🔯 Black 38

8K 305 13
                                    

Last update for today!

Sa mga gusto magpadedicate I will start next update just state your favorite scene or line and then explain why you love it.

Enjoy Minters!!!

"What do you mean? What was that mean?!" Naguguluhan at hindi makapaniwalang tanong ni Mister Roza at kami naman napunta sa sulok.

Kung titingnan kami aakalain talaga nila na natatakot kami. Yung tipong anytime soon para kaming mamamatay.

"Miss Charmaine, Jade, Rose and Luisa. Siya ba yung pumasok sa tattoo room at pumatay kay Mister Ej?" Hindi kami nagsalita hindi dahil sa takot kundi baka dahil matawa kami sa mga reaksyon nila. "Huwag kayong matakot hindi nya kayo masasaktan."

"O-opo." Mahina kong sabi at nakayuko ako kaya di ko masyadong kita. "After kaming lagyan ng tattoo ni Sir Ej bigla lang sya pumasok doon sa nilabasan at pinasukan nyo po ni Sir Ej!" Dagdag ko pa at naiiyak na tumingin sa kanila. "Sabi nya po magagamit nya kami kaya nya kami hindi pinatay!"

"ANONG PINAGSASABI MONG BABAE KA?! NI HINDI KO NGA KAYO KILALA!"

"Kilala mo po kami Sir Roza! Kung hindi mo po kami kilala bakit po ayaw na ayaw ko kami makapasok sa inner circle?! Bakit ayaw mo maging member kami?!" Naiiyak namang dagdag ni Yana.

Syempre hindi gaano nakapagsalita si Mister Roza dahil hindi nya rin alam kung bakit nya ayaw kaming ipasali sa inner circle. Siguro dahil kinukutuban sya sa akin? Kung ganun nga dapat na talaga namin syang patayin dahil wala naman din syang matutulong sa aming matino sa simula pa lang.

"Mister Roza! Ako pa rin ang President ng organization na ito at kahit na magkakilala na tayo ng matagal na panahon hindi pa rin ako nakakasigurado sayo. Alam ko na may ginagawa kang hindi maganda pagnakatalikod ako kaya hindi kita tutulungan kung sakali mang totoo ito!"

"Totoo nga na sya ang pumatay." Napatingin kami sa pinto at muntik na ako mapatampal ng noo ng makita ko ang babaeng super red. Di naman halatang loyal sya sa Red Organization no? "This is the result of DNA from one of the most prestigious hospital. And the hair left behind this girls hand." Sabay turo kay Kass "Is yours Mister Roza. Mukha atang kaya ayaw mo sila maging member kasi alam mo kung kanino sila papanig at alam mo ata kung kanino sila loyal."

Kung pwede lang sana masuka sa sinabi nyang loyal baka nasuka na ako. Sa Academy, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko at sa mahal kong si Marvin lang ako loyal pero sa organization na to? Ew mukhang malabo yan! Magkamatayan na muna.

"Also the fingerprints in Ej's room was also yours. The footprint was yours as well. All of it will sentense you to death. You know how the Green and White organization forbid everyone from killing if you are part of Core and also you are not allowed to kill a Core member when you are a inner member. Inner member must fight innet member as well." Pagpapaliwanag nya sa killing rules ng organization. "Dahil jan Mister Roza sumama ka sa amin sa head quarters."

"HINDI! BAKIT NAMAN AKO SASAMA SA INYO?! WALA NAMAN AKONG GINAWA NANG MASAMA NASA BAHAY LANG AKO MAGHAPON NANG MGA ORAS NA NAMATAY SI EJ! NAG SISINUNGALING ANG MGA BABAENG YAN!"

Aw. Mukha atang mababaliw na tong isang to. Kung sabagay kung mamamatay ka rin naman ng di mo dahilan bakit nga ba di ka mawawalan ng sanity di ba?

"MISTER ROZA!" Galit na sigaw ni Mister Black "ALAM MO BA YANG SINASABI MO? BAKIT NAMAN SILA MAGSISINUNGALING KUNG PATI SILA MUNTIK NA RIN MAMATAY?!"

Ow nakakatouch naman ang ginagawang paggatanggol ni Mister Black pero syempre joke lang din yun. Kung di lang namin alam kung anong klaseng tao sya baka oo pwede pang matouch kami eh kaso isa din naman syang mamamatay tao gaya namin.

"HINDI! HUWAG KAYONG MANIWALA SA KANILA! SILA DIN ANG PUMATAY KAY EJ HINDI AKO! KUNG PAPATAYIN KO LANG DIN NAMAN SI EJ MIGHT AS WELL ISAMA KO SILA!"

Hindi kami nagsalita at tiningnan lang namin si Mister Roza na nagwawala at ganun pa rin naman ang face namin. Takot.

Takot takutan.

"Huwag mo sisihin sila Mister Roza!" Napatingin kami sa babae at napakunot naman ang noo ko. Ngayon ko lang napansin parang nakita ko na to dati di ko lang matandaan kung saan at kelan. "Ang mga batang ito ay may mga ibubuga pagdating sa organizing and planning. Hindi sila marunong tumalikod sa organization gaya mo! Sumama ka sa amin at doon ka na sa head quarters magsalita!"

And ayun kinaladkad na nila si Mister Roza.

Sayang naman hindi sya pinatay sa harap namin, sayang din at di namin makikita kung dakaling papatayin sya. Sana may chance.

Pareparehas naman kami ng naramdaman. Alam ko na malaki sobra ang pinagbago namin simula noong makapatay kami. Parang feeling namin sobrang dumi ng kamay namin at parang wala na rin naman sa amin kung pumatay ba kami o hindi. Although mabigat sa dibdib kasi hindi naman namin pinili ang pumatay wala lang talaga kaming choice.

Hangga't maari sana di kami papatay pero sa organization na to? Its to kill or to be killed. Hindi uso dito ang takot, pag aalinlangan at awa. Punong puno ang lugar na to ng demonyo pero hindi pa ito ang hell, part pa lang ito.

Mint Academy 2: Black OrganizationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon