Unedited
"THIS charade is between you, me and Sir Zach, Miss Lorenso. Kaya dapat walang nakakaalam sa charade na ito. And this charade ends after the engament party. Kailangan lang ni Sir Zach ng babaeng magpapanggap na girlfriend nito sa engagement party ng kapatid nitong si Xavier. At lahat ng sinabi at binilin ko sa'yo ay dapat mong sundin. Maliwanag ba lahat, Ms. Lorenso?" Tanong ni Fame kay Debbie Lorenso-ang babaeng napili niya na magpapanggap na girlfriend ni Zach. Hindi din madali para kay Fame ang makahanap ng babaeng papasok sa pamantayan ni Zach. Mabuto na nga lang at nakita at nakilala niya si Debbie Lorenso sa isang dating site na na-research niya.
"Yes, Miss Sevilla." Nakangiting wika nito.
Tumango siya. "And remember, don't fall in love with our boss." Paalala niya.
"No problem, Miss Sevilla."
Hindi na niya ito sinagot. Sa halip ay kumatok siya ng tatlong beses sa pribadong pinto ni Zach upang ipaalam ang presensiya niya. Pagkatapos niyon ay pinihit niya ang pinto pabukas at tuluyang pumasok sa loob kasunod si Miss Debbie
"Sir..." pukaw ni Fame sa atensiyon ng binata. Iniwan naman ni Zach ang ginagawa nito at nag-angat ito ng tingin.
"Hmm...Sir Zach this is Miss Debbie Lorenso. Iyong babaeng nahanap ko na magpapanggap na girlfriend niyo." Saglit niyang sinulyapan si Debbie at agad naman niyang ibinalik iyon kay Zach.
"Good morning, Sir Zach." Nakangiting bati ni Debbie sa binata.
"Just call me Zach para masanay ka." Ani Zach kay Debbie.
Ngumiti ng matamis ang babae. "Okay, Zach." Nakagat ni Fame ang pang-ibabang labi ng makaramdam siya ng bahagyang kirot sa kanyang puso ng pahintulutan ng binata si Debbie na tawagin ito sa pangalan nito. At kahit hindi siya tumingin sa salamin ay alam ni Fame na mababakas ang lungkot sa mata niya. At ng mag-angat siya ng tingin patungo kay Zach ay nagulat siya ng makitang sa kanya ito nakatitig. Nakakunot ang noo nito pero mababakas do'n ang pag-alala.
Huminga siya at pilit na ngumiti rito. "Hmm...maiwan ko mo na kayo, Sir. Para makapag-usap kayo ng mabuti." Paalam niya. Hindi na niya hinintay na sumagot ito bagkus ay tumalikod siya at mabibigat ang mga paang lumabas ng opisina ng binata. Nang makalabas siya roon ay agad siyang umupo sa kanyang silya. Hinawakan niya ang kaliwang dibdib ng maramdaman niya hanggang ngayon ang kirot roon. Nakakaramdam ng kirot ang puso niya dahil...nagseselos siya. Nagseselos siya dahil naamin niya sa sarili na nahulog na ang loob niya kay Zach. She was fallin in love with her boss-Zach Brillantes. Naamin ni Fame ang bagay na iyon pagkatapos siyang halikan ni Zach. Naamin niya sa sarili na nahulog na ng tuluyan ang damdamin niya para sa binata. Iyong mga nararamdaman niyang kakaiba sa tuwing malapit lang ang presensiya ng binata. Lahat pala ng nararamdaman niya kay Zach ay senyales na may nararamdaman siya rito. Kaya nasasaktan siya ngayon sa isiping may ibang babaeng kasama si Zach.
Kung hindi lang sana siya nahihiya o kung hindi lang niya iniisip kung ano ang sasabihin ni Zach ay baka nagprisinta siya rito na siya na lang ang magpanggap na girlfriend nito. Katulad naman niya ang gusto ni Zach.
Nagpakawala si Fame ng malalim na buntong-hininga. Ipinatong niya ang magkabilang siko sa mesa at ipinagsalikop niya ang kamay at ipinatong niya ang noo roon. Nasa ganoon siyang posisyon ng bumukas ang pinto ng opisina ng binata. Umayos siya mula sa kanyang pagkakaupo at nag-angat siya ng tingin. Nakita niya si Zach na matamang nakatitig sa kanya. Nasa likod naman nito si Debbie.
"Are you okay, Miss Sevilla?" Tanong ni Zach sa kanya na bahagyang nakakunot ang noo. Nakaramdam muli ng kirot ang puso niya ng tawagin siya ni Zach na Miss Sevilla. Hindi ba pwedeng Fame na lang ang itawag ni Zach sa kanya tulad ng pagtawag nito noon at itong lumipas na araw. Hindi ba pwedeng tawagin na lang din siya nito sa pangalan niya tulad ng pagtawag nito sa first name ni Debbie?
Umiling si Fame bilang sagot pero mabilis din siyang tumango. Lalo tuloy kumunot ang noo nito.
"Medyo sumakit lang ang ulo ko, Sir." Sagot na lang ni Fame para hindi maguluhan si Zach sa sagot niya. Bigla namang lumamlam ang ekspresiyon ng mukha ni Zach sa sinabi niya.
"You need to rest at uminom ka na rin ng gamot." Anang binata. Kitang-kita ni Fame ang bumakas na pag-alala sa mukha ng binata habang magkatitigan silang dalawa. Nabawasan tuloy iyong kirot na naramdaman ng puso niya habang nakikita niya ang pag-alala sa mukha nito.
Tumango na lang si Fame. "Later, Sir." Sagot niya.
Saglit na hindi nagsalita si Zach, nanatili lang itong nakatitig sa mukha niya na tila ba binabasa nito kung ano ang iniisip niya. Mayamaya ay nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga.
"By the way, Miss Sevilla. Cancel my appointment today. May pupuntahan kami ni Debbie." Ani Zach.
Saan kayo pupunta? Nais itanong ni Fame pero hindi na lang niya ginawa dahil kinain siya ng hiya.
"O-okay, Sir." Sagot na lang ni Fame. Mayamaya ay nasundan ni Fame ang kamay ni Zach na humawak sa siko ni Debbie.
"Let's go, Debbie." Ani Zach sa babae ng balingan niya ito. Ngumiti naman si Debbie sa binata.
"Okay." Sagot naman ni Debbie. Masokista na yata si Fame dahil sa halip na alisn niya ang tingin sa mga ito habang nag-umpisang maglakad ang mga ito paalis ay nanatili siyang nakatingin rito, lalong-lalo na sa kamay ni Zach na nakahawak sa siko ni Debbie habang inalalayan nito ang babae sa paglalakad.
Ganito pala ang pakiramdam ng nagseselos. Masakit.
----
Add niyo naman po ako sa facebook. Search niyo lang po Fiona Queen. Pero pm niyo muna ako na readers ko kayo sa wattpad para alam ko! Thanks!
BINABASA MO ANG
Bossy Boss (Zach Brillantes- Completed)
Ficción GeneralI-ipinaramdam mo sa 'kin na may gusto ka sa 'kin. Umasa tuloy ako." Soon...