Chapter 13: Friends

2 0 0
                                    

KIAN


Sumunod na araw. Buong araw akong walang ginagawa. Sobrang boring at nakakamatay na boring ulit. All I did is listen to the music from my iPod. Wala si mama, nasa shop. Ang nandito lang ay ang binabayaran ni mama na mag 'baby sit' sa'kin.

"Ate Jam?" tawag ko sa sitter ko. Nanunuod kasi siya ng TV. Kasama ko siya dito sa sala, "Anong oras na?"

"Hmm. . . 4:16 na. Hala!" Naramdaman kong napatayo siya sa gulat.

Anong meron? "Bakit ate Jam?" kunot noo kong tanong sa kanya.

"Kian. . . Paano ba 'to? Aish!" Pabagsak siyang na-upo sa tabi ko. She feels frustrated. "Kian kasi may date kami ngayon ng boy friend ko, eh. Kaso wala pa ang mommy mo."

Eh? Date? Boy friend? What?

"Ah, ayos lang ate Jam. Dito lang ako sa sala. Antayin ko na lang si mama. Pwede ka nang umalis. Salamat po."

"Sigurado ka? Baka kasi mapano ka." She sounds worried.

"Tsk! Ate Jam naman. I'm already 16. I'll be fine."

Silence. Hindi siya nakapag-salita. Baka naman pinag-iisipan niya pa kung iiwan niya ako para sa date niya or i-ca-cancel niya ang date niya.

"Salamat Kian. Ang bait mo talagang bata." She patted my head lightly. "Mauuna na ako. Huwag kang magulo, ah?"

"Opo."

Narinig ko ang sapatos niya sa tiled floor ng bahay. Narinig kong bumukas ang pinto at sumara ito. Nakaalis na siya. Ako na lang ulit.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at nangalumbaba sa sofa. Pinilig ko ang ulo ko sa kanan. Kinapa ko ang mahabang sofa at inayos ang sarili ko dito. I'm going to sleep. Pipikit na sana ako ng makarinig ako ng katok.

"Tao po! Papasok ako!" Ang lakas ng boses niya. Narinig kong bumukas ang pinto at may mga yapak na papalapit sa'kin. "Hi Kian!"

Nangunot ang noo ko. Inayos ko ang upo sa sofa. "Anong ginagawa mo dito?" Biglang tanong ko. "Wala dito sina Raquel."

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. "Ano ka ba?! Hindi naman sina Raquel ang ipinunta ko dito. Edi sana sa bahay nila ako dumiretso."

Kung sabagay, may punto siya.

"Eh, anong kailangan mo?"

"You. I need you." Seryoso niyang sabi.

"What?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Narinig kong humalakhak siya.

"Hahaha! Ito naman ang seryoso, " I flinch when I felt her hand in my forehead. "Huwag ka ngang mangunot noo. Life is short kaya!" Hinimas niya ito kaya nawala ang kunot.

"Chelsea? Naka-drugs ka ba?" Oo, si Chelsea ang kasama kong baliw dito. "Aray!" Sadista pa.

"Anong drugs ka d'yan?! Sapakin kaya kita."

Sinapak na nga niya ako. Sira-ulo talaga.

"Ano nga ang gagawin mo dito?" Hinihimas ko ang ulo ko na sinapak niya. Masakit, eh.

You're My Eyes {Re-publish}Where stories live. Discover now