--CASEY's POV--
Buti nalang talaga hindi ako natanggal. Weee. Kaso lang napagalitan naman kami ni Jay. Huhu.
"Oh bass out nako Casey-beybi. Una na ko sayo" sabi niya at kumindat pa sakin. Loko yun ah.
Naghihintay nalang din ako ng malilinisan. Kunwari pinupunasan ko yung counter. Wahaha. Baka kasi masita na naman ako.
"Huy anong ginagawa mo diyan?"
"Ay Ian-myloves!" nagulat ako kay Boss Moi. Whooo.
"Oh sino naman yung Ian na yun?"
"Hehe. Boyfriend ko yun. Hahaha"
"Bata mo pa may boyfriend ka na?"
"Joke lang Boss. Wala sa isip ko yan. Favorite actor ko yun si Ian. Hihi"
"Kaya naman pala. Oh ayan may ibabass out na"
"Sige Boss"
Dumiretso nako sa lamesa nun ibabass-out.
Hala. Nasan ba ako? Hindi ba't nasa bar? Wala ako sa motel. Nakunaman. Patay tayo diyan. Wuhuhu. My virgin eyes. Ngayun pa lang ako nakakakita ng nag memake-out. Pasensya na. Huhu.
Ang rule pa naman sa bar na to, bawal mag make-out. Dapat daw kung mang chichicks/manlalaki at talagang gusto na nilang magparaos dapat idala na sa hotel na pagmamay-ari din ng Salvatore. Yuck lang yung term. Geez. Yun kasi ang sabi eh.
Ano ba gagawin ko? Sisitahin? Aisshh. Waaaah! Ano ba to. Dedeadmahin ko na lang. Baka mapahamak pa ko.
"Oooohhh....aaahhhh.." oh my Casey! Takpan ang mga tenga! Nakuuuupoo! My virgin ears. Huhuhu.
Binilisan ko ang paglilinis ng lamesa nila.
"You're so sweet," narinig kong sabi nun babae.
"I love your hills. They're big. Perfect for my hand"
Ohhhhhh. Noes. My toes. My knees. Napaka-vulgar. Oh my Casey. Huhuhu.
Bakit ganito ang mga naririnig ko. Hello??? I'm only 20. Kaya di ako sanay. Pero kasi nga nasa bar ako eh natural nalang makarinig ng mga ganun. Pero hindi pa din ako masanay. Mygasssh.
"Oh. Someone heard you," sabi nun babae at tumingin sakin. And then silang dalawa na.
0___0
Napalunok ako.
0___0
Isang lunok pa.
Inhale. Exhale.
Sabay alis.
Nilagay ko sa washing area lahat ng nalinis ko at napasandal sa pader. I'm catching my breath because of that scene!
Nakita ko na naman si Dee. Deemonyo. Waaaahhhhhh. Lakas ng kabog ng dibdib ko. Waaahh. Sana di niya ko nakilala. Wag sana. Lord, sana po di niya ko nakilala. Pleaasssseeeee. T.T
"Oh Casey-beybi. Anong nangyare. Para kang nag marathon ah?" sabi ni Jay
Naglagay din siya ng mga nalinis niya.
"H-huh. A-ah. Nakakita kase ako ng Deemon ay este dee..gaaa. ay daga. Oo ng daga," palusot ko. Sana lumusot.
"Huh? Daga? Paanong magkakaron ng daga dito. Alam mo naman ang policy dito when it comes to cleanliness di ba?" sabi ko nga hindi ako lulusot eh. (-.-")
"Eh basta may nakita ako. Pero napatay ko na. Maliit lang naman"
"Rereport ko kay Boss to ha"
"Hala hindi. Ako nalang. Ako naman ang nakakita eh ha?"
"Okay sige. Inom ka muna kaya ng tubig. Gusto mo ikuha kita?"
"Ah sige"
Whew! Muntik na naman ako. Anubanaman Casey. Sa pwedeng ipalusot bat yun pa? Yari ka niyan eh. Nako. Buti nalang si Jay yun. Kasi kung hindi lagot si Kuya James. Yung operator ng paglilinis dito sa bar. Huhu. Binatukan ko nga sarili ko.
"What the fvking hell you still doing here???!" bigla nalang kumulog. Ay este bigla nalang may sumigaw.
Oh sh*t!!! Si Deemonyo. Waaaahhh! Kakainin na niya ko huhu. Please. Wag mo kong suwagin ng sungay mo. >_<¦¦
"H-huh..a-ahhhh...S-sir??" nauutal kong sagot. Nakakatakot na siya. Hindi ko kayang maging mataray.
Nakasalalay ang trabaho ko pag may namali akong ginawa. Nakilala nga niya ako. Waaah. Ba't kasi ang ganda ganda ko? Kaya madali lang ako makilala. Wahahaha.
"I said why you're still here??"
"BECAUSE I WORK HERE YOU IDOT!!" sigaw ko sa kanya.
At syempre joke lang yan. Wish ko lang na kaya kong sabihin ko yan.
"E-eh S-sir d-dito po ako n-nagtatrabaho eh" mahinahon kong sabi. Kelangan magpakabait. Haaiiee.
"D*mn it!" nagmura siya tapos tumingin sakin ng masama.
"S-sir Dee, pasensya na po talaga kung nabangga ko kayo kagabi. Hindi ko naman talaga sinasadya," okay magmakaawa ako punyeta kase to eh! Nakakaasar. Bading siguro to eh. Nabangga lang, big deal na. Sinubukan ko naman punasan yung naitapon ko I mean natapon na inumin sa jacket niya. Grrr. Kainis! Bigyan kita dyan ng upper cut, makita mo. Hehe. :3
"You....YOU!" waaah. Napapitlag ako. Ayan na naman. Sumisigaw na naman siya.
"Bakit po Sir?"
"Tumingin ka na sa dinadaanan mo ng wala kang mabangga!" Waaaahhh. Galing. Nag tagalog na siya. Yeeezz. Ay baliw ka Casey. Pinapagalitan ka na nakuha mo pang tumawa. Baliw. Hihi
"Yes Sir Dee. I'll be careful next time"
"AND!! *nagulat na naman ako* Don't you ever call me Sir Dee. Just only Sir. Understood?"
"Yes Sir. Thank you po. Balik na po ako dun," tapos tumakbo na ko pabalik sa station namin. Whoooooo! Punyemas ka DEEmonyo. Nakooooo! Kung hindi ko lng kelangan ng trabaho. Nasipa na kita sa where-it-hurts-the-most mo.
BINABASA MO ANG
THE SALVATORE BROTHERS
Short StoryInspired by TVD. Hope you have time reading this. ♥☆★