Chapter 3

11 0 0
                                    

"Ayos lang magkamali sa isang bagay, pero masama ang gawing tama ang bagay na alam mong mali."

MASAMA ang tingin ni Artemis sa taong nagdadrive para sakanila ni Xenon. Nakatingin lamang siya sa review mirror habang binibigyan ito ng matalim na mga tingin. Samantala ang driver na si Lourd na nakauniform talaga ng pangdriver ay nakangisi lamang habang nagmamaneho.

Nagulat si Artemis ng lumabas sila kanina ni Xenon ng EU HighSchool na may nag-aantay na itim na kotse na pamilyar sakanya. Nang lapitan niya ito ay halos pagmumurahin niya ang lulan ng kotse.

"¿por qué me atrapas? Puedo irme a casa solo." "Why do you get me? I can go home alone."


Saad ni Artemis sa wikang espanyol. Napatingin naman si Xenon 'kay Artemis, dahil sa pagsasalita nito ng wikang banyaga.

"Bishop dijo, pero ¿por qué ese chico está contigo y vas a ese lugar?" Bishop said, but why is that kid with you and you're going to that place?

Hindi sumagot si Artemis sa sinabi ni Lourd. Kahit siya hindi niya rin alam kung bakit niya naisipan dalhin ang lalakeng 'to sa isang lugar na malapit sakanya. Nadala lamang siguro siya sa kadramahang ipinakita ng binatang 'to kanina sakanya sa library.

"Okay lang ba sayo na dalhin kita sa isang lugar?"

Wika ni Artemis habang nakatingin sa labas. Malapit ng magdilim at lahat ng tao ay nag-uuwian mula sa mga trabaho at eskwelahan nila.

"U-Uh.. Okay lang. Nakapagpaalam naman ako."

Sagot ni Xenon sakanya. At muli ay kinain sila ng katahimikan, pero naputol 'yon ng magring ang phone ni Artemis. She receive a text from Akihito. Agad niyang binasa ang nilalaman ng text.

"We need to go in the Golden Gate Race Track at 10:00 pm sharp. The Roman Gang wants to challenge us to a drag racing."

Napakunot naman ang noo ni Artemis ng mabasa ang 'Roman Gang'. Kilala niya ang gang na 'to. Halos pumapantay ito sakanila. Katulad nila pumupunta rin ito sa iba't ibang bansa upang makipag-harap sa ibang gang,  ngunit pagdating sa ilang mga violent activity ay mas malala ang gang na 'to. Mga halang ang kaluluwa ng mga myembro ng Roman Gang. Wala itong mga awa. Ilang beses na rin itong nagkaroon ng kaso ng Gang Rape. Kaya naman sa tuwing naririnig niya ang 'Roman Gang' ay nakakaramdam siya ng galit at pagkainis sa gang na 'to.

Muli siyang napatingin sa labas ng bintana ng kotse. Kahit kailan ay hindi pa nila na kabangga ang Roman Gang dahil iniiwasan niya ang mga ito. Dahil nag-aalala siya sa mga bata niya. Alam niyang malalakas ang mga kasamahan niya ngunit alam niya ang Roman Gang na 'to ay hindi papayag na walang dumanak na dugo at may malagas sa Gang niya. Kahit kailan ay hindi sinubukan ng Olympus Gang ang pumatay ng ibang gangster na nakakalaban nila. Pinapabagsak niya lamang ito sa pamamagitan sa kunting pagbubugbog at pananakot dito, pero kahit na kailan hindi nila sinubukan ang pumatay. Tila naging batas 'yon sa grupo na bawal pumatay. Alam niyang ang iba sa mga kasamahan niya ay sumali sa Gang niya upang maghiganti, kaya naman ina-undergo niya sa ilang pagsusulit ang gustong sumali sa gang niya. May mga nakapasa at marami namang bumagsak.

Hindi niya ginawa ang Olympus Gang para sa katuwaan o sa pagmamayabang, ginawa niya ito para sa mga katulad niyang tila mga ligaw na kaluluwa sa mundong ibabaw. Siguro hindi ito maiintindihan ng mga taong may normal na buhay, pero alam niyang maraming taong nagtatago lamang sa dilim ang gustong makaintindi sakanila.

The Other Side (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon