Chapter 20

1 0 0
                                    

Pasensya na kung ngayon lang nakapag-update. Nabusy kasi ako sa school lalo na't panahon na ng paggawa ng thesis namin.😭😭. Medyo sabaw ang utak ko ngayon.

Enjoy Reading guys!

Chapter 20

     MULING tiningnan ni Artemis ang kanyang relos. Pakiramdam niya ay napakabagal ng oras ngayon. Ang tagal mag-five (5) ng hapon!

"You look excited."

Napatingin siya 'kay Akihito ng tumabi ito ng upo sa island counter.

"Obvious ba?" Tanong niya at muling sumilip sa messenger ng kanyang cellphone. Wala pang text mula sakanya.

"Wow. Do you really waiting him?" Hindi makapaniwalang wika ni Akihito.

Bigla naman siyang napahinto at napatingin 'kay Akhito. Damn.

"Uhmm.. Ah.. —"

"Akala ko ba iiwas kana." Seryusong wika ni Akhito. Napaiwas naman siya ng tingin. Yeah. Yun ang usapan nila ng gang niya na iiwasan na niya si Xenon o kung sino man sakanila hanggat maaari lalo na't may ginagawa sila ngayon. They are searching the Roman Gang at tinatarget rin sila ng Roman Gang. Baka mapahamak pa ang binata.

Sumang-ayon na rin ang ina ni Xenon na medyo umiwas na sila 'kay Xenon.

"Artemis, I have a good news!"

Napatingin si Artemis sa pinto ng biglang bumakas ito at pumasok ang nagmamadali na si Lazarin. Napatayo si Artemis at sinalubong si Lazarin. May hawak itong isang brown envelope. Agad naman itong inabot sakanya.

"I finally find her." Wika ni Lazarin.

Nanglaki ang mga mata ni Artemis at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Tila naghalo-halo ang kanyang mga nararamdaman. Biglang nanginig ang kanyang mga kamay habang binubuksan ang envelope. Nagmamadaling inilabas niya ang mga laman nito. May ilang mga papel at mga picture.

Napatitig si Artemis sa isang litrato. Kuha iyon ng isang sniper gun mula sa malayo. Malinaw ang kuha at maganda ang anggulo. Kitang-kita ang mukha nito.

"Ang sabi ng source ko ay hindi nagtatagal sa isang lugar ang taong 'yan. Parang kapag nakapag-isang buwan na siya sa isang lugar ay lilipat agad siya at nikatiting ay wala siyang naiiwan na bakas. She is an expert pagdating sa pagtakas at pagtatago." Pag-iimporma nito. Napakunot naman ang kanyang noo.

"Pagtatago? Pagtakas? Tekalang bakit siya nagtatago at sino tinatakasan niya?" Sunod-sunod na tanong ni Artemis.

"Iyon pa lang ang inaalam ko." Wika ni Lazarin.

Biglang na puno ng mga tanong ang kanyang isipan at binalikan ang kanyang nakaraan. Ang nakaraan. Ang araw na huli silang nagkita at nagkausap.

"Malalaman mo ang sagot kong siya mismo ang tatanongin mo. Kaya kung ako sayo ay pupuntahan ko na agad siya ngayon." Wika ni Akihito.

Kaya hindi nag-aksaya ng panahon pa si Artemis at kumilos agad siya. Dinala niya si Akhito at Lazarin sa address na binigay ni Lazarin.

Halos tatlong oras ang byahe papunta sa lugar na 'yon. Ang paligid ay puno ng malawak na lupain ng mga mais at puno ng mangga. Akala mo ay nasa isang probinsya ka kapag nakita mo ang lugar. Paunti-unti lamang din ang mga madadaanan na mga kabahayan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Other Side (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon