako at napaayos sa pagkaka-upo.

" Sa susunod, siguraduhin mo muna kase bago mo pasukin ang isang bagay.. ngayon tuloy ikaw pa ang nahihirapan. " napabuntong hinginga siya at umayos ng upo.

" Alam mo naman kung bakit ito ang pinasok ko diba. "

" Oo nga, pero sinabihan kita bago ka mapunta diyan. "

Napayuko ulit ako dahil hindi ko na alam ang isasagot.

" Habang maaga pa,Jasmine.. sabihan mo na sila Papa sa totoong gusto mo " tumayo siya at pumunta sa likod ko ay dun ako niyakap " Piliin mo kung saan ka masaya at kung saan ka sasaya, wag mo laging ipapaubaya sa iba ang kasiyahan mo.. naiintindihan mo ba? " malumanay na sabe niya.

Humarap ako sa kanya at niyakap ko rin siya. Naluluha ako.

" Salamat ate Gil "

Kumawala siya sa pagkakayakap ko. At mahina niya akong hinampas sa braso.

" Umuwe kana, hindi ako uuwe ngayon " nakangiting sabe pa niya.

Tumaas ang kilay ko sa sinabe niya.

" At saan ka naman matutulog ? " mataray na tanong ko.

" Manahimik ka, hindi bagay sayo na gayahin si Mama. " natatawa pang sabe niya.

" Seryoso ako, saan ka matutulog ngayong gabe ? "

" Sakin na lang yun, may importante lang akong gagawin " bahagya niya akong tinulak " para sa future ko " seryosong bulong niya at tumawang naglakad papunta sa office niya.

" Ano? " takang tanong ko.

" Umuwe kana. " habol niya bago tuluyang makapasok dun sa office niya.

" Baliw talaga. " komento ko.

Matapos ang usapan na yun ay dumating naman ang driver namin at kaagad akong nakauwe sa bahay.

" Bakit ngayon ka lang ? " salubong ni Mama sakin.

Nasa sala sila habang ang kambal naman ay nanunod ng tv.

" Nagpunta lang po ako sa restaurant ni Ate. " lumapit ako at nakipag beso kay Mama " si Papa po ? " tanong ko.

" Kasama ang lolo at ang tita Nimfa mo.. kumain kana ba? ipagpapahanda na kita . " aasta na siyang tatayo ng pigilan ko siya.

" Busog pa ako Ma. " nakangiting sabe ko " Kumain na kame ni ate Gil.. at siya nga pala Ma, hindi raw makakauwe si ate Gil ngayon " paalam ko ng maalala ko ang sinabe ni ate.

" ahh, nagpaalam na siya sakin kaninang umaga.. ang totoo yan sinabe niya sakin na aalis siya pero hindi raw niya alam kung kelan ang balik niya.. " napabuntong hininga siya " wag kang mag-alala, ang sabe naman niya para yun sa future niya.. " nanlaki ang mata ko sa sinabe na yun ni Mama dahil yun din ang sabe ni ate sakin " ewan ko ba diyan sa ate mo, basta hindi naman ako kinakabahan sa kung anung gagawin niya.. malaki na ang ate mo at alam niya na kung ano ang dapat at hindi dapat. " mahabang sabe pa niya

Nellvida's Series #1 : The Good LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon