Chapter 6

3 0 0
                                    

"Mag-ingat sa magandang bagay. Nakakasakit ng feeling 'yan."


Tahimik lamang na nakaupo si Xenon habang nakaupo. He waited to Artemis. Para siyang isang batang masunurin na naghihintay sa nanay niya na iniwan muna siya saglit.

"Ito na yung order na 'tin."

Agad na inilapag sa mesa ni Artemis ang isang tray ng pagkain na inorder nila. Agad na nagtubig ang bagang ni Xenon ng makita ang nakahain. Sa sobrang taranta at pagmamadali niya sa pagpunta sa bahay ni Artemis ay nakalimutan na niyang mag-agahan. Buti na lamang ay naisipan ni Artemis na huminto muna sa isang fast food restaurant para kumain.

"Dig in."

Tahamik na kumain silang dalawa habang nilalasap ang masarap na pagkain.

Ito ang unang pagkakataon na may makasama siyang kumain sa isang fast food restaurant bukod sa pamilya niya. Kung kakain man siya ay siya lang mag-isa. At ito ang unang pagkakataon na may nang libre sakanya.

Bigla siyang napatingn sa dalaga. This woman is very mysterious to him. May mga bagay 'tong nagagawa na kakaiba. Sa loob ng isang linggo ay may ilang na pag-obserbahan siya sa dalaga. Malakas ang memorya ng dalaga at mabilis makapagkabisado, katulad na lamang sa pagkabisado sa isang mahabang tula sa kanilang Englush subject. Kaya rin magsalita nito sa iba't ibang lengwahe, katulad na lamang ng Spanish, Japanese, at French. Malakas rin ang pangangatawan nito. Matagal itong mapagod katulad na lamang sa P.E. class nila na pinatakbo sila sa loob ng kalahating oras.

Mahaba pa ang oras ng pagsasama nila sa school at meron siyang pakiramdam na gusto pang makita ang ibang kayang gawin ng babaeng 'to. Si Artemis Saurez.

"What?"

Bigla siyang napaayos ng upo ng biglang tumingin sakanya ang dalaga. Isa rin pala sa nakakamangha sa dalaga ay ang malakas na pakiramdam nito. Tumingin kalang dito ng dalawa o tatlong segundo ay titingin na 'to sa deriksyon ng taong nakamasid sakanya.

Mukhang hindi maiisahan ang dalagang ito ng mga masasamang loob dahil sa pagiging-alisto nito sa paligid.

"U-Uhmm.. Gusto ko lang itanong kung tungkol saan ang ibinigay na task satin."

Saad niya. 'Wews. Buti na lamang ay nakagawan siya ng dahilan. Ilang beses na kasi siyang nahuhuli ni Artemis na nakamasid siya rito. Baka kung ano na ang iniisip sakanya ng dalaga. Hindi naman niya rin kasi mapigilan ang sarili na mapatingin sa dalaga dahil tila may sariling buhay ang kanyang ulo at mata at hinahanap-hanap nito ang magandang mukha ni Artemis. Hindi niya napapansin ang sarili na nakatulala na pala siya 'kay Artemis hanggang mahuli siya nito.

Itinabi nila ang mga plato at tray na gamit nila.

"Ang sabi sa'kin ni Berde—I mean ni Sir. Benard Green ay tayo ang magpepresentation sa mga freshman highschool about sa kahalagahan ng edukasyon sa lipunan at buhay ng tao."

Napatango-tango si Xenon. Naalala niya na may ganun ang Edward University para sa mga grade 7th. Taon-taon ay ginagawa iyon ng eskwelahan. Para kasi sakanila ay napakahalaga ng edukasyon at kapag namataan nila ang isang estudyante tila bumaba sa klase ay agad itong inaaksyonan ng eskwelahan upang iangat ito. Hindi nila pinapabayaan ang mga estudyante na bumaba ang mga grades. Una ay pinapat
awag ito sa faculty at kakausapin at pagkatapos ay i-undergo sa isang klase kung saan ay ituturo ang mga lesson na mababa ang estudyante.

Kaya naman ang halos lahat na kilalang mga tao sa indutriya ay nagmula sa kanilang eskwelahan.

"So, paano tayo mag-sisimula?"

The Other Side (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon