9

12.9K 367 2
                                    


Unedited


"SIR?" Yumuko si Fame upang silipin si Zach saloob ng kotse nito. Nagulat na lang si Fame ng huminto ang kotse ni Zach sa tapat niya habang naghihintay siya ng jeep.

"Hop in." Anang binata. Umusod ito upang buksan ang pinto ng passenger seat.

"Po?" Ani Fame. "Sasakay na po, Sir." Kabig niya bigla ng magsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanya.

"Seatbelt, Miss Sevilla." Ani Zach ng maisara niya ang pinto ng passenger seat pagkaupo niya.

Mabilis naman niyang naisuot ang seatbelt. Nang makita ng binata na naisuot na niya ang kanyang seatbelt ay doon lang nito pinaandar ang sasakyan nito.

Wala silang imikan na dalawa. Wala naman kasing sasabihin si Fame. At saka tahimik lang din si Zach sa pagmamaneho nito. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya si Zach. Seryoso ito sa pagmamaneho nito. Lihim siyang napangiti ng makita niya ang pagkakasalubong ng mga kilay nito. Iiling na lang si Fame na inalis ang tingin kay Zach at tumingin sa labas ng bintana. She couldn't explain to herself what she felt for Zach. Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit bumibilis ang tibok ng puso niya kapag kasama niya ito. Hindi maipaliwanag kung bakit tila ba may humahaplos sa kanyang puso sa tuwing nakatitig siya sa itim na mga mata ni Zach.

"Anong gagawin natin dito, Sir?" tanong ni Fame kay Zach ng ihinto nito ang kotse sa tapat ng isang restaurant.

Sa halip na sagutin ni Zach ang tanong niya ay inalis nito ang suot nitong seatbelt. Pagkatapos niyon ay binuksan nito ang pinto ng driver seat at lumabas roon. Mabilis naman niyang inalis ang suot na seatbelt. Saka din niya binuksan ang pinto ng passenger seat. At dahil sa pagmamadali niyang bumaba ay nauntog tuloy siya sa bubong ng sasakyan nito.

"Ouch." Daing niya habang sapo ang nasaktan na ulo. Nakita naman niya ang pagsasalubong ng mga kilay ng binata.

"Di ba sinabi ko sa'yong mag-ingat ka." Ani Zach ng makalapit ito sa kanya.

"Nag-iingat naman ako ah. Itong bubong ng kotse mo. Hindi nag-iingat." Birong paninisi ni Fame sa bubong ng kotse nito. Binuntutan pa niya iyon ng mahinang tawa pero ang magaling na boss niya sa halip na ngumiti o matawa sa biro niya ay lalong nagsalubong ang mga kilay nito. Kaya iyong ngiti niya ay dahan-dahan napalitan ng ngiwi. Mayamaya ay lumapit ito sa kanya lalo at huminto ito ng ilang dipa lang ang layo nila sa isa't-isa. Matangkad ang binata kaya kinakailangan pa ni Fame na tumingala para magtama ang mata nila. Sa sandaling iyon ay wala siyang anumang emosyon na nakikita o nababasa sa mata nito.

He was poker-faced right at this moment.

"Sir?" Tawag niya sa binata. Hindi na naman sumagot si Zach. Sa halip ay umangat ang isang kamay nito patungo sa ulo niya.

"May I see your head?" He said in husky voice. Hindi niya alam kung ano ang nasa boses nito dahil mabilis niyang sinununod ang sinabi nito. Kung dati ay nagtatanong siya rito kung hindi niya naintindihan ang sinabi nito pero sa pagkakataong iyon ay hindi. Sinunod na agad ni Fame ang sinabi nito. Dahan-dahan niyang ibinaba ang isang kamay na nakasapo sa kanyang ulo. Saka din siya yumuko upang makita nito ang tuktok ng ulo niya. At ng haplusin ni Zach ang tuktok ng ulo niya ay parang may mainit din na humaplos sa puso niya sa sandaling iyon. Iyon na naman iyong madalas na nararamdaman ni Fame kapag may ibang ginagawa si Zach sa kanya na kakaiba. Ginagawa na nagpapabilis ng tibok ng puso niya kahit simpleng bagay lang iyon.

"Does still hurt?" He asked in husky voice. Inangat naman ni Fame ang mukha upang sagutin ang tanong nito. Napakurap-kurap si Fame ng makita ang kakaibang mababakas sa mata ni Zach sa sandaling iyon. Gone with the poker faced expression. At the moment, his eyes were softened as he looked at her face.

"Not...not anymore, Sir." Halos pabulong lang na sagot ni Fame kay Zach.

"That's good." Ani Zach saka nito inalis ang kamay na nasa tuktok ng ulo niya. "But next time, be extra careful, Miss Sevilla." Ani Zach. "I dont want you to get hurt." Mahinang dugtong nito.

Nanlaki ang mata ni Fame. I dont want you to get hurt? Tama ba iyong narinig niya o imahinasyon lang niya iyon? Pero, I swear narinig talaga ni Fame na sinabi iyon ni Zach.

"A-ano nga ulit iyong sinabi niyo, Sir? Pwedeng pakiulit? Di ko kasi masyado nakaringgan." Aniya sa binata. Nais makasiguro ni Fame na hindi lang imahinasyon ang narinig. Gusto niyang makasigurong lumabas nga iyon sa bibig ng binata.

Pero noong makita niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito ay alam niyang imahinasyon o halusinasyon lang niya iyon. Tumingin si Fame sa kanyang gilid upang itago niya ang pag-ikot ng kanyang mata. Nakakainis itong lalaking ito kung minsan. Hindi pala, nakakainis ito madalas. Isang malaking paasa.

"Let's go." Nang ibalik niya ang tingin sa binata ay nakita niya itong nag-umpisang humakbang patungo sa nasabing restaurant.

"Kainis itong lalaking ito, nang-iiwan." Bubulong na wika ni Fame sa sarili. Nakasimangot na sinundan ni Fame ang binata. She take her time to walk. Hinayaan niyang maunang maglakad si Zach. At gusto naman niya iyon eh, kasi malaya niyang napagmamasdan ang magandang hubog ng katawan nito. Ang malalapad nitong balikat. Kinagat ni Fame ang pang-ibabang labi. Pero mayamaya ay ipinilig niya ang kanyang ulo para maalis ang mga pinag-iisip niya sa sandaling iyon. Kung ano-ano na naman kasi ang pumapasok sa isip ni Fame habang nakatingin siya sa likod ni Zach.

Napahinto si Fame sa paglalakad ng lumingon si Zach sa likod nito at nang hindi siya nito nakita ay unti-unting nagsalubong na naman ang mga kilay nito. Awtomatikong sumilay naman ang labi ni Fame ng tumingin si Zach sa gawi niya. Lalo tuloy nagsalubong ang mga kilay nito.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Zach.

"Naglalakad." Sagot niya habang nagpatuloy siyang humakbang palapit rito. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresiyon ng mukha ni Zach ng tuluyan na siyang nakalapit rito. Sa halip na maintimidate si Fame sa ekspresiyon ng mukha ni Zach sa sandaling iyon ay nginitian lang niya ito ng pagkatamis-tamis.

"Ano po palang gagawin natin rito?" Tanong ni Fame na sadyang binabalewa ang ekspresiyon nito.

"Kakain." Sa wakas ay sinagot din ng binata ang tanong niya kahit isang salita lang iyon. At mayamaya ay nagulat at nanlaki ang mata ni Fame ng walang pasabing hinawakan ni Zach ang kamay niya at hinila siya nito papasok sa loob ng naturang establisiyemento. Kakaibang pakiramdam ang nanulay sa buong katawan ni Fame ng maramdaman niya ang mainit na kamay ni Zach na nakahawak sa kamay niya. Sa pagkakataong iyon ay parang hindi lang kamay ang hawak ni Zach. Parang pati buong pagkatao niya ay hawak-hawak nito.

Bossy Boss (Zach Brillantes- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon