Chapter 4

17 0 0
                                    

"Walang taong nabubuhay na mag-isa."

HINDI mapoknat ang ngiti ni Xenon habang pinagmamasdan ang larawan sakanyang cellphone na kuha niya kanina. Malalim na ang gabi, pero heto siya na gising na gising pa habang ngumingiti na tila isang baliw sa mental hospital.

Simula ng makauwi siya galing sa pinagdalhan sakanya ni Artemis ay hindi na mawala ang ngiti sa mga labi niya. Kaya naman tudo tanong ang nanay niya sakanya kung anong nangyari sakanya. Pero sa buong oras ay nakangiti lamang siya.

Napasalumbaba siya at muling tinitigan ang larawan. Ang larawan na 'yon ay naglalaman ng imahe ni Artemis na nakikipaglaro sa ibang bata na may simpleng ngiti. Sa hindi malamang dahilan ay bumibilis ang tibok ng puso ni Xenon at napapangiti siya. Alam niyang medyo creepy ang ginawa niya, pero hindi niya na malayan na ginawa niya iyon ng makitang ngumiti si Artemis. Pakiramdam niya kasi minsan lang niya makikita ang mga ngiti nito. Tila napakamahal ng ngiti ng dalaga.

Muli ay tinitigan niya ang maamong mukha ni Artemis sa larawan. Napakaganda talaga ng dalaga. Ang makinis nitong balat, matangos na ilong, mahahaba at mapipilantik na pilik mata nito, malamlam na mga mata, at ang natural na pulang mga labi nito.

Napaawang ang labi ni Xenon ng mapadako ang kanyang mga mata sa labi ng dalaga. Zinoom in pa niya ang labi nito. Simula ng magkita sila ni Artemis ay lagi siyang napapatingin sa mga labi nito sa tuwing bubuka ito at sasabay naman ang puso niyang laging nagwawala. 'Ano bang nangyayari sakin? Bakit ko ba 'to nararamdaman sa taong isang beses ko palang nakikita? Baka epekto lang 'to ng kasayahan niya dahil sa wakas ay may kumausap rin sakanya.

Napabuga ng hangin si Xenon, pero maya-maya ay tila nagsink in sakanya ang ginagawa niya. Bigla niyang nabitawan ang phone niya at biglang nag-init ang kanyang pisngi. Sigurado siyang pulang-pula na ang kanyang buong mukha. Bigla siyang napahilamos sa mukha.

"Fuck... What happening to me?"

Mahinang bulong niya habang nakatanaw sa phone niya. Shit. Totoo bang pinagnanasahan niya ang isang tao na isang beses pa lang niya nakikita?! Luh!Hindi namn niya ito pinagnanasahan! Arrggh! Oh god! He never do this to anyone. Napaka inosente ka niya sa ganitong bagay!




"Baka epekto lang 'to ng pagbibinata ko?"

Pagkakausap ni Xenon sa sarili niya. Napasabunot naman siya sa buhok niya. 'Pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa pinangagawa niya. Ano bang ginawa ng babaeng 'yon sakanya upang magkaganito siya? Hindi kaya may ipinaom ito sakanya o kaya ipinakain? Eh, wala namang kahit na ano itong binigay sakanya.

"Aarrgghhhh! Mababaliw na yata ako."













HUMIHINGAL na lumabas si Artemis sa loob ng kanyang sasakyan. Pakiramdam niya ay tumakbo siya ng ilang kilometro. Hanggang ngayon ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kamay, dahil sa matinding pagkakahawak niya kanina sa manobela habang nagkakarera.

Napatingin siya ng makababa ang lalaking kalaban niya sa race na mula sa Roman Gang. Hindi niya ipanagkakaila na magaling at bihasa ang kalaban niya sa bagay na 'to. He is freaking good! Napakaswabe nito kung magpatakbo at napakagaling. Napakaraming beses na nagkakapalitan sila ng pwesto. Nagagawa nitong unahan siya sa maraming pagkakataon. Sa naging mga laban kasi ni Artemis sa mga drag racing ay lagi siyang nangunguna. Hindi dahil sa maganda ang kanyang kotse kundi dahil magaling talaga siya magdala ng kotse. Wala pang nakakatalo sakanya na ibang tao pagdating sa drag racing bukod sa mga kasamahan niya sa Olympus Gang na halos makakapantay sila ng galing.

The Other Side (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon