LIMANG UPDATE~~
1 DOWN.
4 TO GO.
"Ano na balak nyo? Itutuloy nyo pa talaga to?" tanong ni Victor sa amin at nagkatinginan naman kaming girls.
"Wala namang masama kung itutuloy nila Kesia ang plano nila at itutuloy din naman namin ni Arlene ang plano namin."
"Tama si Ange wala namang masama and besides may mga nakareserba kaming plan from A to Z!" sabi naman ni Kass.
Hindi nagsalita ang boys and buti na lang talaga wala dito si Desiree dahil kung hindi baka nagalit na ang babaeng yun sa asal ng mga boys na to.
"Inaalala lang naman namin ang seguridad ninyo! Lalo ka na Kesia at Min nasa loob na kayo ng inner circle and hindi maganda ang nakikita ni Henry sa organization na yun!"
"Lahat naman Mark, lahat naman tayo hindi maganda ang nakikita sa organization at alam naman namin ang ginagawa namin. Wala ba kayong tiwala sa akin? Sa amin?" Inis na sabi ni Kass at ramdam ko na naiinis sya at the same time nasasaktan dahil walang tiwala ang boys sa aming mga babae.
Hindi lang naman lalaki lagi ang pwedeng gumawa ng mahihirap at mga delikadong gawain. Kaya rin naman namin.
"Kesia di ba sabi mo kapag gumaling na isa sa amin ni Senior Marvin ay ibabalik mo na ang posisyon sa isa sa amin? Magaling na si Senior Marvin at kaya nya na."
Ngumisi naman ako. "Okay binabalik ko na ang pagiging leader kay Marvin pero hindi ko sinabi na hindi ko itutuloy ang plabo na nagawa namin. Tuloy pa rin ito at hindi na ito magbabago."
Tumayo ako at umalis sa harap nila. Ewan ko pero ayoko talaga silang makausap ngayon parang feeling ko hindi magiging maganda ang mangyayari.
*
"Oh anong ginagawa mo dito?"
"Naliligo?"
"Alam ko naliligo ka pero asan ang iba?" tanong ni Desiree at umahon naman ako. "Nag away ba naman ba kayo? Hindi na naman ba sila pumayag? Naging ovet protective na naman ba sila?"
Umiling ako. "Hindi naman kami nag away at ayoko lang talaga na mag stay doon kasi feeling ko may masasabi akong di maganda at wala naman ding masama sa pagiging over protective nila. Ang ayoko lang eh wala silang tiwala sa kaya naming gawin."
"Kasi nag aalala sila. Alam nila kung gaano kasuklam suklam ang kalaban nyo."
"Pero Des naisip ba nila na hindi kami normal?"
"Oh right. Mukhang hindi ata." bumuntong hininga sya at saka tumayo. "Anyways mauna na ako doon muna ako dahil hindi pa talaga okay ang mga sugat ng mga boys at alam ko alam mo naman di ba?" I nod.
Oo alam ko di pa talaga magaling si Marvin pero wala naman akong magagawa dahil kukunin at kukunin nila ang pagiging leader sakin para lang masabihan nila kami na huwag gawin ang ganito ganyan. Asa pa sila.
Buo na ang plano at wala kaming balak.
BINABASA MO ANG
Mint Academy 2: Black Organization
FantasyTHANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 Mint Academy Series #2 Have you ever tried to kill someone? have you or have not? Let's support the Verdant Ellipse to their journey on how they will dwell with the black...