Chapter 15

1 0 0
                                    


This is a work of fiction. Names, character, business, places, events, incidents are either the product of the author imagination or used in a fictitious manner. Kung may pagkakahalintulad man sa totoong pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng gumawa.
******

Chapter 15


    Kunot ang noo ni Xenon habang binabasa ang formula sa math at mga definition. Simula ng bumangon siya sa kama niya kaninang umaga, ang math notebook agad ang binuklat niya upang magreview. Ang math kasi talaga ang sumusukat sakanyang katalinuhan. Yes, he is smart pero it doesn't mean na alam na niya lahat. Like hello, hindi siya isang manghuhula upang malaman ang susunod na mga sagot sa question. Lahat ay napag-aaralan at nasasayo na iyon kung paano mo iyon papahalagahan. If you will keep it or you will just forget it?

Napatigil si Xenon sa pagrereview at sa pagkagat sa hawak niyang sandwich ng maamoy niya ang isang pamilyar na amoy. That sweet scent like a fresh flower with a mix of smell of a forest. It's really relaxing.

"You are really serious in math, huh?" Saad ng isang maangas na boses. He look up and he see the cool girl that he ever met in his life. That smirk that make her more cooler and beautiful.

"Artemis." Saad niya sa pangalan ng dalaga. Naupo naman ito sakanyang tabi sa may bench ng school park nila.

"Ang aga mo, ah." Kumento ng dalaga na nakasandal sa bench at humihikab-hikab. He noticed the dark circle under her eyes. She look tired and sleepy by her look.

"Did you sleep well?" Pagtatanong niya rito. Sinarado niya ang notes na binabasa at humarap sa dalaga. Umikot lamang ang ulo ng dalaga upang tingnan siya. She flatly looked at him.

"Napasobra lang sa pagrereview." Simpleng saad nito at isinandal ang ulo sa sandalan ng bench at ipinikit ang mga mata.

"Diba nagtext nako sayo na wag mo masyadong abusohin ang sarili mo dahil ganyan ang mangyayari sayo." Nag-aalalang wika ni Xenon ngunit hindi na siya sinagot ng dalaga. Nakatulog na yata.

Napatitig na lamang siya sa maamong mukha ni Artemis. She look innocent while she is sleeping, pero kapag nakikipag-sparing ito sa mga kaibigan nito ay napakaseryuso ng mukha at mukhang papatay ng tao. She have a strong presence at ang nagpapadagdag sakanyang maangas na datingan ay ang mga tingin nito. She have a blank stare, serious, sharp, and dangerous. Yung tipo bang kapag binalingan ka niya ng tingin ay manginginig na ang mga tuhod.

Napabuga naman bigla ng hangin si Xenon. 'Ako lang naman yata ang nanginginig kapag tinitingnan ako ng ganun ni Artemis.' Naalala niya sa tuwing titingnan ni Artemis ng masama ang mga kaibigan nito ay tatawa lamang o ngingiti ang mga ito. Kaya nilang salubongin ang mga tingin ni Artemis.

Hay, ganun siguro kapag lubosan mong kakilala ang isang tao. Alam mo ang ibigsabihin ng bawat galaw niya.


Muling tinuon ni Xenon ang tingin sa dalaga. Napakaganda talaga ni Artemis at hindi siya makapaniwala na nanatili ito sa tabi niya at tinulongan pa siya.

"Do you really care about me?" Madamdaming wika ni Xenon. He is afraid what will happen to next day. "Paano kong makasanayan ko ang bagay na'to? What will you do if..."

Napatigil sa pagsasalita si Xenon ng dahan-dahan na nagmulat ang mga mata ni Artemis at tumitig ang mga mata nito sakanya.

Biglang kumalabog ang kanyang dibdib. Alam ni Xenon ang mga nararamdaman niya sa tuwing nakakasama ang dalaga. Hindi siya natatakot na aminin ito, pero natatakot siya sa oras na malaman ito ng dalaga at kung ano ang itutugon nito.

The Other Side (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon