Unedited
NAG-ANGAT ng tingin si Fame mula sa kanyang computer ng maramdaman niyang bumukas ang pinto ng opisina ni Zach. Pagka-angat niya ng tingin ay nakita niyang nakatingin sa kanya ang binata.
"Follow me." Hindi pa siya nakakapagtanong sa binata kung bakit siya nito pinapasunod ng nagsimula na itong umalis. Hindi tuloy siya nakakilos mula sa kinauupuan. Nang nasa tapat na si Zach ng elevator ay lumingon ito sa likod nito. Napansin siguro nito na hindi siya nakasunod rito. At napansin ni Fame ang dahan-dahang pagkunot ng noo ni Zach ng hindi siya nito nalingunan sa likod nito.
Kunot ang noong tumingin ito sa gawi niya. "What are you still doing there?" Kunot pa rin ang noo na tanong ni Zach. Mabilis namang iniligpit ni Fame ang mga gamit. Dinampot niya ang bag na nakalapag sa mesa saka siya nagmadaling lumapit sa gawi ng binata. Kunot pa rin ang noo nito ng pindutin nito ang button ng elevator. Pagbukas ng elevator ay agad itong pumasok sa loob. Sumunod naman siya agad rito. Siya na ang pumindot ng button pababa ng groundfloor. Pagkatapos niyang pindutin ay pumuwesto siya sa likuran nito.
Hindi naman nagtagal ay bumukas ang elevator. Naunang lumabas si Zach. Inayos din mo na ni Fame ang sarili bago sumunod kay Zach. Nasa likuran lang naman siya ng binata.
"Miss Sevilla." Narinig na tawag ni Zach sa pangalan niya habang patuloy pa rin ito sa paglalakad sa hallway ng building ng ZB Realties. Mabilis naman naglakad si Fame para makaagapay rito.
Tumabi siya kay Zach. "Yes, Sir?" Aniya ng makaagapay siya sa paglalakad nito.
"I want you to take all down notes sa lahat ng pag-uusapan namin ni Mr. Guttierez." Sabi ni Zach habang ang tingin ay deretso lang sa harap.
"Okay po, Sir." Sagot niya. Hindi na muling nagsalita si Zach kaya hindi na lang din siya nagsalita. Sumunod na lang siya rito. At ng inilibot ni Fame ang tingin sa hallway ay napansin niyang halos eighty porsiyento ng kababaihan ay nakatingin sa kanila—hindi pala, kay Zach lang nakatingin ang mga ito. Iiling-iling na lang si Fame. Well, hindi naman niya masisisi ang mga ito. Sino ba namang babae ang hindi mapapatitig o mapapalingon sa binata? Tila ito isang modelo na naglalakad sa runway. Sa hitsura at tindig lang ng binata talagang kahit sino ay mapapatitig rito.
"Good morning, Sir." Bati ng driver ni Zach ng makarating sila sa kinaroroonan ng sasakyan nito. Nginitian niya ang driver ng hindi pinansin ni Zach ang pagbati ng driver sa halip ay pumasok na ito sa backseat ng sasakyan.
"Snob 'no?" Natatawang wika ni Fame sa driver ng maisara nito ang pinto ng backseat.
Nagkamot ito ng ulo. "Sanay na po, Ma'am." anang driver sa natatawang tinig. Lumapit ito sa kanya at pinagbuksan siya nito ng pinto sa may passenger seat.
"Salamat po, Manong." Sabi ni Fame rito bago siya pumasok sa loob ng sasakyan. Isinuot ni Fame ang seatbelt ng pumasok na rin ang driver ni Zach mula sa driver seat. At ng paandarin nito ang sasakyan at napatingin siya sa rearview mirror upang tingnan si Zach. Nakita niyang nakatingin ito sa hawak-hawak nitong cellphone. Lihim siyang napangiti nang makita na naman siya ang pagsasalubong ng kilay ni Zach. Lagi niyang nakikita ang pagsasalubong ng kilay ng binata. At mukhang naramdaman ng binata na may nakatitig rito dahil nag-angat ito ng tingin bigla. Huli na para mag-iwas ng tingin dahil nagtama na ang tingin nila sa rearview mirror.
"What?" Ani Zach sa masungit na tinig.
Umiling-iling si Fame. "Nothing, Sir." Sabi niya sabay alis ng tingin rito upang itago ang pamumula ng kanyang pisngi.
TUMAYO si Fame mula sa pagkakaupo niya nang makitang tumayo ang boss niyang si Zach at ang ka-meeting nito sa araw na iyon na si Mr. Peter Guttierez.
"It's my pleasure having business with you, Mr. Brillantes." Ani Mr. Guttierez kay Zach sabay lahad ng kamay niya.
"Thank you, Mr. Guttierez. It's my pleasure too." Sabi naman ni Zach sabay abot sa nakalahad na kamay ni Peter Guttierrez. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na si Mr. Guttierez sa kanila dahil susunduin pa daw nito ang asawa. Pagkaalis naman ng lalaki ay inayos na ni Fame ang gamit niya. Isinukbit na rin niya ang bag baka sakaling aalis na sila sa Restaurant na iyon. Tapos na rin naman kasi ang Agenda nila sa sandaling iyon.
Nang humarap sa kanya a si Zach ay awtomatikong kumunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Nagtaka naman si Fame. Wala naman siyang natatandaang ginawang mali. Sa katunayan ay sinunod naman niya ang pinag-uutos ng binata sa kanya. Nagtake-down notes naman siya sa pinag-usapan ng dalawa kanina. Lihim naman niyang pinasadahan ang sarili baka doon may mali. Pero maayos naman siya.
"B-bakit, Sir Zach?" Tanong niya habang nakatingin siya sa mga mata nito.
Bakit ganyan ka makatingin sa'kin? Nagagandahan ka sa'kin no? O hindi kaya may crush ka sa'kin? Anang pilyang isipan. Kagat labing tumingin siya sa kanyang kaliwa ng hindi na niya kayang pigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Kung ano-ano kasing pilyong sumasagi sa kanyang isipan. Impossible naman kasi na crush siya nito pero possible din na nagagandahan din ito sa kanya. Kasi sabi ng nanay niya ay maganda daw siya. At hindi nagsisingungaling ang nanay niya sa bagay na iyon. Muling sumilay ang ngiti sa kanyang labi sa mga naiisip.
"What that smile for?" May ngiti pa rin sa labi ng bumaling siya kay Zach ng marinig ang tanong nitong iyon.
"Ahhm...nothing, Sir. I just remember something funny." Sagot niya. Hindi ito sumagot. Kumunot lang ang noo nito. Pagkatapos niyon ay napatingin ito sa bag niyang nakasukbit sa balikat niya at sa kipkip niyang notebook.
"And where are you going?" Tanong nito.
Aalis na, obvious ba? "Tapos na iyong meeting niyo with Mr. Guttierez, Sir Zach. Baka aalis na tayo."
"Where not yet leaving." Bruskong wika nito. Tumingin din si Zach sa relong pambisig nito.
Napatingin din si Fame sa kanyang suot na relong pambisig. "It's exactly twelve noon. Nandito na rin tayo sa restaurant. We better eat our lunch here." Pagkatapos nitong sabihin iyon ay umupo na ito sa silyang binakante nito kanina. Nag-angat ito ng tingin patungo sa kanya.
"Ano ang sinabi ko sa'yo kanina lang?" Tanong nito ng binata na nakakunot ang noo. Inulit naman ni Fame ang sinabi ni Zach sa kanya kanina.
"So, ano ba ang itinatayo mo diyan?" Masungit na wika nito sa kanya. "Maupo ka na rito." Utos ng binata.
Tumingin siya sa kanang panig niya upang itago rito ang pag-ikot ng kanyang mata. Saka siya mabilis na umupo sa silyang inupuan niya kanina.
Pagkaupong-pagkaupo niya ay agad nitong tinawag ang waiter. Agad naman silang nilapitan ng waiter at inabot nito sa kanila ang menu.
"Just order what you want, Miss Sevilla." Anang binata sa kanya ng buklatin niya ang hawak na menu.
She smiled secretly. "I want all." She said in a love voice. At nang mag-angat ng tingin si Fame upang balingan si Zach ay nagulat na lang siya nang makitang nakatitig ito sa kanya. Hindi niya maipaliwanag iyong tinging ipinagkakaloob ng binata sa kanya sa sandaling iyon. At ng makaramdam siya ng bahagyang pagkailang ay mabilis niyang tinakpan ang mukha gamit ang menu at saka niya binanggit ang order na gusto niya sa naghihintay na waiter.
BINABASA MO ANG
Bossy Boss (Zach Brillantes- Completed)
Fiksi UmumI-ipinaramdam mo sa 'kin na may gusto ka sa 'kin. Umasa tuloy ako." Soon...