Unedited
"COME to my office." Bungad na wika ni Zach kay Fame ng sagutin niya ang intercom. Hindi pa siya nakakapagsalita ng patayan siya ni Zach ng intercom. Iiling na lang si Fame na inusod ang silyang kinauupan gamit ang paa para makatayo siya ng maayos. Inayos mo na niya ang sarili bago siya naglakad patungo sa pinto ng private office ng binata. Kumatok siya ng tatlong beses para ipaalam ang presensiya niya. Pagkatapos niyon ay pinihit niya ang seradura pabukas at tuluyang pumasok sa loob. Naabutan niya itong nakatutok ang atensiyon sa binabasang folder.
"Good morning, Sir." Nag-angat ng tingin si Zach. Awtomatiko namang sumilay ang ngiti sa labi ni Fame ng magtama ang mata nilang dalawa. Wala siyang nakikitang emosyon na mababakas sa mga mata nito.
"Come closer." Utos ni Zach. Naglakad naman si Fame palapit rito. Huminto lang siya sa paglalakad ng nasa tapat na siya ng mesa nito. Kinuha nito ang dalawang folder na nakapatong sa mesa nito at inabot nito iyon sa kanya. Agad naman kinuha ni Fame ang dalawang folder na inabot ng binata sa kanya.
"I want you to photocopy that files." Utos ng binata.
Binuklat naman ni Fame iyon para silipin. "Okay, Sir." Sagot niya ng nag-angat siya ng tingin. "It's that all, Sir?"
"No." Ani Zach sa bruskong tinig. May kinuha ulit si Zach na folder at inabot muli nito iyon sa kanya.
"Encode that files. And give it to me at exactly one oclock." Utos muli nito ng sulyapan niya ito na nagtatanong na tingin kung ano ang gagawin niya sa folder na inabot nito sa kanya. Gusto namang sumimangot ni Fame dahil sa dami ng pinag-uutos sa kanya ni Zach. At pinagsabay-sabay pa nito iyon. At may itinakda pa itong oras kung kailan niya dapat ibigay iyon rito! Hindi lang siya makasimangot dahil nakatingin ito sa kanya.
"It's that all, Sir?" Muling tanong ni Fame kay Zach.
"For now." Sabi ni Zach bago nito ibinalik ang atensiyon sa binabasang dokomento. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya naitago ang kanyang pagsimangot. Ipinaikot niya ang mga mata na tumalikod siya. Nakakatatlong hakbang lang si Fame ng mapatigil siya ng tawagin ni Zach ang pangalan niya. Napasimangot muli si Fame. May idadagdag na naman siguro ito sa inuutos nito sa kanya. Nang lumingon siya rito ay may ngiti sa kanyang labi kahit na ang gusto niya ay simangutan ito.
"Yes, Sir?" Sa halip na sumagot ay tinitigan siya ni Zach. Bigla naman nakaramdam ng pagkailang si Fame sa titig ni Zach sa sandaling iyon kahit na wala siyang nakikita o nababakas na kahit anong emosyon sa mga mata nito. Pero mayamaya ay unti-unting nagsalubong ang mga kilay nito.
"Frowning is prohibited inside my office, Miss Sevilla." Sabi ni Zach, hindi pa rin nawawala ang pagkakasalubong ng mga kilay nito. "Understood?"
"Look who's talking." She said in a low voice. Pasimple din niyang ipinaikot ang kanyang mga mata. Bawal daw ang sumimangot sa opisna nito eh, bakit ito laging nakasimangot o kung hindi naman ay laging magkasalubong ang mga kilay nito. Sa mahigit tatlong buwan nga niyang pagta-trabaho sa ZB Realties ay mabibilang lang niya kung ilang beses lang itong ngumiti. Tapos ipagbabawal nito ang pagsimangot sa opisina nito! Saan naman ang hustisya roon?
"Were you saying something?" Masungit na tanong ni Zach. Ang sabi ko gwapo ka sana kung hindi ka lang bingi. Ngumiti si Fame, pero aminado siyang tabingi ang ngiting ipinagkaloob niya rito.
"Wala naman po akong sinasabi ah." Pagmaang-maangan niya. Sa sandaling iyon ay hindi pa rin nagbabago ang ekspresiyon ng mukha ng binata.
Oh, tingnan mo ang lalaking ito. Sabi nito bawal ang nakasimangot, eh, bakit ang binata ay nakasimangot pa rin. Unfair lang!
BINABASA MO ANG
Bossy Boss (Zach Brillantes- Completed)
General FictionI-ipinaramdam mo sa 'kin na may gusto ka sa 'kin. Umasa tuloy ako." Soon...