The Salvatore Brothers 7

30 2 4
                                    

--CASEY's POV--

Minulat ko yung mata ko at umupo. Pero bigla na naman kumirot ang ulo ko.

"Peste. Ang sakiiittt!!" daing ko. Ang sakit talaga. Parang pinilipit....pinilip....potek. Kabulol ah. It's like, it's squeezing my head. Kaya ko naman pala i-english. Timang lang.

"Oh gising ka na pala"

Nakita ko yung mukha ni Daine. Ah si Daine. Ang gwapo niya. At ang ba----

"ANONG GINAGAWA MO DITO???" hala! Ba't ko naman siya sinigawan.

"Ganun? Ganyan ka na pala mag thank you?" huh? Pinagsasabi neto? Ah. Naalala ko na.

"Ay! Salamat nga pala sa pagtulong mo kay Nanay ah? Bumuti na yung lagay ni Nanay. Saka sorry kung nasigawan kita. Nagulat kase ako eh. He-he" lecheng tawa yan. Ang manyak.

Ba't ba kasi andito siya? Pwede naman siya pumunta sa bar bukas. Di yung dumayo pa samin. Hindi naman sa kinakahiya ko yung bahay namin, mabuti nga yun di ba? Kesa walang matulugan.

Magulo kasi eh. Hindi pa ko nakakapaglinis. Sumunod talaga si Nanay. Sabi ko kasi sa kanya wag niyang gagalawin yung mga kalat kung hindi magagalit ako. Hehe.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Hindi mo ba maalalang hinimatay ka sa daan?" nakaupo na siya sa harap ko. Ba't ang gwapo niya???

"Hindi eh. Kaya pala nakahiga nako dito. Eh ang alam ko nasa daan ako kanina. Pero teka pano kong napunta dito?" ano yun gumapang ako ng nakapikit? Korni ko lang.

"Malamang nasalo kita. Kung semento sumalo sayo eh di nasa hospital ka na"

"Sabi ko nga. To naman oh"

"Ano okay ka na ba?"

"Hindi masyado. Kumikirot pa din yung ulo ko eh," hinimas ko yung ulo ko. Pati yung likod ko nakisabay. Ang dami ko kasing nilabhan.

"Masyado mo naman kasi atang inenjoy ang paglalaba. Ayan tuloy hindi na kinaya ng katawan mo" sa totoo lang nakahimig ako ng concern sa sinabi niya. Hmmm. Bakit kaya? Crush siguro ko neto. Haha.

"Hindi naman. Kailangan ko lang talaga tumanggap ng labada. Dagdag kita din yun eh"

"What do you mean? Hindi sa inyong mga damit ang nilabhan mo?"

"Naman! Grabe naman sa dami ng damit namin? Ano yun nangolekta kami ng damit. Ni bagong tsinelas nga hindi pa ko makabili, madaming damit pa kaya?" tapos tumawa ko. Hahaha.

Nag smirk lang siya. Problema nito?

"Oh nasan nga pala si Nanay?"

"Natutulog. Sabi ko naman ako ang magbabantay sayo"

"Eh ano nga bang ginagawa mo dito?" baka naman sinisingil ako nito? Nakoooo. Utang muna please? Huhuhu.

"Wala naman. Kinakamusta ka" sus. Palusot pa. Ahaha. Assumera na naman ako.

"Okay lang ako. Okay lang din si Nanay. Oh tapos. Anong kasunod? Ay...sisingilin mo ba ko sa pagpapahospital kay Nanay? Nako, sa susunod na sah--"

"Hindi ako maniningil. I helped you. You and your mother" pinutol niya sa sasabihin ko. Nako. Mukhang galit ata.

"Sensya na ah. Sorry. Akala ko kasi eh," nakayuko kong sabi.

"Hey...*lumapit siya at hinawakan ang baba ko* I'm not mad if you're thinking that"

Ngumiti siya. Ang lapit ng mukha namin. Then my heart says LUB.DUB.LUB.DUB.

Hindi na naman ko makahinga. Ano ba yan. Ba't ganto ang tibok ng puso ko? Parang gustong kumawala.

THE SALVATORE BROTHERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon