Chapter 14

6 1 0
                                    


This is a work of fiction. Names, character, business, places, events, incidents are either the product of the author imagination or used in a fictitious manner. Kung may pagkakahalintulad man sa totoong pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng gumawa.
******

Sorry kung medyo matagal ang update. Medyo na focus ako sa final exam namin para sa first quarter at medyo dinamdam ko yung nakuha kong score sa essay na ginagawa ko sa English. Grabe siya, besh😭😭. Ang daming red marks ni ma'am. Napakasama ng grammar ko. Lakas pa ng loob ko na back to back ang essay ko tapos ang dami palang mali. Kaya napapaisip ako na baka pinagtatawanan niyo yung mga grammar ko😔. Kahinaan ko kasi ang English pero kahit ganun gusto ko pa rin siya itry para masanay ako at matutu. Pero ang sakit talaga besh😭😭. Sana po maintindihan niyo.

*****







Chapter 14

     Masayang umuwi si Xenon sakanilang bahay pero agad siyang napahinto ng may makita siya na isang tao na nakatayo sa harap ng gate ng kanilang bahay. Napakunot ang noo ni Xenon. Hindi niya makilala ang lalake dahil nakatalikod ito sa gawi niya.

Agad na naging defensive mode si Xenon at kinapa ang isang bullpen na kayang maging patalim na ibinigay sakanya ni Bryan na isa sa mga kaibigan ni Artemis. Tinuruan din siya kung paano ang tamang pag-atake gamit ng sandata na ito, pero hindi parin mawawala ang kaba sakanyang dibdib.

'Paano kung mas magaling at mas malakas ito sakin?'

Napalunok siya sakanyang naisip pero tinuloy niya parin ang paglalakad. 'Damn. Kailangan niyang umuwi ng maaga para magreview para sa second day of examination nila.

Dahan-dahan at tahimik ang ginagawang paghakbang ni Xenon. Ramdam na niya ang pagdaloy ng kanyang pawis sakanyang noo. Pahigpit ng paghigpit na rin ang hawak niya sa kakaibang bullpen niya. Kahit medyo ng lalambot na ang kanyang tuhod ay lakas loob siyang tumayo sa likod ng lalake.

"Are you done to thinking of me of some dangerous person?"

Biglang saad ng lalake. Nanglaki naman ang mga mata ni Xenon ng makilala niya ang lalake. Agad itong humarap sakanya at ngumiti sakanya. Nakahinga siya ng maluwag at napasandal sa gate ng kanilang bahay.

"Akala ko kung sino na, ikaw lang pala, Aries." Saad niya at binuksan ang gate at inaya si Aries na pumasok sa loob ng kanilang bahay.

Walang pag-aalinlangan na pumasok sa loob si Aries at naupo sa couch. Feel at home ang binata sakanilang bahay. Sanay na siya sa ganito dahil simula ng makilala niya ang binata ay lagi siyang pinupuntahan nito sa bahay niya. Noong una ay medyo na tataranta siya at nahihiya dahil iyon ang una niyang pagkakataon na magkaroon ng isang bisita.

"Kamusta ang exam?" Tanong niya sa binata habang nasa kusina siya. Magkalapit lang naman ang kusina nila at sa pinagpwestuhan ng binata kaya naman rinig na rinig siya nito.

"Maayos naman. Ang ganda mo kasi magturo." Sagot ni Aries.

Napatigil naman si Xenon sa paghahanda ng merienda dahil sa sinabi ng binata. He remember something familiar to those words.

The Other Side (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon