🔯 Black 34

7.8K 315 4
                                    

Hello to you LhadyInBlood thank you for recommending my stories. 💖💖💖
This chapter is dedicated to you.

HAVE A GOOD READ MINTERS!!

Nang iminulat ko ang mga mata ko nasa ospital na ako at mahigit dalawang oras na rin simula ng magising ako.

May mga guard sa paligid at siguro kaya din meron nyan dahil isa na kami sa inner member ng Black Organization. Kahit na kunwari hindi namin alam kung para saan ang tattoo na to. Isang lugar lang ang pinatattoo-an namin -sa may likod, kanang pakpak na part.

"Excuse me." Tawag ko sa guard at may isa naman na lumapit sa akin. "What happened?"

"Muntik na po kayong mamatay Miss Charmaine. Ikaw at ang mga kasama mo."

"Si Sir Ej?" Hindi sya nagsalita at nakita ko na wala syang balak magsalita. "Is he okay?"

"Wala na po si Sir Ej. Butas ang puso nya noong dumating kami." Hindi ako nagsalita at saka sya tumaho ng maayos. "Hindi pa po kayo maaring tumanggap ng bisita."

"Ang mga kasama ko nasaan sila?"

"Nasa ibang room sila."

"Pero pwede ko sila makausap?"

"Wala naman po sinabi na hindi kayo pwede mag usap usap basta may nagbabantag at nakikinig sa inyo." nag nod naman ako.

Im sure na nagtanong na ang mga kasama ko tungkol sa nangyari kaya mukhang iisa lang ang patatakbuhan ng kwento namin. Pinilit ko ulit na ipasa sa kanila ang nararamdaman ko na okay lang ako at thankful ako na okay rin sila.

Binigyan ko rin sila ng paunang sabi sa plano ko after naming madischarge sa ospital na ito.

"Bakit daw bawal tumanggap ng bisita?" tanong ko at nagdadalawang isip sya kung sasabihin nya ba o hindi but in the end sinabi nya pa rin naman sa akin.

"Dahil kailangan po kayo i-interrogate" nanlaki naman ang mga mata ko.

Syempre kunwari lang.

"Bakit?!"

"Isa po si Sir Ej sa Core member. Number six ang hawak nya sa isang part ng Color Corp at nangyari ang pagpatay sa kanila kasama kayo. One of the Core member of the organization will came here to asked the four of you together."

"Ahhh." Nagpakita naman ako ng natatakot na expression. "That guy! He will kill us! The guy who killed -"

"Miss Charmaine calm down. Hindi ka pwede magsalita sa akin nya."

Hindi na ako nagsalita at hinayaan ko na lang sila.

Humiga ako at humarap sa may bintana. Good thing walang kasing taas na building ang hospital na ito hindi makikita ang ngisi ko.

*

"Anong oras na?" tanong ko sa guard at tumingin naman sya sa orasan nya.

"Seven in the evening po."

"Bakit ba eight ng gabi pa pupunta ang sinasabi mo? Inaantok na kasi ako." Bumuntong hininga sya saka tumingin sa akin.

"Pwede ka naman pong matulog at gigisingin na lang po kita pag nandito na sya."

"Okay. Thanks."

This guy. Kahit na nagtatrabaho sya sa ganitong klaseng organization hindi pa rin nawawala ang moral nya bilang tao. I can feel his heart. He never tried to kill someone and he don't want to kill. Unlike us, ilang taon pa lang kami, wala pa kami sa twenty pero nakapatay na kami.

Mint Academy 2: Black OrganizationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon