8

12.7K 397 7
                                        


Unedited

SAKTONG kakalapag ni Fame sa baong pagkain sa kanyang desk ng dumating ang boss niyang si Zach.

Nag-angat siya ng tingin. "Kain po, Sir." Yaya niya sa binata. Saglit lang siya nitong sinulyapan bago nito binuksan ang pinto ng private office nito saka ito pumasok roon.
Hindi napigilan ni Fame ipaikot ang mata sa pag-snob ni Zach sa kanya.
Hindi man lang nagpasalamat.

Mabuti nga't inalok ko siya ng dala kong pagkain. Anang masungit na isipan.

Iiling-iling na lang si Fame na binuksan ang plastic container na naglalaman ng baong pagkain. Napangiti siya ng malanghap ni Fame ang mabangong amoy ng sinigang na sugpo. Special request ni Fame ang ulam na iyon sa kanyang ina. Paborito kasi niya iyon.
Akmang dadamputin ni Fame ang kutsara at tinidor para makapagsimula ng kumain ng biglang bumukas ang pinto ng pribadong opisina ni Zach at iniluwa niyon ang binata.

"Do you need anything, Sir?" Tanong niya sa binata ng mag-angat siya ng tingin. Muli niyang binitawan ang kutsara't tinidor na hawak.

Hindi ito sumagot sa halip ay tumingin ito sa pagkain niyang nasa ibabaw ng desk niya. "What dish you had?" Tanong nito sa halip na sagutin ang tanong niya.

"Hmm...sinigang na sugpo, Sir. Specialty ng nanay ko." Nakangiting sagot niya kay Zach. "Gusto mo, Sir. Kain po tayo." Alok muli ni Fame sa binata kahit na alam niyang tatanggihan siya nito. Pero nagulat na lang si Fame ng tumango ang binata at nag-umpisang naglakad patungo sa gawi niya at umupo ito sa visitor chair katapat ng desk niya.

"I'll accept your offer, Miss Sevilla. And I'm hungry." Ani Zach ng tuluyan na itong makaupo.

"Oh." hindi napigilan ni Fame ibulalas. Hindi kasi niya inaasahan na tatanggapin ng binata ang offer niya.

"Wait, Sir." Aniya sabay tayo mula sa pagkakaupo. "Kuha lang ako ng extrang plato at kutsara." Paalam niya.

Kumuha si Fame ng gagamitin ni Zach. Hindi naman siya nagtagal roon. Pagkabalik niya ay ipinatong niya iyon sa mesa sa harap ng binata.

"Let's eat, Sir." Sabi niya kay Zach. Kinuha ni Fame ang plastic container na naglalaman ng kanin at nilagyan niya ang plato niya. Mabuti na lang at medyo madami ng kunti ang baon niya. Sa tuwing ang paboritong ulam kasi ang baon ni Fame ay talagang mapapakain siya ng marami. Walang diet-diet sa bokabolaryo niya. Kaya dinamihan niya ang baong kanin. Pagkatapos niyang malagyan ng kanin ang plato niya ay inabot niya kay Zach ang plastic container na naglalaman ng kanin. Pero sa halip na kunin ni Zach iyon sa kamay niya ay tiningnan lang siya nito.

"What?" Hindi niya napigilan ang pagkunot ng kanyang noo.

"Ikaw na ang maglagay sa plato ko." Utos nito. Pasimpleng ipinaikot ni Fame ang mga mata. Ito na nga ang inalok na kumain may gana pa itong utusan siya. Gusto tuloy niyang bawiin ang alok rito.

Bumuntong-hininga muna si Fame bago niya sinunod ang utos nito.
"Thanks." Nanlalaki ang mata ni Fame ng tumingin siya sa mga mata ni Zach ng marinig niya ang sinabi nito. Totoo ba ang narinig niya o nakaringgan lang niya iyon? Hindi kasi siya makapaniwala sa narinig.

"What?" Salubong ang mga kilay na tanong ni Zach.

Umiling si Fame. "Hindi lang ako makapaniwala na marunong ka pa lang magpasalamat." Mahinang sagot niya habang nakatitig siya sa mga mata nito. Sa kauna-unahang pagkakataon kasi simula noong maging sekretarya siya ni Zach ay ngayon lang ito nagpasalamat sa kanya. Kaya hindi niya masisisi ang sarili kung ganoon na lang ang naging reaksiyon niya ng magpasalamat ito.

Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Zach. "What did you say?"

Nakangiting umiling si Fame. "Ang sabi ko kumain na tayo at nagugutom na ako." Nakangiti niyang wika sabay dampot ng kutsara't para sumubo. At ng tumingin muli si Fame sa kaharap ay muntik na siyang nabilaukan ng mapansin niyang nakatitig si Zach ng matiim sa kanya. Hindi tuloy niya maiwasan ang makaramdam ng pagkailang sa titig nito sa sandaling iyon. Kumuha siya ng tissue paper at pinunasan niya ang gilid ng labi niya.

Tumikhim din siya. "Hmm...sir? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya.

Umiling ang binata. "Nothing."

"Ganoon ba? Pwede po bang kumain na lang kayo. Hindi kasi ako makakain ng maayos kapag may tumititig sa akin." Hindi siya nahiyang sabihin rito.

Hindi na naman napigilan ni Fame ang manlaki ang mata ng makita ang pagtaas ng isang sulok ng labi ni Zach. Kitang-kita din ni Fame ang amusement sa mga mata ni Zach. And I swear, right at the moment, her heart beats rapidly at the sight of him.

"Tulad mo. Hindi din ako makakakain kung may tumititig din sa'kin." Napakurap-kurap si Fame ng marinig niya ang sinabing iyon ni Zach. At kahit hindi siya nakatingin sa salamin ay alam niyang namumula ang magkabilang pisngi niya sa sandaling iyon.

"Kumain ka na nga lang, Sir." Sabi niya sa binata saka niya dinampot muli ang kutsara at nagsimula ng kumain.

Bossy Boss (Zach Brillantes- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon