RAQUEL
Tatlong weeks nang naka-confine si Kian sa hospital. Nagdaan na rin ang pliminary exam namin last week lang. At hindi siya nakaabot. I hope magising na siya kasi sa darating na friday na ang recognition namin. At dahil sa nangyari, ako ang inatasng magbibigay ng speech—if ever 'di pa siya nagising— sa recognition day. On behalf of the valedictorian.
I felt really bad for him. Inaway ko pa man din siya before nangyari 'to sa kanya. Pero si Drake ang mas naapektuhan sa nangyari. Pinilig ko ang ulo ko kay Drake. Katabi ko siya sa couch habang diretso ang tingin niya sa tulog na tulog na si Kian. Naglalaro naman ng board game ang mag-jowa sa carpeted floor. Lumabas muna kanina si tita. Ewan kung nasaan. Nakaupo naman ako sa couch katabi ni Drake at nagbabalat ng mansanas.
Drake was being not in his usual self after the incident. 'Di tulad dati na every week may girlfriend. After the incident, wala siyang pinapansing babae sa school or kahit saan. Na-expel din sa school ang tatlong baseball player na nanghamon ng gulo sa kanila. Drake was being quiet which is nakakapagtaka since madaldal 'to. Super shock siguro siya kaya kahit tumawa man lang or ngumiti ay 'di niya magawa.
Of course, kahit naman siguro ako, makita ko ang isa sa kanila na nasagasaan at nacoma ay siguro mababaliw rin. Lalo na't half of its incident was merely like my fault. Hindi niya naman talaga kasalanan 'yon. Yes, he texted Kian for help kaya nahantung sa ganito. But, its not his fault. Normal sa magkakaibigan ang humingi ng tulong. Kasalanan 'yon ng nanghamon sa kanila. Hindi naman kasalanan ni Drake na habulin siya ng babae. Hindi niya rin kasalanan na iwan ng babeng 'yon ang baseball player na 'yon. At mas lalong wala siyang kasalanan sa pagkaka-aksidente ni Kian.
But, I don't think ganun ang naiisip ni Drake. He blamed himself.
"Gusto mo?" Alok ko ng mansanas sa kanya. He nod at me and took a slice. Inalok ko na rin ang dalawang naglalaro.
"Salamat!" Sabi ni Katie.
"Welcome." Sabi ko, "Pasali naman kami ni Drake. Ano ba 'yang laro niyo?" Hinila ko si Drake sa pwesto nila at halatang nagulat sa paghila ko.
"Snake and ladder." Sagot ni kuya Art. Limang minuto ang tanda niya sa'kin, eh. Kaya kuya.
"Ayoko." Napalingon kami kay Drake ng umangal siya. Anla! 'Di pwede! Dapat kasali siya.
"Huwag ka ngang KJ! Makisali ka naman." Puna ni Katie.
"Tama! 'Di matutuwa sa'yo niyan si Kian 'pag nalaman niyang nagmumukmok sa corner ang isang Drame De Guzman!" Sabat pa ni Kuya Art.
"Ayoko pa rin." Bumusangot ang mukha niya. Ang arte nito. Sarap batukan.
"Heh! Sasali ka sa ayaw at sa ayaw mo!" Nakipagtitigan ako ng matagal sa kanya. Siya ang unang kumalas sa staring contest. Napapalakpak ako kasi panalo ako! Bwahaha!
"Tsk. Ayaw ko nga sabi..." Bulong niya pa habang inaayos ang board game. Natawa na lang kami sa kanya. Ayaw pala, ah?
~
Mga sampung minuto na kaming naglalaro at palaging si kuya Art ang nananalo for the passed four rounds.
"Kuya naman, eh! Magpatalo ka nga!" Asik ko kaso tinawanan lang ako ng loko.
YOU ARE READING
You're My Eyes {Re-publish}
Teen FictionBeing afraid for the unknown is the hardest fight than facing a real monster. At least that's what Kian felt the moment he opened his eyes after the unexpected event. He was welcomed by darkness, an endless void. He lost his sight. A tragic thing, i...