--CASEY's POV--
After that 'blushing moment' night, hindi na ko makatulog ng maayos. Palagi ko kasi naiisip si Daine eh. Nakakainis siya! Isa siyang salarin sa magandang utak ko. Haha.
Hindi ko din maintindihan kung bakit palagi ko na lang siyang iniisip. Basta pag mag-isa lang ako bigla na lang siyang dadaan sa isip ko. Ang nakainis pa, tumatagal pa sa pag tambay!
Aba! Hindi na ako natutuwa. Nakakainis. Nasasabunot ko na buhok ko. Aaarggghhhh! Tell me guys, ano bang nangyayare sakin?
Ugh! Whatever. Makaligo na lang!
"Nay, pasok na po ako" wika ko kay Nanay pag labas ko ng kwarto.
"Ang aga mo naman atang papasok ha?" sagot niya habang nag hihiwa ng sibuyas. Nagluluto si Nanay para sa hapunan.
Alas singko pa lang ng hapon. Usually kasi 5:30 na ko pumapasok. Isang sakay lang naman mula dito papunta sa trabaho ko.
"Kumain ka muna kaya" dugtong pa niya.
Hay Nay. Sige na nga. Kakain na lang ako ng madami. Kesa kung anu-ano iniisip ko.
"Sige po Nay tulungan ko na kayo diyan"
Pagdating ng 5:30, pumasok na ko sa trabaho.
"Boss Moi" bati ko kay Boss pagpasok ko ng bar.
Tumango lang siya at tinuloy ang pag kutingting sa mga baso na naka-display sa counter.
Nagsisimula ng mag-ayos ng mga upuan sila Jay. Dumiretso na ko sa locker at nag palit ng damit pamasok.
Mas madami ang customer ngayon kumpara sa mga nag daang lunes. Mas ineexpect namin na marami ang tao kapag friday.
Kaya kailangan ko tuloy mag overtime dahil wala naman ako ka-substitute.
Hanggang alas dos lang ng madaling araw ang pasok ko. Hindi kasi pumayag si Nanay na hanggang 5am ako mag trabaho eh.
Pero no choice, mukhang mas tatagal pa ko ng isang oras. Pumayag na din kasi ako sa pakiusap ni Boss Moi eh. Kakaawa haha. Jokes!
"Haiiee kapagod naman" daing ko ng makapag pahinga na kami.
"Nako Casey-beybi, pano yan wala kang kasabay umuwi?" wika ni Jay.
"Oo nga eh. Okay lang kaya ko naman umuwi ng mag-isa"
Hindi kasi pumasok si Margie. Hindi din nag text kung bakit.
"Gusto mo ihatid kita sa inyo?" suhestsyon ni Jay. Nag-aalala ba siya?
"Ano ka ba, you're totally out of the way pag hinatid mo ako. Ang layo kaya ng bahay niyo"
"Okay lang. Atleast malaman kong safe ka makauwi"
"Ano ka ba okay lang ako. Kaya ko sarili ko okay?"
"Di ka na ba talaga mapipilit?" pagpapa-cute pa niya. Adik talaga.
"Hindi po okay?" at kinuha ko na yung gamit ko.
"Ingat ka my Casey-beybi!" at nag flying kiss pa ang kumag.
"Sira! Sige. Alis na ako. Ingat ka din pag-uwi" sabi ko sa kanya at nag paalam na din kay Boss Moi.
Tiningnan ko muna ang orasan bago ako lumabas ng bar. 3:30 na pala ng madaling araw. Sumakay ako sa unang jeep na dumaan. Buti naman, akala ko maghihintay ako ng matagal.
Bumaba na ko at naglakad. Tanging poste lang ng ilaw ang nag bibigay ng liwanag sa daan kasama na din siguro ang liwanag ng buwan.
Hindi ako sigurado kung may sumusunod ba sakin oh napaparanoid lang ako. Ganunpaman, nagpatuloy ako sa pag lalakad.
BINABASA MO ANG
THE SALVATORE BROTHERS
Short StoryInspired by TVD. Hope you have time reading this. ♥☆★