Huminga ako ng malalim nang maramdaman ko ang panglalamig sa buong katawan ko. Right, nakatodo nga pala ang aircon kaya ang lamig sabay mo pa na lukob talaga sa lugar na to. I sigh.
Pinatay ko ang aircon at saka ako pumunta sa testing labotatory saka nagtry ng iba pang pwedeng gawin sa pills na ginagawa namin. This time it's for everyone, gumagawa kami ng isang pills na kayang magpagaling ng kahit na anong external wound, minor or major cut man yan or di kaya galis na. Charot ang pangit naman ata pakinggan ng galis.
Naglagay ako ng halo halong chemicals and also herbal saka ko tiningnan kung compatible ba ang concoct pill na ginawa ko. Habang nadadagdagan ang hinahalo ko nag iiba ang kulay at sa bawat kulay na nangyayari nilalagyan ko ng something, ang something na to ang hindi makuha kuha ng mga taga organization. Dahilan kung bakit sila laging nagfe-failed sa mga ginagawa nila.
This is part of our ability, nadiscover namin ito bago pa man namin magawa ang miracle pills, nagawa namin yun sa tulong ng ability na ito. Dahil din dito kaya hindi na rin kami natatakot na malaman ng iba ang ingredients dahil may trump card pa kami.
"Ang aga mo naman." Napatingin ako sa likod ko at bakita ko si Yana na nakaayos na.
"Nagising ako sa lamig. Grabe kasi yang kapal ng balat nyo larang hippopotamus."
"Oy grabe sya oh! Ganun na ba kakapal ang balat namin?" Biglang sulpot naman ni Min.
"At least naman di ba bullet proof. Hahahaha. One and a half inch! Langya hahahaha."
Natawa naman kami dahil sa siningit ni Jullia. Ibang klase talaga tong tropa ko.
"Ano nakakuha ka na ng magandang combination? Di na ba yan sasabog?" Takang tanong naman sa akin ni Kass saka ako nagkibit balikat.
"Hindi ko nga alam kung sasabog ba to o hindi eh. Nakafourty combination na ako."
"Oh mas marami sa nagawa natin kagabi." Nag nod naman ako sa sinabi ni Yana.
"Tiningnan ko lang ang mga hindi compatible saka mga compatible and possible na hindi pwedeng combination kaya naman nakagawa ako ng fourty combination of chemicals and herbs."
Napaisip na naman ako ng pwedeng combination. Hindi madali dahil hindi naman lahat ng mga compounds ay compatible sa isa't isa.
"What if itry mo tong combination na to?" -kass.
And that's it another day na naman na nakakulong kami sa laboratory. Hindi kami gaanong lumabas kaya di din kami gaanong nakikita sa labas at mas lalong walang nang iistorbo sa amin kapag nasa laboratory kami since hindi dito pwedeng basta bastang pumasok.
Napatigil naman kami nang may kumatok sa pinto at hindi ko na pinansin dahil nanjan naman si Min at Yana.
"Guys pinapatawag nga lala tayo ni kuya Jared." Napatingin kami kay Yana at nakita ko ang isang babae sa loob ng lab habang nakayuko. Nag nod lang ako saka nag ayos.
***
"Nandito na pala kayo. Have a seat." Agad na sabi ni kuya Jared saka nag bigay ng tea si Miss Raquel.
"Ano pong dahilan bakit mo kami pinatawag?" Lah? Anong nangyari sa Yana na to bakit iba ata ang mood nya?
Tiningnan muna kami ni kuya Jared bago pa man sya bumuntong hininga. I don't know but somehow medyo kinakabahan ako sa sasabihin nya.
"What you want to know first? Good news or bad news?"
I look at him and automatic naman na napataas ng kanang kilay ang sarili ko.
"Good." Walang ganang sabi ni Min saka naman nag nod si kuya Jared.
"The good news is there is some improvement in Mint's Pharmacy and a lot of people wanted to know about the owner of that pharmacy. Alam nila na ang school ang may ari but not the specific person. Also hindi din nila kilala kung sino ang mga nagbabantay doon since hindi naman nakikita ang mga mata nila dahil sa tinted ang salamin." Napahinga naman ako ng maluwag "Okay ang pharmacy at may chance na madadagdagan pa ang laman noon aside from Miracle Pills."
Kahit na malaki ang pharmacy na yun wala pa rin gaanong laman iyon maliban sa miracle pills at hindi din naman pwede ibenta ng iba ang pills sa pangalawang pagkakataon.
"May naiisip na kaming idagdag and may mga konti pa namang problema but then malapit na kami matapos." Sabi naman ni Jullia.
"And then? The bad news?" Tanong ni Kass.
"The bad news is we still cant find then. I asked for the help of CIA but then they also failed to locate the location of team mission verdant second year."
Silence.
A fear came into our heart. Hindi ko alam kung dapat pa ba ako kumalma sa narinig ko.
"Kuya Jared! How come?!" Nanghihina ako pero pinilit ko na pakalmahin ang sarili ko. "Hindi ko to nararamdaman! Alam kong nasa maayos lang sila! Simula pa lang alam ko na sigurado ka na ligtas sila!"
I failed.
I cried.
Hindi ko na kaya. Alam ko ramdam ko talaga na nasa maayos sila, yan ang naramdaman ko sa nararamdaman ni kuya Jared. Alam ko na ligtas sila.
"I'm sorry. But how can you say that? Paano mo nasabing naramdaman mo na sigurado ako?"
And thats it. Napalunok ako ng laway at napatingin sa mga kaibigan ko. Oh me goodness! Anong nasabi ko?
"Nararamdaman ko po na sigurado kang ligtas sila kaya napalagay ako. Kita ko sa mga mata mo noong oras na yun, sa mga salita mo at lalong lalo na sa tono ng pananalita mo." Kalmado kong sabi.
Tinitigan ako ni kuya Jared saka sya bumuntong hininga at may binigay sa aming folder, na naman.
Napahawak naman ako sa noo ko at napapikit nang makita ko ang laman. Pinipilit kong hindi umiyak dahil alam ko na maiiyak din sila, pinipilit kong magpakatatag.
BINABASA MO ANG
Mint Academy 2: Black Organization
FantasyTHANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 Mint Academy Series #2 Have you ever tried to kill someone? have you or have not? Let's support the Verdant Ellipse to their journey on how they will dwell with the black...