10

13K 343 22
                                    


Unedited

NANG makita ni Fame na limang minuto na ang lumipas simula noong pumasok si Zach sa pribadong opisina nito sa umagang iyon ay tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya sa kanyang silya. Dinampot niya ang notebook at ballpen na nakapatong sa kanyang mesa at nagsimulang humakbang patungo sa opisina ng binata. Kumatok siya ng dalawang beses saka niya pinihit pabukas ang pinto at tuluyang pumasok. At hindi katulad ng dati na kapag pumapasok siya sa loob ng opisina nito ay nakatutok na agad ang atensiyon ng binata sa laptop nito o hindi kaya nakatutok ang atensiyon nito sa mga folder na nakapatong sa mesa ay ngayon naman ay nakatingin ang binata sa gawi ng pinto. Na tila ba inaabangan ng binata ang pagpasok niya sa loob.

Napalunok si Fame. Tumikhim siya bago niya binati si Zach. "Good morning, Sir." Bati niya. Pagkatapos niyon ay itinuon niya ang atensiyon sa hawak na notebook at ballpen upang i-ready niya ang sarili na itake down notes ang lahat ng sasabin ni Zach at lahat ng gusto nitong i-utos sa kanya.

"Miss Sevilla may gusto akong ipahanap sa'yo and this is very confidential. Walang ibang makakaalam nito kundi tayo lang na dalawa." Sabi ni Zach. Inalis niya ang tingin sa notebook at sumulyap ng tungin kay Zach.

Tumango siya. "Okay, Sir." Sagot niya. Wala siyang ideya kung ano o sino ang gustong ipahanap ni Zach sa kanya pero aasahan nitong wala siyang pagsasabihan. Tsimosa siya kung minsan pero kapag sinabing confidential ay mapagkakatiwaalan siya.

"Good." Ibinalik muli niya ang tingin sa hawak na notebook. Pero agad niyang ibinalik ang tingin kay Zach ng marinig niya ang sumunod na sinabi nito.

"Ihanap mo ako ng babaeng magpapanggap na girldfriend ko." Sabi ni Zach.
Nanlaki ang mata niya. Tama ba ang narinig ni Fame? Tama ba ang narinig niyang nagpapahanap ng babae si Zach na magpapanggap na girlfriend nito. But why? Pero siya na rin ang sumagot sa katanungan ng kanyang isipan. Naalala niya iyong nabasa niya kanina na balita tungkol sa kapatid nitong si Xavier. In-announce na kasi nito ang nalalapit na kasal sa girlfriend nitong si Faith. At susunod na dalawang linggo ay gaganapin ang engagement party ng magkasintahan. May nabuo agad na konklusyon o ideya si Fame sa kanyang isipan. Konklusyon ni Fame sa pinag-uutos ni Zach ay nagpapahananap ito ng magpapanggap na girlfriend ng binata dahil sa tatlong magkakapatid na Brillantes ay si Zach lang ang natitirang single. Si Zach lang unattached sa magkakapatid. Well, sa halos tatlong buwan kasing pagta-trabaho ni Fame bilang sekretarya nito ay wala pa siyang nakikitang ibang babaeng nakadikit dito. Hindi tulad ng ibang boss o isang bachelor ay iba-ibang babae ang nali-link sa mga ito. Imposible namang bakla ang binata kasi kung bakla ito eh, di sana noon pa ay napansin na niya iyon. At...at hindi siya papayag na bakla ito. Kasi kapag nagkataon ay aakitin niya ito. Gagawin niya itong tunay na lalaki. At sa isiping iyon ay hindi niya napigilan ang mapangiti. Sumilay ang napakatamis na ngiti sa kanyang labi.

"What's funny?" Nag-freeze ang ngiti sa labi ni Fame ng marinig ang sinabing iyon ni Zach at ng makita niya ang magkasalubong na mga kilay nito ng mag-angat siya ng tingin upang sulyapan niya ito. Nakagat naman ni Fame ang pang-ibabang labi. Dahil naglalakbay ang kanyang isipan ay nakalimutan niyang nasa harap pala niya ang binata at matamang nakatitig sa kanya.

"What's funny, Miss Sevilla." Ulit na tanong ng binata, hanggang ngayon ay magkasalubong pa rin ang mga kilay nito.

Fame cleared her throat and then she shook her head. "Nothing, Sir." Sagot niya, ngumiti din siya.

Saglit na hindi nagsalita si Zach, nanatili lang itong nakatitig sa kanya. Nakaramdam naman ng bahagyang pagkailang si Fame sa titig ng binata sa sandaling iyon. Kaya ang ginawa niya ay yumuko siya at itinuon ang atensiyon sa hawak na notebook at pinaikot-ikot niya sa kanyang kamay ang hawak ding ballpen.

"So, what do you like, Sir?" Tanong ni Fame kapagdaka.

"What do you mean?" Tanong ni Zach. Nag-angat muli ng tingin si Fame para balingan ito.

"Hmm...what i mean is kung ano ang gusto niyo sa isang babae. Ideal girl niyo ba kumbaga. Para do'n ko po iba-base iyong babaeng hahanapin ko na magpapanggap na girlfriend niyo." Sagot ni Fame sa binata.

Tumango-tango naman si Zach sa sinabi niya. Isinandal nito ang likod ng swivel chair nito at ipinatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa saka siya nito tinitigan ng matiim.
At nang mag-umpisang magsalita ang binata ay agad niyang ibinalik ang tingin sa hawak upang isulat ang mga sasabihin nito.

"Gusto ko sa babae iyong matalino, babaeng laging nakangiti." Umpisa ni Zach. Mabilis naman isinulat ni Fame iyon sa kanyang notebook. "Babaeng masarap kasama." Pagpapatuloy nito. "Parang ikaw." Dagdag na wika ni Zach dahilan mag-angat siya ng tingin rito. Nakita niya ang binata na nakatingin sa kanya. May kakaiba sa tingin na ipinagkakaloob ni Zach sa kanya sa sandaling iyon. Hindi lang mabigyan ng kahulugan ni Fame ang kakaibang tingin na iyon ng binata.

"Gusto ko sa babae iyong katulad mo. Ganoon ang gusto ko." Hindi magawang ikurap ni Fame ang mga mata. Hindi din niya maalis ang tingin sa mukha ni Zach. At lalong hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman sa sandaling habang magkahinang ang mata nila ni Zach. Ang lakas-lakas din ng tibok ng puso ni Fame. Sa sobrang lakas ay natatakot siya na baka marinig nito iyon.

"What, Miss Sevilla? Titigan mo na lang ba ako buong araw?" Si Zach.
Kumurap-kurap si Fame.

"G-gusto niyo sa babae na katulad ko?" Hindi makapaniwalang tanong ni Fame kay Zach.

Tumaas ang isang kilay ng binata. And holy shit! Lalong gumwapo ang binata sa paningin niya ng sampung porsiyento.

"May problema ka ba doon, Miss Sevilla?"

Umiling siya. "Wala naman, Sir. Flattered lang ako kasi katulad ko pala ang gusto niyo." Hindi napigilan ni Fame ang bibig na sabihin iyon sa binata. Flattered naman talaga siya dahil ang isang sought-after bachelor na si Zach ay katulad niya ang gusto nito. Well, hindi naman niya masisisi si Zach, kaakit-akit talaga siya kaya hindi niya ito masisisi ito kung ang isang tulad niya ang ideal girl nito. Hindi na naman napigilan ni Fame ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Mayamaya ay nakarinig siya ng malakas na pagtikhim. Nang tumingin siya kay Zach ay nakita din niya ang pag-angat ng labi nito tanda ng pag-ngiti. At sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang niya nakita ang binata na ngumiti.

Magugunaw na ba ang mundo? Tanong ni Fame sa sarili habang nakatitig pa rin siya sa binata.

"What, Miss Sevilla?"

"Marunong pala kayong ngumiti, Sir. Tao na kayo." Natutop ni Fame ang bibig dahil hindi na naman niya iyon na-control.

"Bakit? Hindi ba ako tao sa paningin mo, Miss Sevilla?"

Umiling si Fame bilang sagot. "Hindi naman sa gano—

"So, ano ang ibig mong sabihin?" Putol ni Zach sa sasabihin niya. Hindi naman maiwasan ni Fame ang mapasimangot dahil sa pagputol ni Zach sa sasabihin niya.

"Frowning is prohibited at my office, Miss Sevilla. In case you forgot." Zach said. Mabilis naman ngumiti si Fame dahilan para dumaan sa ang amusement sa mata nito. Lumundag naman ang puso ni Fame sa eksenang iyon.

"Back to our topic. So, ano ang ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina." Balik ni Zach sa topic nilang dalawa kanina.

Tumikhim siya bago sumagot. "Well, bihira ko lang kasi kayong makitang nakangiti. Naninibago lang ako kaya nasabi ko ang bagay na iyon. Kalimutan niyo na lang na sinabi ko iyon." Sabi niya sabay kumpas ng kanyang kamay.

She once again saw the amusement in Zach eyes. And Zach just shrugged his shoulder.

"So, maasahan ba kita sa pinag-uutos ko, Miss Sevilla?" Mayamaya ay wika ni Zach.

Nakangiti namang tumango si Fame. "Yes, Sir."

"That's good. And I need it asap." Anang binata pagkatapos niyon ay idinismiss na siya nito. Nagpaalam na siya rito bago siya tuluyan tumalikod upung umalis. Pero akmang bubuksan niya ang pinto ng matigilan siya ng tawagin ng binata ang pangalan niya.

"Do you need anything, Sir?" Aniya ng lingunin niya si Zach. Hindi nagsalita si Zach bagkus ay tinitigan lang siya nito.

"Sir?" Untag ni Fame sa binata.

Zach sighed. "Nothing. You can go." Anang binata bago nito ibinaling ang atensiyon sa harap ng laptop nito. Nagkibit-balikat lang naman si Fame bago niya tuluyang binuksan ang pinto saka siya lumabas.

Bossy Boss (Zach Brillantes- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon