🔯 Black 28

8.2K 348 31
                                    

Hello guys~ extra update for today.
ENJOY READING...

"Tell us bakit gusto nila kaming kunin?" kinakabahan ako sa mga pwedeng maging sagot ng lalaking to.

"Dahil kakaiba kayo, dahil hindi kayo normal, dahil kinalaban nyo kami, dahil isa kayo sa gagawin naming experiment."

"Experiment para saan?" this time si Yana naman ang nagtanong.

"Para sa pangkalahatan! Makasalanan na ang mga tao kailangan na nilang mawala at gagawin namin ang lahat para maisalba ang earth!"

"What do you mean?" -Min

"What I mean? Hahaha what I mean is may balak kaming tapusin ang mundo at ang experiment na ginagawa namin ang magiging pangsagip sa lahat! Hahaha."

They are so...

"Insane." sabay sabay naming sabi.

"Bakit nyo pa ginagawa ang lahat ng ito?!" -Kass

"Para maperfect ang lahat! Kapag naperfect na magiging maganda na ang mundo!"

Napahinga na lang kami ng malalim at hindi na namin kaya pang makinig sa katotohanan. Oo gusto namin malaman pero hindi ganitong katotohanan ang ineexpect namin!

This is worst than what we think!

Pinainom ko ang lalaki ng dalawang pills. Ang una para makalimutan ang nangyari at ang pangalawa para mabigyan ng oras ang katawan nya.

"Hindi naman talaga antidote ang binigay mo di ba?" napatingin naman ako kay Min.

"Bakir ko naman bibigyan ang kagaya nya ng antidote? Anong akala nya sa atin tanga? Ha! Magdusa sya! In thirty minutes unti unti ng kakainin ng lason ang katawan nya and in thirty minutes alam ko na magiging madugo ang office nya." I said and I look at the camera. "Kunin nyo na mga panglinis nyo. Kass ibalik mo na ang dati."

"Sure. "

*

Nagpapahinga kami sa may table namin nang makarinig kami ng sigaw. Syempre kunwari nagulat kaya napatayo but we all know na may nakakita na kay Mister Sanches.

After a minutes totoo nga na tungkol kay Mister Sanches ang nangyari. Sabi ng secretary ng CEO na si Annie ay nakita nya daw si Mister Sanches na naagnas ang katawan, nagkalat ang dugo, parang binuhusan ng asido ang buong kayawan pero ang nakakapagtaka para sa kanila ay pati lamang loob tunaw.

Napangisi naman ako at nakita ko na nakatingin sa akin si Marvin kaya naman ngumiti ako. Nahulaan mo ba Marvin? Mamahalin mo pa rin ba ako kahit na sobrang nakakatakot na ako? Mamahalin mo pa rin ba ako kahit na nakapatay na ako? That I have this sinister mind? Will you still love me?

"Grabe naman ang nangyari kay Mister Sanches."

"Kaya nga sobrang sama ng gumawa nun!"

"Pero paano kaya nangyari yun?"

"Hindi kaya may spy sa organization?"

Usap usapan pa rin hanggang ngayon ang nangyari kay Mister Sanches kaya naman hindi na rin kami nagtaka na hindi agad kami pinauwi.

"Miss Charmaine." Dinig kong tawag ni Mister Black.

"Yes sir?"

"Hindi ba't ikaw, si Jade, Luisa at Rose ang magkakasama sa conference room kanina?" nag nod naman ako.

"Yes sir and nilinis po namin ang room gaya po ng sinabi mo."

"I know nakita ko." at tiningnan ko naman sya. "Pero di ba dumaan si Mister Sanches sa conference room?"

"Yes sir." Ramdam ko ang tingin ng lahat at saka ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Pero sir saglit lang po iyon dahil ng makita nya po na naglilinis kami ay umalis din naman po sya nung makuha nya ang papers na kailangan nya. You can check the CXTV sir."

Hindi naman ako pwede gumawa ng plano na patayan ng walang second plan.

"Totoo po ang sinasabi ni Miss Charmaine sir. Pumasok si Sir Sanches sa loob around nine twenry nine and lumabas din po sya around nine forty three. Nakita din po sa kabilang angle na walang nangyaring usapan at nag bow lang silang apat noong umalis si Mister Sanches at may hawak nga itong folder at wala namang masama na nangyari hanggang sa makarating sya sa office nya."

Walang nagawa si Sir Black dahil wala naman syang mapipiga sa akin at dahil sila Min ang kasama ko kaya naman ligtas na rin sila at ang iba naman kinakabahan pa. Well at least nasa plano pa rin ang nangyari.

*

"Anong ginawa nyo kay Mister Sanches?" agad na tanong ni Marvin sa amin ng makabalik kami sa head quarters namin.

"Pinatay?" di ko naman siguradong sagot at saka ako tumawa. "Bakit Marvin magbabago ba ang tingin nyo sa amin? Mandidiri na ba kayo sa amin? Well hindi naman namin kayo masisisi dahil HINDI nyo la naman nararanasan pumatay, di nyo pa nararanasan magkadugo sa kamay. Okay lang kahit-"

Nakaramdam ako ng yakap at hindi ko alam kung bakit pero napahagulgol na lang ako. Oo kahit na hindi man namin ipakita na hindi kami okay, na kahit gaano kami magpakatatag ang hirap pa rin kapag nakapatay ka na, ang hirap pa rin kapag nadungisan na ang kamay mo. Ang hirap.

Halos araw araw akong dinadalaw ng mga mukha ng taong pinatay namin sa laboratory namin, halos gabi gabi din ako hindi makatulog noon hanggang sa masanay ako.

Pero kasi yun hindi sadya hindi kagaya nito! Ang gift na ginagamit namin dapat sa maganda, ginamit na namin sa masama. Pumatay na kami gamit ang nalalaman namin sa poison.

"Listen girls, lalo ka na Kesia." Dinig kong sabi ni Marvin habang nakayakap pa rin sya sya akin. "Wala kaming paki kahit na sobrang dumi na nyang kamay nyo, hahawakan pa rin namin yan, sasabihin pa rin namin sa inyo na okay lang yan, nandito pa rin kami sa inyo. This kind of situation is not what we supposed to deal, dapat nga nag aaral lang tayo sa academy but look at us now." hindi pa rin ako nagsalita at nakayakap pa rin sa kanya. "Kahit na anong mangyari nasa likod nyo lang kami, support lang kami kahit na ayaw namin sa plano nyo, nandito lang kami."

Mint Academy 2: Black OrganizationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon