Chapter 9

11 0 0
                                    


This is a work of fiction. Names, character, business, places, events, incidents are either the product of the author imagination or used in a fictitious manner. Kung may pagkakahalintulad man sa totoong pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng gumawa.
***
WARNING MASAKIT SA UTAK ANG CHAPTER NA 'TO ⚠

  MABILIS NA NILAGOK ni Artemis ang isang bote ng beer na hawak niya. Halos gawin na niya itong tubig. Ito na ang pangatlo na beer na ininom niya.

"Hey, hinay-hinay ka naman d'yan, Art."

Sabi sakanya ni Bryan na may nag-aalalang ekspresyon, pero hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy niya ang ginagawa. Ramdam niya ang tingin ng mga kaibigan niya sakanya pero wala siyang pakilam rito. She want to drink until her hand become numb kakahawak ng bote at taas baba nito kakatungga niya.

"I don't like your record in your school, Artemis."

Seryusong wika ni Bishop habang nakatingin sakanya ng matiim. Sinalubong naman niya ang tingin nito at blangko na pinagmasdan ang kaibigan.

"Isang buwan pa lang ang lumilipas pero ganito na ang ipinapakita mo?"

Parang tatay na wika ni Bishop pero hindi siya nagpaapekto rito at masamang tinignan lamang ang kaibigan. She suddenly feel irritated. Siguro epekto ng beer kaya naman ay kinalma niya ang sarili. Ayaw niyang mag-away sila ng kaibigan niya.

Huminga ng malalim si Artemis habang pilit pinagsiksikan sa isipan niya ang huminahon at mag-isip ng maayos. She hate herself kapag ganito siya. Pakiramdam niya may isa siyang katauhan na laging nakikipagtalo sakanya at sumasalungat sa ginagawa niya.

"Umabsent ka ng isang linggo, Artemis at nag-ka-cutting classes ka."

Matigas na wika ng kaibigan niya. Malalim siyang napabuga ng hangin.

Calm down, Art. Calm.

Napangiwi siya ng maramdaman ang pagkabagot. Napatingin siya 'kay Bishop.

"What if I said I'm tired and I want to rest forever?"

Walang buhay na wika niya. Tila tinakasan ng dugo ang mga kaibigan niya at biglang na mutla sa sinabi niya. Natawa siya sa naging reaksyon ng mga kasama. Tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa sahig at tumayo siya sa harap ng malaking glass wall kung saan kitang-kita ang maaliwalas na kalangitan ng gabi.

"You know what, guys. Laging tumatakbo sa isip ko kung ano ba ang purpose ng mga bagay na 'to sa buhay natin. Bakit nag-aaral? Bakit tayo nagtatrabaho? Bakit kailangan nating magsumikap? Bakit kailangan natin ng ganitong mga bagay?

"Alam niyo madali lang naman ang buhay ika nga nila. Tayo nga lang ang nagpapahirap nito. Pwede naman tayong mahiga ng buong araw at hindi magtrabaho na halos pumatay satin."

"Pero ang pagtatrabaho ang bumubuhay sayo."

Sabad sakanya ni Spade. Napatawa siya ng mapait. "Bakit kailangan mabuhay ng may kasamang iba? Bakit kailangan ng ibang bagay? Pwede ka namang mabuhay ng mag-isa? May kamay, paa, utak, at puso ka naman. Bakit kailangan pa ng ibang bagay para mabuhay?"

"Alam niyo. Yung mga bagay ngayon ang nagpapahirap sa tao, eh. Yung iba hindi mabubuhay kung walang cellphone na hawak, yung iba hindi mabubuhay kung walang kotse na ginagamit, yung iba hindi mabubuhay kung walang make up paglabas ng bahay, yung iba hindi mabubuhay kung walang internet connection... Yung iba hindi mabubuhay kung walang pera."

Tao lang din naman ang pumapatay sa kapwa niya tao. Ang mga bagay na akala mo makakatulong sakanya hindi mo alam na maaaring sanhi rin ng kamatayan niya. Magulo ang mundo, napaka gulo. Kaya kapag nagpadala ka sa kagulohan na 'to. Kawawa ka.

The Other Side (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon