🔯 Black 48

7.5K 285 43
                                    

Here you go guys~ eto na ang update. Pasensya na kung natagalan hahaha.

Naiyak ako habang sinusulat to charot!!!

ENJOY READING MINTERS!!!

"Dad..." Naiiyak ako nang makita ko ang tattoo nya, kulay green ito at number two. "Why?!"

"Kesh let me explain..."

"THEN EXPLAIN WHY THE HELL YOU HAVE THAT TATTOO!"

Hindi ko akalain na sa dinami dami ng pwedeng maging myembro ng organization na kinamumuhian ko ang kapatid ko pa at tatay ko!

"Kesh we need to do this!"

"For what dad? For keeping me safe? For doing them a favour? Kaya ba dad? Kaya pilit kang humihingi ng mga pills sa akin? Kaya ba kinukulang ang ibang pills dahil binigay mo sa kanila?!" Hindi naman makapagsalita si papa at hinawakan lang ako ni kuya sa braso.
"Kesh let him explain."

"THEN EXPLAIN!"

"Hindi mo naiintindihan Kesia, anak."

Napaluha na lang ako sa sinabi ni papa. "Paano ko maiintindihan pa kung ayaw nyo rin naman sabihin sa akin ang totoo?" Tumingala ako at pumikit saka pilit na piniligilan ang pagpatak ng luha ko. "Tell me, pati ba si mommy kasama din sa organization?"

Natatakot ako sa magiging sagot pero mas natatakot ako na mangapa sa mga bagay na wala akong alam.

"Yes."

Parang tumigil ang pagpintig ng puso ko at tumigil ang oras ko sa narinig ko. Napahagulgol na lang ako sa narinig ko.

"All this time alam nyo na naghihirap ako sa organization na yan, all this time alam nyo rin ang binabalak ko sa kanila but all this time myembro pala kayo."

Hindi ko na napigilan pa at napahagulgol na lang ako pero hindi din naman ako nagpahawak sa kanila.

Alam ko naman na naririnig ng mga kasama namin ang iyak ko but luckily sana wala silang narinig sa mga naging usapan namin.

Kahit papaano naman mahal ko pa rin ang pamilya ko. But I feel like betrayed.

"Im sorry Kesh."

"The damage has been done, big bro." I said without an emotion.

"We really never intended to keep it to you." My dad said but I just look at him. "We really decided na sabihin ang lahat sayo."

"Kelan pa dad? Kapag nalaman na ng lahat na ako at ang mga kaibigan ko ang nagpabagsak sa black organization? Kelan pa dad? Kapag nasa hukay na ang buhay ko? Dad hirap na ako umintindi, hindi porque matalino ako kaya ko nang iabsorb ang lahat."

"Kesh look, we have a reason kung bakit hindi namin masabi sabi sayo."

"Kuya paano ko ba kayo maiintindihan? Kung yang rason na sinasabi nyo ay hindi nyo naman masabi sa akin. Kuya, dad. To be honest? Hindi ko talaga alam kung maniniwala ako sainyo."

Mas lalo pang tumulo ang luha ko nang makita kong umiyak si papa at naramdaman ko ang bigat na nasa dibdib nya.

"I'll tell you the truth." Dinig kong sabi ni papa.

"Dad. "

"She's right Karlo she has a right to know what is happening in our own family."

"But she will suffer."

"Kuya." I look at him with a pleading in my eyes. "Please?"

He sigh. "Fine."

"The moment when the Mint Academy scout you is the moment when I was scouted by the organization." Sabi ni Daddy at tumingin ako sa kanya. "At first I was too happy dahil kahit papaano may mapagkakakitaan na ako and that is the reason why I am honed all of the time." Huminto sya saglit at tumingin sa akin. "After a month naman si Karlo naman ang na-scout. At first wala talaga akong balak isali sya dito since alam ko naman na kaya ko naman not until noong magkaroon ng cancer ang mama mo. Nang malaman ng taga organization ang tungkol sa pills nyo at tungkol sa tagumpay nito kinuha nila ang mama."

Tumingin ako kay kuya. "She's here. Paanong kinuha?"

"Hindi si mama yun." Kumunot naman ang noo ko kay kuya. "It is one of the AI work of organization. It's a robot at kaya nitong sagutin ang lahat."

"Parang si Aji3?" I asked.

"Who is it?" Napangiwi naman ako kay kuya.

"Nevermind." sabi ko at tumingin kay daddy. "Kung hindi si mama to eh sino to? At bakit kaboses, kaugali at kasing mukha nya si mama?"

"Sya si AI number seven. Isa sa successful AI na nagawa ng organization at hindi lang ito basta knowledge kaya nya rin mag extract ng emotion."

"A robot that can feel?"

Naalala ko naman ang mga naramdaman ko kay mama noon. In deed medyo nahihirapan ako I recognize ang iba doon pero alam ko na feelings pa rin yun pero kung hindi na si mama ang nasa harap ko noong panahong yun...

"Eh nasaan si mama? Anong nangyari sa kanya?"

"She's in the organization's head quarter, dead."

***

Para akong zombie na naglalakad papunta sa dorm namin at hindi ko na alam ang gagawin ko.

My mom is dead.

Nakita ko si Marvin na nakasandal sa may puno malapit sa dorm namin.

"Marvin... "

Sa hindi ko malamang dahilan parang gripo na nag uunahan na magsibagsakan ang luha ko at napaluhod na lang ako at naiyak.

"Kesh, what happened?"

Hindi ako makapagsalita sa kanya dahil sa pag iyak ko at hindi ko alam ang dapat na gawin sa pamilya ko.

"Akala ko Marv napoprotektahan ko sila... Marv akala ko lang pala... "

To be continued...

Mint Academy 2: Black OrganizationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon