6

14.3K 716 16
                                    


Unedited

"AYYY!" Tili ni Fame sabay takip ng dalawang tainga gamit ang kamay ng biglang kumulog at kumidlat habang naglalakad sila ni Zach patungo kung saan nakaparada ang sasakyan nito. Mahigit dalawang oras sila ni Zach sa Pampangga. At sinabi rin nito sa kanya na sabay na silang bumalik sa Manila. Pagkasabi nito iyon sa kanya ang tinawagan ni Fame ang driver na naghatid sa kanya sa Pampangga upang sabihin rito na mauna na itong bumalik sa Manila at makikisabay na siya kay Zach pauwi. Nakangiwi siyang ngumiti ng nilingon siya ni Zach.

"Gulat lang po ako—ayy!" Muling siyang napatili ng muling kumulog at kumidlat.
Iiling na lang si Zach.

"Bilisan mong maglakad. Baka abutan tayo ng ulan." Sabi ni Zach. And true to his word ay biglang pumatak ang ulan. Kanina ang tirik na tirik ang araw pero ngayon naman ay madilim tanda ng pag-ulan.

"Shit!" She heard him cursed. Muli siyang binalingan ni Zach. Mabilis namang kinuha ni Fame sa loob ng bag ang payong na dala. Binuksan niya iyon saka siya lumapit sa binata para mapayungan ito.

"Mabuti na lang at girlscout ako." Nakangiting wika niya ng balingan siya ni Zach.
Nagpatuloy na sila ni Zach na naglakad. Nasa kalagitnaan na sila ng paglalakad ng bumuhos ang malakas na ulan kasabay pa ng malakas na hangin. Gamit ang isang kamay ay hinawakan niya ang dulo ng payong upang hindi iyon tangayin ng hangin. Mayamaya ay nagulat na lang si Fame ng akbayan siya ni Zach at hinapit siya nito palapit sa kanya. Nanlalaki ang mata na binalingan niya si Zach. And it was a wrong move dahil bumaling din pala si Zach sa kanya. Lalong nanlaki ang mata ni Fame ng magdikit ang ilong nila ni Zach. Naramdaman ni Fame ang paninigas ni Zach sa nangyari. At mayamaya ay napalunok siya ng makita niyang bumaba ang tingin ni Zach sa kanyang labi. Nakita din niya ang pagtaas baba ng adams apple ng binata. Inalis ni Zach ang tingin sa kanyang labi at tumingin ito sa mga mata niya. Nang gumanti din si Fame ng titig sa binata ay ibat-ibang emosyon ang nakita niyang bumalatay roon. Pero kahit isa ay hindi niya kayang bigyan ng kahulugan ang emosyong bumalatay sa mga mata nito. Inalis niya ang tingin sa binata ng hindi na niya nakayanan ang klase ng tinging ipinagkakaloob nito sa kanya. Pero mayamaya ay hindi niya napigilan ang sarili na sumiksik sa binata ng muling kumulog ng malakas at kumidlat. Naramdaman na naman ni Fame ang paghapit ni Zach sa katawan niya palapit rito.

"Let's go." Ani Zach saka ito nagsimulang naglakad. Hindi naman maiwasan ni Fame ang pagbilis ng tibok ng puso niya habang naglalakad sila ni Zach na ganoon ang posisyon nila.
Mayamaya ay nakarating na din sila sa kinapaparadahan ng kotse nito. Binuksan nito ang pinto ng passenger. Pagkatapos niyon ay kinuha nito ang payong na hawak niya. "Hop in." Utos ng binata. Sumakay naman agad si Fame roon. Isinara ni Zach ang pinto ng makapasok siya pagkatapos ay umibis ito sa driver seat. At doon lang napagtanto ni Fame na wala doon ang driver ng binata.

"Where's your driver?" Tanong ni Fame kay Zach ng makapasok ito sa kotse.

"He's not here as you can see." Sagot ni Zach. Hindi niya alam kung namimilosopo ba ito o hindi? Pero hindi niya maiwasang ipaikot ang mga mata.

"Patilain mo na natin ang ulan. Bago tayo umalis." Mayamaya ay wika ni Zach. Nang balingan niya ito ay nanlaki ang mata niya ng isa-isa nitong tinatanggal ang butones ng suot nitong long sleeve. Nang napansin ng binata na nakatingin siya rito ay bumaling ito sa kanya. Mabilis namang inalis ni Fame ang tingin rito. At kahit hindi siya nakatingin sa salamin ay aminado siyang namumula ang magkabilang pisngi niya. At mula sa gilid ng kanyang mata ay nakita niyang tuluyan ng nahubad ng binata ang suot nitong long sleeve. At aaminin ni Fame sa sarili na natutukso siyang tingnan ang hubad na katawan ni Zach. Ibayong control ang ginagawa sa sarili huwag lang siyang tumingin rito. Nakita din niya sa gilid ng kanyang mata na may kinuha ito mula sa backseat ng sasakyan. Sa pagkakataong iyon ay doon lang napatingin si Fame kay Zach ng i-abot nito sa kanya ang isang puting towel.

Bossy Boss (Zach Brillantes- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon