🔯 Black 06

11.4K 393 15
                                    

Eto na pangalawang update ngayong gabi. Hahah. Sorry sa late update. Pero parang okay lang basta double update no? Hahaha.

ENJOY READING...

After nya kaming ipatawag at sabihan ng walang kwentang salita eh agad na rin naman kaming umalis sa faculty ng first year since ayaw din naman naming makita ang pag aaway away ng mga teacher doon dahil sa amin. Totoo naman talaga hindi naman talaga naming kasalan na masyado kaming busy at hindi na pumapasok sa klase and also wala na rin naman paki si Misis Reyes doon dahil in the first place second year na kami at hindi nya kami nahawakan kahit na isang sem man.

"Naloka naman ako doon mga bess." Nailing na sabi ni Yana habang hinihilot nya ang sintido nya.

"Kahit din naman ako eh. Hindi ko talaga magets kung paano sya naging teacher dito and also heck ang bait nya sobra nakakakilabot." Nag-act pa si Min na parang kinikilabutan.

"Malay nyo naman may ill intention ang tao." Napatingin naman silang lahat sa akin. "Or maybe nasa lahi na talaga nya ang makialam ng buhay ng iba." Dagdag ko pa at nag nod naman sila.

"Ayaw ko pa naman ang pinapakialaman ako." Nag pout pa si Kass saka bumuntong hininga. "Pero seryoso ayaw ko sa teacher na yun buti na lang talaga hindi natin naging teacher yun kung hindi baka kung ano na nagawa ko. Baka di pa ako napasama sa verdant."

Laki talaga ng issue naming sa mga nakikialam ng ginagawa namin. Hindi naman sa ayaw naming ng guidance ang ayaw lang naman naming is yung sinasabihan kami kung ano ang dapat naming gawin. Ano pa ang silbi ng utak naming kung nanjan lang din naman pala sila para sabihan kami ng kung ano ang dapat naming gawin di ba? Paano kami matututo?

Sa pagkakamali kami matututo.

"Pero infairness ibang klase din ang mga naging teacher natin dati." Sumang-ayon naman kami kay Jullia.

"Indeed. Hindi nila tayo laging nakikita pero alam nila ang mga dapat nilang sabihin at mga hindi dapat." Sabi ko pa.

"Pero ang kapal talaga ng face lalo na pag galing sa organization no?" natawa naman kami ng mahina sa sinabi ni Kass.

"May point ka jan. Since hindi nya nakuha ang ibang verdant I know na mafufrustrate sya dahil hindi nya rin tayo nakuha." -Yana

Pabalik na sana kami nang harangin kami ng isang lalaki.

"Hi."

"Alam mo kuya kung ako sayo hindi na ako ngingiti ng parang aso." Napacross arm pang sabi ni Min.

Hindi ko alam kung tatawa ba ako sa babaeng to o hindi eh. Alam naman nya na may balak tong mga lalaking to eh nagawa pang magbiro.

"Laro tayo."

"Mister." Napatingin naman ang lahat kay Jullia. Since nasa hallway kami kaya naman maraming nakatingin sa amin. "You're in class E I think before you play you should study first."

"Jullia is right. This is a place to learn not to play." Dagdag pa ni Kass "And please excuse us marami pa kaming kailangang gawin."

Nauna akong maglakad sa kanila pero di pa man nakakalayo ay agad na rin naman nila akong hinawakan kaya naman natahimik ang lahat sa paligid namin.

I look at him from head to toe.

"I don't want to play and I am not a child anymore. Get your hands of me and I still need to do something much more important than playing with you." Nakakaasar na tong mga lalaking to ah nakuha pang ngumiti sa akin ibang klase.

"I like it when a girl playing hard to get. Oh babe co-"

"Are you trying to disrespect me? Your senior? Look at yourself hindi naman ata porque nakapasok kayo sa school na ito kaya nyo na ang lahat, you may be gifted before but at this point?" I paused and then look at them "I can't tell. You're being arrogant and you have the overflowing confidence which I don't like. Stop messing with us."

Mint Academy 2: Black OrganizationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon