Chapter 1

14 0 0
                                    


KIAN

Maaliwalas na kalangitan. Masarap na simoy ng hangin. Mga kaklase kong busy sa pagsagot sa test sa Chemistry. Teacher na naglilibot sa loob ng klase para makita kong may nangongopya. 'Yan ang mga scene ngayong araw.

"Okey, pass your papers." Sabi ni ma'am Beth, teacher namin sa Chem.

Some groaned in frustration. Probably, didn't have time to answer the following questions na nakahain sa kanila. Pinasa ko na ang test papers ko at bumalik na sa upuan katabi ng bintana.

Huling test na namin ito ngayong araw. Salamat naman at tapos na! Nakakahilo kaya, kahit pa sabihin nilang matalino ako masakit parin sa ulo.

Nilibot ko ang tingin ko sa nangyayari sa loob ng klasrum. Same scenes ang ginagawa ng mga kaklase ko tuwing natatapos ang exam. Titingnan ang mga notes kung nakuha ba nila ang tamang sagot. Some jump in glee when they figured it out that they have answeres it correctly, others-well, what else? Disappointed. Disappointed dahil 'di nila natama.

"Kian." May tumabi sa'kin na isang babaeng may hanggang balikat na buhok.

"Oh? Musta exam?" Tanong ko dito at nginitian. Meet Raquel Mendoza. My childhood friend.

She rolled her eyes on me, "Heh! 'Wag kang ngingiti-ngiti d'yan." Busangot ang mukha nito.

"Oh, bakit? Nangangamusta na nga lang." 'Di pa rin mawala ang ngiti sa labi ko.

"If I know, ikaw na naman ang halos nakakuha ng tamang sagot." May kasamang irap niyang sabi.

"Grabe. Nagreview lang talaga ako."

"Di wow! 'Wag ka na kasi mag review. Huling quarter na natin 'to sa third year. Magpaubaya ka naman ng pwesto."

"Not happening. No. 1 is mine." Iiling kong sabi at nag cross arms pa. "Kaya tiis ka muna bilang no. 2, ah? Bare with me. I won't back down." Ginulo ko ang buhok niya.

Aim ko kasing maging top 1 hanggang fourth year. Pangako ko 'yon bago mamatay si papa. At simula noong nag-high school ako top 1 ako.

"Tsk." Inirapan na naman niya ako. Natawa na lang ako sa reaksyon niya. "K. Fine. Whatever." Sabi nito at tumayo na. "Mauuna na ako. May lunch kami ng mga kaibigan ko." Paalam niya bago umalis sa harap ko at lumabas ng classroom.

Niligpit ko na rin ang mga gamit ko at isinisik ito sa black sling bag ko, bago lumabas na ng klasrum. Nasa hagdan na ako pababa ng ground floor ng building nang makarecieve ako ng text kay Drake.

From: Drake

Tol! Playground.

To: Drake

Bakit nand'yan ka?


From: Drake

Basta! Punta na dito!

'Di na ako nagreply pa. Importante siguro 'yong sasabihin niya. Half day naman ngayon kaya okey na umuwi.

~

Malapit lang ang playground sa school. Three blocks away lang ito. Medyo pawis na ako kasi nilakad ko lang ito. Tanghaling tapat ba naman. Pagkarating ko doon may iilang mga lalaking akong nadatnan. We have same uniform. Probably kaklase ni Drake. Kapansin-pansin ring walang mga tao dito. Kung sabagay, sino ang magbabalak maglaro sa kainitan ng tanghaling tapat?

"Drake!" Lumingon silang lahat sa'kin ng narinig nila akong sumigaw. Kumunot ang noo ko sa nakikita ko. Kaklase ba talaga 'to ni Drake? Bakit ang angas ng dating?

You're My Eyes {Re-publish}Where stories live. Discover now