11

12.1K 425 14
                                    

Unedited

GINULO ni Fame ang buhok ng makaramdam siya ng frustration. Paanong hindi mapu-frustrate si Fame? Dalawang araw na ang lumipas simula noong utusan siya ng binata na maghanap ng babaeng magpapanggap na girlfriend ni Zach pero hanggang ngayon ay wala pa ring nahahanap si Fame. Lahat kasi ng babae nahahanap niyang babae ay hindi niya nagustuhan. Masyadong maarte ang mga ito at alam ni Fame na hindi magugustuhan ni Zach ang mga babaeng iyon. Di ba nga sabi ni Zach ang hanapin niyang babae ay iyong matalino, laging nakangiti at higit sa lahat masarap kasama, eh kabaliktaran naman kasi ang mga nahanap ni Fame.

Volunteer ka na lang kaya, Fame. Suhestiyon ng bahagi ng isipan kay Fame. 'Di ba katulad mo daw ang babaeng gustong ipahanap sa'yo ni Zach na magpapanggap na girlfriend nito. So, kapag nagvolunteer ka. Hindi ka na mahihirapan at mapu-frustrate sa paghahanap ng babae. It just like hitting two birds in one stone.

Paano mo naman nasabi na hitting two birds in one stone? Tanong naman ng bahagi ng isipan.

Una, hindi ka na mahihirapan sa paghahanap at pangalawa mararanasan mong maging girlfriend ng isang Zach Brillantes.

Napanguso si Fame sa suhestiyon ng kanyang isipan. Oo, mapanukso iyon pero paano naman niya sasabihin iyon sa binata. Alangan naman gayahin niya si Katniss Everdeen ng Catching Fire na sisigaw siya ng 'I volunteer' sa harap ng binata? Alangan naman din sabihin niya sa binata na.... Hmm...Sir iisa lang ang katulad ko sa mundo kaya mahirap ng maghanap ng katulad ko. Pwede bang ako na lang gawin niyong girlfriend?

Nakangiting-iiling na lang si Fame sa mga pumapasok sa kanyang isipan sa sandaling iyon. Mayamaya ay nag-angat siya ng tingin ng makarinig siya ng pagtikhim.

"Done daydreaming?"

Napangiti siya ng makita ang nakatayo sa kanyang harapan at kung sino ang tumikhim.
"Tapos na. Inistorbo mo kasi ako." Nakangiting wika niya rito. "So, by the way, what are you doing here, Tripp. May kailangan ka ba sa boss natin?" Tanong ni Fame. Nagta-trabaho doon si Tripp sa ZB Realties bilang Architect. Isa din ang binata sa magagaling na Architect sa kompanya ni Zach.

"Hmm...yup. Ipapakita ko lang itong blueprint ko." Anito sabay taas ng hawak nitong blueprint.

"Busy ba siya?" Tanong ni Tripp kapagdaka.

"Yes. May kausap lang siya." Ani Fame saka niya sinulyapan ang suot na relong pambisig. "Hintayin mo na lang siya. Malapit na rin lumabas iyong kausap niya. Maupo ka muna diyan." Aniya sabay muwestra sa visitor chair sa harap ng mesa niya.

"Okay." Ani Tripp saka ito umupo sa silyang iminuwestra niya kanina.
Nang makitang nakaupo na ito ay ibinalik niya ang atensiyon sa harap ng kanyang computer. Sinubukan niyang maghanap muli ng dating site nagbabakasakaling doon siya makahanap ng babaeng pwedeng magpanggap na girlfriend ng binata ng mapatigil siya ng makarinig siya ng malamyos na tinig. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya si Tripp na kumakanta habang nakatingin ito sa harapan nito. His voice is soothing in her ears. Maganda talaga ang boses ng binata. Well, hindi na magtataka si Fame dahil miyembro ng isang banda si Tripp—ang Serenade noong college pa sila. Schoolmate kasi ni Fame si Tripp sa St. Vincent University kung saan sila nag-aral ng kolehiyo kaya kilala niya ang binata. Sikat na sikat din ang bandang Serenade sa eskwelahan nila hindi lang dahil magaling ang mga itong kumanta at tumugtog kundi nag-uumapaw din ang kagwapuhan ng mga ito. Kapag ang mga ito ang magperform kapag may okasyon ang SVU ay halos mabingi ang mga tao dahil sa lakas ng tilian lalo na ang mga kababaihan. At aamin ni Fame na isa din siya sa mga babaeng tumili. Bigla tuloy nakalimutan ni Fame ang ginagawa. Sumandal siya sa kanyang upuan ang tinitigan si Tripp na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ito sa pagkanta. Nang matapos itong kumanta ay pumalakpak siya dahilan para balingan siya ni Tripp.

"Hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang boses mo. Maganda pa rin." Nakangiting wika ni Fame kay Tripp.

Sumilay naman ang ngiti sa labi ni Tripp sa sinabi niya. "At hanggang ngayon ay gwapo pa rin ako."

She chuckled. "At hanggang ngayon ay mayabang ka pa rin." Natatawang wika niya.

"Sige, tawa pa. Hahalikan kita diyan." Ani Tripp sa nagbibirong tinig.

Tinaasan naman niya ito ng isang kilay pero may ngiti rin sa kanyang labi. "Subukan mo. Para matikman mo itong kamao ko." Aniya sabay taas ng kamao niya.

Hindi sumagot si Tripp pero may nakapaskil na ngiti sa labi nito. At nagulat na lang si Fame ng biglang dumukwang si Tripp palapit sa kanya. Mabilis naman siyang inaatras ang ulo niya para makalayo iyon sa mukha nito.

Ngumiti ng nakakaloko si Tripp ng makita ang reaksiyon nito. At hindi pa siya nakakareact ng biglang bumukas ang pinto ng pribadong opisina ni Zach at iniluwa niyon ang kausap nitong si Mr. Ramirez at kasunod nito ang boss nilang si Zach. At nang mapadako ang tingin ni Zach ay unti-unting nagsalubong ang mga kilay nito ng makita ang posisyon nila ni Tripp. Mabilis naman itinulak palayo ni Fame ang mukha ni Tripp.

Umayos siya ng pagkakaupo niya saka niya binalingan si Zach na hanggang ngayon ay magkasalubong pa rin ang mga kilay nito na nakatingin sa kanilang dalawa ni Tripp. Inalis naman ni Fame ang tingin kay Zach at napatingin siya kay Tripp ng mapansin niyang tumayo ito. May ngiti pa rin naglalaro sa labi nito. Tuluyan na ring umalis si Mr. Ramirez roon.

"May something ba kayo ng boss mo?" Mahinang tanong ni Tripp sa kanya na dahilan para ikalaki ng mata niya.

"What are you talking about?" Mahinang tanong niya para hindi marinig ni Zach iyon.

Tripp smirked. "It looks like he's jealous." Mahinang wika nito.

"Sino?" Tanong niya. Hindi naman kasi niya alam kung ano o sino ang tinutukoy ni Tripp na nagseselos. Hindi naman sumagot ang binata sa tanong niya sa halip ay patay malisyang tumingin ito sa direksiyon ni Zach. Tumingin din siya sa direksiyon ni Zach at naguluhan siya dahil hindi pa rin nagbabago ang ekspresiyon ng mukha nito. At ng nagtama ang mga mata nilang dalawa ay kitang-kita niya ang halo-halong emosyon na bumalatay roon.

Pinaghalong galit at selos. Pero, bakit naman ito magagalit? As far as her concern ay wala siyang ginagawang masama. At good mood naman ang binata kaninang umaga. At higit sa lahat ay bakit ito magseselos? Kanino at saan naman ito magseselos? Hindi niya nasagot ang sariling katanungan ng marinig niyang magsalita si Zach.

"Go back to your work, Miss Sevilla." Malamig na wika ni Zach. "And Mr. Guevarra come to my office." Wika naman nito kay Tripp at walang pasabing tumalikod at muling pumasok sa loob ng opisina nito.

"He likes you, that's why he's jealous." Sabi ni Tripp sa kanya bago ito naglakad papasok sa opisina ni Zach.

Naiwan tuloy si Fame na nakanganga.

------

Baka sa monday na ang sunod na update ko. May pupuntahan kasi ako bukas! Happy reading!

Bossy Boss (Zach Brillantes- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon