Chapter 16

0 0 0
                                    

This is a work of fiction. Names, character, business, places, events, incidents are either the product of the author imagination or used in a fictitious manner. Kung may pagkakahalintulad man sa totoong pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng gumawa.
******

Chapter 16

 

"Thank you sa lahat na naki cooperate para sa araw na 'to. Magkita-kita na lang tayo bukas. Let's do our best for tomorrow." Saad ng kanilang President na si Akeni.

Kakatapos lamang nila mag-ayos at mag-usap tungkol sa magiging sistema ng kanilang café bukas sa school festival. Bukas na magaganap ang pinakahinihintay ng lahat.

Napangiti si Xenon ng pauwin na sila. Halos magdidilim na kaya dali-dali niyang kinuha ang mga gamit niya at lumabas ng café pero napatigil siya ng makita niya si Artemis na naglalakad papalabas ng gate ng school. Tila wala ito sa sarili at blanko lamang ang mukha.

Napakagat siya sakanyang labi ng maalala ang sinabi nito noong makaraang araw sakanya.

'Napasobra ba siya? Nagbago ba talaga siya?'

Nalaman niya rin sa mga kaibigan ni Artemis na medyo nag-iba nga daw ng kaunti ang pag-uugali niya pero hindi naman daw masama pero hindi yata ito matanggap ni Artemis. Naalala niya bago siya magsimula na magtraining kasama ang mga kaibigan ni Artemis ay may hinabilin ito sakanya na tuturuan siya kung paano protektahan ang sarili niya sa oras ng away, pero hindi porket may kaalaman na siya sa pakikipaglaban ay ipagyayabang na niya ito sa iba at walang takot makikipag-away.

Nalaman niya rin sa mga kaibigan ni Artemis na naaasar ang dalaga sakanya sa tuwing aalis siya bigla pagkatapos ng training.

'Nagpapaalam naman ako, ah.'

Dahil sa hindi siya mapakali ay dali-dali niyang hinabol ang dalaga. Nagulat siya ng makitang kung gaanu na ito kalayo. Shit. 'Ang bilis naman niyang maglakad.' Agad niyang tinakbo ang destansya nilang dalawa ngunit ng ilang hakbang na lamang siya rito ay nagulat siya ng bigla nitong inangat ang paa at inatake siya ng sipa. Mabilis niya itong sinalag gamit ang braso niya. Napadaing siya ng tumama ang bente ni Artemis sa braso niya. Napakalakas nun at feeling niya ay mababalian siya.

Napatingin siya sa mukha ni Artemis. Napaka seryuso at tila papatay ng tao. Nakaramdam siya ng kunting takot rito pero maya maya rin ay biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at binaba ang paa.

"Oh, ikaw pala yan, Xenon." Simpleng saad ni Artemis habang nakatingin sakanya. Napakunot naman ang noo niya. May kakaiba 'kay Artemis tila wala ito sa sarili.

Agad siyang lumapit rito ngunit humakbang ito paatras. Tila piniga naman ang puso niya dahil sa ginawa ng dalaga.

"H-Hey, may problema ba?" Kinakabahang wika niya. He stared to her blank eyes. Tila patay ang mga mata nito. Wala niisang emosyon ang mababakas.

"Nothing. I need to go." Saad nito at nagmamadaling umalis.

Napatanga naman si Xenon dahil sa ginawa ng dalaga. Agad siyang napaisip. 'Shit. Napasobra na ba ako? Tsk.' Kinabahan si Xenon dahil sa ginawa ng dalaga. Baka na iinis na ang dalaga sakanya dahil sa ginagawa niyang pag-iwas rito.






...

NAGTAGIS ang bagang ni Artemis pagkatapos niyang iwan si Xenon. Agad siyang naghanap ng hindi mataong lugar at tumigil sa paglalakad.

The Other Side (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon