🔯 Black 16

9.8K 343 7
                                    

Dahil wala akong ginagawa kaya ito na ang update kung sakaling sisipagin ako bukas edi mag a-update ako hahaha.

SALAMAT NGA PALA SA MGA NAGBABASA NG STORY KO.

ENJOY READING...

"Hanggang dito na lang ako di ako pwedeng sumama sa inyo jan dahil yun na rin ang utos ni kuya Jared kaya kahit gustuhin kong sumama di pa rin pwede. Mag iingat kayo ah? Kung kailangan nyo ng back up tawagan nyo lang ako." Ngumiti naman kami sa kanya.

"Thank you kuya Rod. Salamat sa tulong mo." Ngumiti lang sya sa sinabi ko at saka pumasok sa kotse nya at umalis.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa paligid. Hindi kalayuan sa lugar na to ang main building ng Black Organization. Hindi nila pwedeng pakiaalaman ang lupang to dahil sa isang makapanguyarihang pulitiko ang may ari nito.

"Now then let's find their location. We have no time to waste." Nag nod naman sila sa amin saka kami pumasok.

Too bad for the Black Organization dahil hindi nila nabili ang lupang ito. Buti na lang talaga at nakapagpaalam kami sa may ari nito kahit sobrang bahirapan kami dahil sa sobrang napakademanding ng taong yun. Masyadong sarili nya lang ang iniisip nyan. Binigyan namin sya ng healing pills para lang manahimik sya.

"That old man really is something."

"Tama ka jan Min. Sa sobrang lawak nito hindi ko alam kung bakit di nya na tinirahan ito." -Yana.

"According to my research yun ay dahil hindi naman talaga sa kanya ang lugar na to." Nag nod naman ako kay Kass at nagtataka naman sila Jullia. "Dito tumira si senador at ang dati nyang asawang yumano na. Sabi nya sa sakit daw namatay ang asawa nya but unknown to the public that he killed his own wife to gain the sympathy of the people. Para manalo sya sa pagkamayor ng lugar na to and eventually naging governor hanggang sa makapasok na sya sa senate."

"What the- dahil lang sa power na yan pinatay nya asawa nya?" Di makapaniwala naman si Yana at nag nod namam si Kass.

"Oo. Nagkaroon kasi sila ng disagreement. Akala din ni semador na kapag pinatay nya ang asawa nya mapapasakanya ang buong lupain na ito but too bad na ang lupain na ito ay hindi nakapangalan sa asawa nya but instead sa kapatid nito na nasa puder ng magulang ng asawa nila."

Yan ang isa sa dahilan kung bakit din namin napapayag ang senador. Hindi sya ang may ari ng lugar na ito at nakapagpaalam na rin kami sa totoong may ari nito.

"Eh bakit hindi dito tumira ang kapatid nya?"

"Good question Yana. Yun ay dahil sa hindi naging maganda ang buhay dito ng kapatid ng asawa ni senador. Bata pa lang ang asawa ni senador at ang kapatid nito ay minamaltrato na sila ng tiyuhin nila sa lugar na ito at dahil nalaman ito ng magulang nila pinalayas ang tiyuhin nila sa lugar na ito at ang buong pamilya ang tumira dito. After a year namatay ang bunso nilang kapatid na sanggol pa lang at doon akala nila na may sumpa ang bahay na nakatayo sa lugar na to."

Tumingin ako sa paligid at pinakiramdaman. I can't feel something. Siguro safe zone talaga to.

"May sumpa ang bahay? Sabagay pwede din. Kung tayo nga may powers na hindi kapani-paniwala yan pa kayang mga witchcraft na yan."

"Your right Min. Besides alam naman natin na may witch talaga hello nakakita kaya ako sa Twelve Academy ng witch and all I can say is hindi tugma ang description ng tao sa kanila. Maganda yung witch na nakita ko promise! Tapos makinis maayos ang buhok. Nakakatibo!"

Natawa naman kami kay Yana pero totoo naman ang sinabi nya since nakita at nakausap ko na rin naman yun noong bumusita ako.

"Ano pa ang alam mo dito sa lugar na to Kass?" Tanong ni Yana.

Mint Academy 2: Black OrganizationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon