ARTHURKATULAD ng inaasahan, natapos na lang ang recognition hindi pa din nagigising si Kian. On behalf of him, as the valedictorian, ang kakambal ko na si Raquel ang nagpahayag ng speech. Mabuti na lang at may consideration ang school at hinayaang makuha ang certificate of recognition at mga awards nito kahit hindi siya sumipot sa recognition day.
Four weeks nang naka-confine si Kian. Kelan kaya siya magigising? Si Drake naman palaging tulala or wala sa sarili. Palagi din siyang laman ng hospital, dinadalaw si Kian."Kamusta si Drake, babe?" Tanong ni Katie na ngayon ay kasama ko sa mall.
"Ganun pa din, babe." Kibit balikat kong sagot at tumulong na rin sa kanya sa paghahanap ng damit niya para sa Ball bukas.
May ball kasi every year ang grade 9 at grade 10. Tanda ng pag-welcome sa grade 9 bilang next generation ng grade 10 at parang farewell party na rin sa mga graduate na sa grade 10. Ka-ek-ekan ng Student Council.
"Hindi niya pa rin ba napapatawad ang sarili niya?" Humarap siya sa salamin at tinig nan kong bumagay ang green na dress sa kanya.
"I think so." Maikling sagot ko.
"Tingin mo ,babe, sasama si Drake sa ball? Mas maganda siguro kong isama natin siya para naman hindi siya magmukmok sa sulok." Napataas ang kaliwang kilay ko sa tinuran niya.
"Bakit ba si Drake ang pinag-uusapan natin? Hmm?" I shot her a curious gaze. "Are you—"
"Oh, shut up Arthur Mendoza." She rolled her eyes on me. "He's OUR friend. We need to do something to cheer him up before he'll drown himself in depression because of what happened to Kian." Namaywang pa siya sa harap ko. Binigyang diin niya rin ang 'our' sa sinabi niya.
Geez. I'm just kidding.
"Okey, okey." Pagsuko ko. "So? Paano natin siya mapapapayag na sumama?"
"Kukulitin natin. He can't say no to us." An evil smile etched in her pretty face.
"And wala rin siyang partner."
"And'yan si Raquel." Simpleng sagot niya at pumasok na sa dressing room.
"What?! No way, Kat." Tutol ko.
What can I say? I'm an overly protective brother—twin. It's not like I don't trust my friend baka lang kasi saan niya dadalhin kambal ko. . .alam ko pa namang gala 'yon. Lalo na kapag na bored.
Humawi ang kurtinang nagtatakip sa dressing room at lumabas si Katie na naka mint green na off shoulder dress at two inch above the knee. Isa pa 'to.
"Relax, Art. Hindi na bata ang kakambal mo. Tsaka, wala ka bang tiwala kay Drake. Hindi niya hahayaang manganib ang kambal mo." Umikot-ikot siya sa harap ng salamin upang tignan kung bumagay.
Wala talaga akong tiwala kay doon. Ang babaero kaya ni Drake. Wala ako tiwala sa kanya pagdating sa babae. Not that humahantong sa kissings ang mga naging ex's niya. Habulin kasi 'yon ng hoodlums din, eh. Baka mapano pa kakambal ko. At meron pa pala akong problema. . .
"Ano 'yang suot mo?" I cross my arms in my chest.
Humarap siya sa'kin sabay tanong ng, "Okey na ba?"
"No." Matigas kong sagot. Ang ikli kaya niyan! "Changed that." She pouted.
"Ehh?? Ang ganda kaya nito. Tsaka ito lang ang nakakuha ng attention ko." Katwiran niya pa.
"Yeah, right." Tinaasan ko siya ng kaliwang kilay. "At paniguradong hindi lang isa ang makukuha mong atensyon sa suot mong 'yan. Kundi pati manok." Diniinan ko ang salitang 'atensyon' para magets niya.
YOU ARE READING
You're My Eyes {Re-publish}
Teen FictionBeing afraid for the unknown is the hardest fight than facing a real monster. At least that's what Kian felt the moment he opened his eyes after the unexpected event. He was welcomed by darkness, an endless void. He lost his sight. A tragic thing, i...