Chapter 2

22 1 0
                                    

"Humakbang ka upang umpisahan ang daan papunta sa hinaharap."

  

   NAPAHAWAK sakanyang dibdib si Xenon ng makahinto sila sa tila marathon na ginawa nila sa hallway. Napakabilis ng tibok ng puso niya dahil sa pagtakbo at sa kaba na baka may malabag siyang rules sa school dahil sa pagtakbo sa hallway.

Napatingin naman siya sa kasamahan niya na cool lang na nakatayo at tila hindi tumakbo ng ilang milya. Nagpipindot lang ito sa cellphone.


'Shit. Kakaiba talaga ang babae na 'to. Siya ay halos mawalan na ng hininga dahil sa pagtakbo, pero ang babae na 'to ay wala lang at kahit pawis ay walang bakas sa mukha at leeg niya! O sadyang mahina lang talaga siya?'

Napaupo siya sa sahig ng rooftop. Nagulat siya ng dalhin siya ng babaeng 'to rito. Wala kasi halos pumupunta rito dahil sa rumors na kumakalat na may multo rito ng isang babaeng estudyante na nag-suicide dati rito sa may rooftop.

Napatitig siya sa babae. Kahit sa pagtingin palang rito ay malalaman mo na malakas siya at hindi basta-basta. Napaka-ganda at mukhang matalino pa.

Napayuko siya at hinubad ang salamin at pinunasan ito.

He really insecure to people like her. Gusto niyang maging matatag at malakas sa mata ng mga tao. Gusto niyang ipakita na hindi siya basta-basta at hindi lampa. Gusto niyang maging malakas sa lahat ng aspekto, katulad na lang sa sports. Magaling nga siya sa academic pero napakahina naman niya pagdating sa sports. Lagi na lang siyang sinasabihan ng P.E teacher niya na mag-exercise pa lagi. At dahil sa mukhang patpatin na itsura niya ay lagi siyang tampulan ng tukso.


"I'm here, sa may rooftop... Dalhin mo  na lang rito... Bye."

Napatingin siya muli rito. Binalik na nito ang cellphone na hawak sa bulsa ng blazer nito. Naupo naman ito sa isang upuan na luma na nakaharap sakanya. Pero nagulat siya ng titigan siya nito, kaya napayuko siya.

'Siguro sa mga oras na 'to ay nagsisisi na 'to na hinila siya nito papunta rito. Wala naman kasing may gusto na makasama siya. Sino naman kasi ang magkakagusto na makasama ang isang nerd na katulad niya na badoy at hindi naman kagwapuhan.'

Nakaramdam siya ng kirot sa puso niya. Kahit saan siya pumunta, mapabahay man o eskwelahan ay walang pumipili na lumapit sakanya kung meron man ay dahil gusto siyang bully-hin.

Minsan na raramdaman na niya ang pagkapagod sa araw-araw na senaryo na ganito na lagi siyang inaasar at iniiwasan. Sometimes he tried to suicide, pero hindi  niya kaya dahil isa nga siyang mahina at duwag.


Napagdesisyonan na niyang tumayo at umalis. Nasasaktan lamang siya kapag may nakakasalamuhang mga tao kaya mas makakabuti kung mag-isa na lamang siya.


"U-Uhhmmm... S-Sige aalis na ko."


Sabi niya.

Sabi nila maasaya kapag may kasama kang iba, pero minsan masakit rin kapag may kasama kang iba na alam mo naman ayaw sayo. Papasayahin ka sa una pero sa bandang huli ay iiwan ka rin kapag nakuha na nito ang gusto sayo.'

The Other Side (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon