Unedited
TAHIMIK lang si Fame na naglalakad kasunod si Zach. Palabas silang dalawa sa building ng ZB Realties. Pupunta kasi silang dalawa sa Ross Restaurant upang i-meet ang isang German investor ng ZB Realties. As usual ay kasama na naman siya ng binata. Nang makarating sila sa parking lot kung saan naka-park ang kotse nito ay tahimik itong sumakay roon. Bumuntong-hininga na lang si Fame at tahimik na rin sumakay sa passenger seat. Nahihiya naman siyang tumabi sa binata sa backseat dahil hindi siya nito kinikibo at kinakausap. Isang araw na ang lumipas simula noong huling kibuin siya ni Zach. Kikibuin at kakausapin lang siya nito kapag may gusto itong sabihin at iutos sa kanya. Pero kung wala naman ay hindi siya nito pinapansin. Para nga siyang multo sa opisina dahil nakikita niya ito pero parang hindi siya nito nakikita. At hindi maipaliwanag ni Fame sa sarili kung bakit parang may kumikirot sa kanyang dibdib? Bakit parang may mabigat na nakadagan sa kanyang puso sa isiping hindi siya pinapansin ni Zach?
Humugot muli siya ng malalim na buntong-hininga. Sinilip din niya si Zach mula sa rearview mirror. Nakatutok ang atensiyon nito sa hawak nitong cellphone. Bahagya din magkasalubong ang mga kilay nito. At mukhang napansin ng binata na may nakatititig rito dahil nag-angat ito ng tingin. Nagtama naman ang mata nila ni Zach sa rearview mirror. Saglit na dumaan ang kakaibang emosyon sa mata nito pero pagkatapos niyon ay biglang naging blangko iyon.
"What are you looking at?" Masungit na wika ng binata sa kanya.
Kinagat naman ni Fame ang ibabang labi saka umiling-iling. Iniwas na rin niya ag tingin rito at tumingin na lang siya sa labas ng bintana.Hindi naman nagtagal ay nakarating din sila ni Zach sa restaurant kung saan magkikita si Zach at ang ka-meeting nitong isang German investor. Pagkaparada nga ng kotse ay agad itong bumaba ng sasakyan. Mabilis namang sumunod si Fame at sa kakamadali niya ay nahulog ang folder na hawak niya. Mabilis niya iyong dinampot at mabilis na maglakad para umagapay kay Zach na mabibilis ang mga hakbang. Nanatili naman si Fame sa gilid ng binata.
"Good afternoon, Sir and Ma'am?" Salubong ng staff sa kanilang dalawa pagkapasok nila sa loob ng nasabing establishemto. "Do you have any reservation?" Magalang na tanong ng staff.
Tumango si Fame at siya na rin ang sumagot sa tanong nito. Sinabi niya sa staff ang reservation nila.
"This way, Sir, Ma'am." Anito saka sila iginiya patungo sa kung saan ang reservation nila. Wala pa doon ang German investor na ka-meeting ni Zach ng makarating sila sa mesang ni-reserve nila. Nang umupo si Zach ay umupo rin siya sa tabi nito. Inihanda naman ni Fame ang folder na kakailanganin ni Zach. Saktong kakatapos lang niya ng ihanda ang nga kailangan ni Zach ng dumating ang ka-meeting ng binata. Nang tumayo si Zach ay tumayo din si Fame.
"Good afternoon, Mr. Colditz." Bati ni Zach sabay lahad ng kamay nito sa lalaki.
"Good afternoon too, Mr. Brillantes." Ganting bati ng lalaki sabay tanggap sa nakalahad na kamay ni Zach.
Nagbigay galang din si Fame kay Mr. Colditz dahilan para balingan siya nito.
Ngumiti si Mr. Colditz sa kanya saka nito inilahad ang kamay sa harap niya. Wala naman nagawa si Fame kundi tanggapin ang pakikipagkamay nito.At nagulat na lang siya ng pisilin ng lalaki ang kamay niya. Mabilis tuloy niyang hinila ang kamay at itinago iyon sa kanyang likod. At ng tumingin siya kay Zach ay nakita niyang magkasalubong ang kilay nito habang nakatingin ito sa kamay niyang inilagay niya sa likod.
Mr. Colditz cleared his throat. "Let's sit down." Anang lalaki. Nang umupo ito ay umupo na rin silang dalawa ni Zach. At doon na nagsimula ang pag-uusap ng dalawa. Tahimik lang naman si Fame sa isang tabi habang abala siya sa pagta-take down notes ng mahahalagang pinag-uusapan ng mga ito. Mayamaya ay napatingin siya kay Zach ng tumunog ang cellphone nito.

BINABASA MO ANG
Bossy Boss (Zach Brillantes- Completed)
Fiction généraleI-ipinaramdam mo sa 'kin na may gusto ka sa 'kin. Umasa tuloy ako." Soon...