Chapter 14: Video Game

2 0 0
                                    

KIAN


AS usual, nakatunganga na naman ako sa sala. Nakikinig ng kanta ng mga sikat na singer.

"Aalis na ako, anak." Lumapit si mama sa'kin at binigyan ako ng isang halik sa pisnge at yakap.

"Okey, mom. Take care." I respond. "Anong araw ngayon, mom?" Bigla kong tanong.

"Sabado. Oh, sige na." Humiwalay na siya sa yakap ko at naglakad na papuntang pinto. "Pupunta pala dito daw si Chelsea." Binuksan na jiya ang pintuan.

"What?" Napamulagat ako. Ano na naman ang gagawin niya dito?

"Good morning tita Mae! Aalis na po kayo?!" Isang boses ng babae ang biglang dumating.

Great. Chelsea the madaldal at super hyper.

"Oo. Sige, ikaw na muna ang magbantay sa kanya, hija. Pasensya na rin sa abala."

"Okey lang po. Sige, ingat po kayo."

Narinig ko na lang ang mahinang tawa ni mama. Parang kinikilig na ewan. Isang saradong pinto ang narinig ko din at yapak na papalapit sa akin.

"Hi, Kian. Good morning!"

"Morning." bati ko pabalik, "Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang pasok?"

"Sabado ngayon. Malamang wala." Pamimilosopo niya at naupo sa tabi ko.

Sabi ko nga. Sabado ngayon. Napabuntong hininga na lang ako. I stiffened when I could feel something was sniffing me. What the! And it licked my face!

"What was that?" Bigla akong napaurong sa upuan ko. "Did you liked me?"

"Of course not!" Natatawa niyang sabi. "It's my pet."

Pet?

"Arf!"

"Meet my pet Sujo. Say 'hi' Sujo."

"Arf! Arf!" Tumahol naman ang aso na akala mo nakakaintindi talaga.

"Bakit mo naman 'yan dinala dito?" Umayos na ako sa pagkakaupo.

"Paki mo ba? Eh sa gusto ko, eh!" Nagtaray na naman.

"Paano kapag ayaw ko?" Pagmamaldito ko rin.

"Eh? Pati ba naman ikaw ayaw sa cute kong alaga? Magsama nga kayo ng kapatid ko. Hmmp!" Bigla siyang tumayo sa pagkakaupo sa tabi ko.

Aalis na siguro. "Saan ka pupunta?"

"Sa kusina. Baka may gatas kayo. Gutom na si Sujo." Humalakhak siya sa sinabi niya.

Pambihira. Akala ko aalis na.

"May gatas kayo dito, noh?!" Rinig kong sigaw niya mula sa kusina. "Kian?!"

"Meron! Hanapin ko sa mga cabinet. Sa pinakadulo." 'Yon kasi ang huli kong natatandaan.

"Wala naman, eh!" Reklamo niya.

You're My Eyes {Re-publish}Where stories live. Discover now