--CASEY's POV--
Linggo.
Day-off ko bilang waitress.
Pero duty ko bilang labandera at planstadora.
Ang saklap ng buhay. Pero syempre kelangan tanggapin. Hindi tayo dapat mabuhay sa pagiging mahina.
Kaya ako bilang si Casey, haharapin ang isang hamon. Isang hamon na magbibigay sakin ng sakit ng likod. Maraming sugat sa kamay at mga pasa. Ang OA ko. Tse!
"Pero malakas ako! At syempre maganda. Ha-Ha-Ha" pag momonologue ko. At may pahawak-hawak pa sa dibdib.
Bigla nalang may bumatok sakin.
"Aray naman Nay. Makabatok naman po kayo" nakanguso kong sabi sa kanya. Hinimas-himas ko pa yung ulo ko.
"Ang dami mo pa kasi kaartehan diyan. Ba't di kaya magsimula kana? Gagabihin ka pa eh"
"Sabi ko nga po. Eto na nga mag sisimula na....ay ano yang ginagawa mo Nay??"
"Naglalaba? Ano pa nga ba?"
"Nakunaman Nay. Wag nga kayo dito. Pumasok na po kayo sa bahay. Ako po ang maglalaba okay?" kinuha ko sa kanya yung hawak na sabon.
"Anong ikaw lang? Kaya mo ba yan? Eh parang isang batalyon ng sundalo ang lalabhan mo eh. Ang dami niyan. Tutulong ako" aysshh. Si Nanay. Pasaway talaga.
"Hindi nga po Nay. Ako nalang nga. Kagagaling niyo lang po sa hospital eh"
"Magaling na ko kaya pwede na kong kumilos"
"Hindi Nay. Ako na lang dito. Pumasok kayo sa loob. Mag FB kayo. Oh kaya mag twitter. Or manood kayo sa youtube. Kung gusto niyo mag sky--..aray naman Nay! Ang hilig niyo naman mangbatok. Nasisira ganda ko eh"
"Eh puro ka kasi kalokohan. Anong fb,twitter at kung anu pa yang pinag sasabi mo? Ni cellphone nga wala tayo eh ang internet pa kaya?" hehe totoo naman. Wala nga akong cp. Ganun kami kahirap.
"To naman si Nay. Hindi kayo mabiro. Hehe. Sige na po pasok na kayo sa loob. Kaya ko na po itong lahat"
"Sigurado ka?"
"Oo nga kasi Nay. Grabe ang kulit niyo"
Poink*
"NAYYYY!" tumawa lang na umalis si Nanay. Grabe binatukan na naman kasi niya ako. huhuhu. Sadista ang Nanay ko. Joke. Hehe.
At huhuhu. Sa totoo lang hindi ko alam kung kaya ko nga tong labhan lahat.
Ayoko lang talaga tumulong sakin si Nanay. Pinalabas na siya sa hospital dahil ang sabi ng doctor, naging maganda daw ang improvement ng baga ni Nanay. Dapat daw wag siya hayaan mapagod. Kaya nga baliw baliw yun. Maglalaba daw siya. Nako si Mother earth talaga. Gusto ata bumalik sa hospital. Okay. Knock on wood.
Hindi pa nga ako nagpapasalamat kay Sir Daine eh. Siya lahat ang gumastos sa pagpapahospital kay Nanay.
Hindi ko nga din alam kung bakit niya ko tinulungan. Pero wala naman akong panahon para mag-isip pa dahil naisip ko ng mas mabilis ng mapapagaling si Nanay.
Kasi mas natututukan ang lagay niya sa St. Lukes hindi katulad nun sa dating hospital na pinag confine-nan niya.
Yosh! Kaya ko to! Heekkkk. Sana. -_-
After 5000 years. Seryoso ko. Joke.
Natapos na kong maglaba. Whew.Buti nalang hindi ako inabot ng gabi.
Pumasok na ko sa loob ng bahay. Nasa likod kasi ng bahay ako naglalaba.
"Oh nak, buti at natapos ka na. Kumain na tayo"
BINABASA MO ANG
THE SALVATORE BROTHERS
Short StoryInspired by TVD. Hope you have time reading this. ♥☆★