052 | narration

198 19 17
                                    

Ahn Misha
perspective

I smirked insanely as I glanced at the guy who sat beside me.

Despite of you ignoring all of my presence everytime we meet, finally, we will get married after I celebrate my 18th birthday on April 25, by the year of 2018.

I'm still seventeen years old, na patay na patay kay Bae Jinyoung. Lahat ng pagpapacute ko sa kaniya, hindi naman tumalab. Ni hindi man lang niya ako pinapansin, ni wala man lang siyang pakialam na ikakasal na kami 'pag 18 years old na ako. Why is he always mellow? Tapos lagi na lang siyang galit sa akin, lagi na lang niya ako sinisigawan. I know it hurts, kasi sa tagal kong may gusto sa kaniya, tapos gano'n na lang talaga ang pagtatrato niya sa akin? I don't understand what substance or food did he just ate that he became so cold and distant to me.

My parents divorced, Minjun oppa joined with dad going to Busan, samantalang ako, sumama ako kay mama, pero wala naman kami naging away ni Minjun oppa. My parents always fought, walang araw na hindi sila nag-aaway. Nakakainis lang kasi may pinagmanahan din pala 'tong si Minjun oppa, pareho silang lulong sa droga, sa pakikipagbasag ulo. Lagi na lang umuuwi si Dad na lasing, at doon na niya sinimulang abusuhin si Mom. I hated him, gusto ko siyang gantihan sa ginawa niya kay Mom, pero wala akong nagawa kasi takot ang nangingibabaw sa akin noong araw na 'yon, still, itong si Minjun oppa, pinili pa ring sumama sa gagong 'yon. Palibhasa kasi like father like son talaga.

Mom found her second husband, ayun yung nagmahal sa kaniya ng tapat at hindi siya ginago. 'Yung tumanggap sa mga pagkukulang ni Mom, 'yung tinrato siyang parang kanyang totoong asawa, 'yung umako lahat ng responsibilidad sa anak ni Mom, maliban kay Minjun oppa, at ang tanging kahilingan niya sa akin? Ang pakasalan ang pinakamamahal kong si Baejin, at kung sino mang tumutol doon, will be dead. No joke.

We're currently here at Bae's house, while Baejin's acting sulky again, as usual. Bakit ba kasi ayaw niya sa akin? Maganda naman ako ah, sexy at matalino pa, at sino naman ang ibang babaeng gusto niyang makasama, if I'm already here?

"Kahit anong gawin niyo, ayokong magpakasal sa kaniya. Hindi ko siya mahal!" Baejin shouted, he just broke my heart. Bakit ka ba ganyan sa akin? Huhu.

"Jinyoung, tanggapin mo na ang offer nila. Bibigyan nila tayo ng malaking kahalagang pera, alam mo bang--"

"Paki-alam ko ba diyan sa pera na 'yan?! Hindi ko kailangan niyan, si Kris ang kailangan ko."

Who's Kris?

"Pakiusap naman, lumayo ka na kay Kris. Walang patutunguhan 'yang panliligaw mo sa kaniya, mas mabuti pang--"

"So sinasabi niyo bang dapat layuan ko si Kris? Eh ako nga dapat ang lumayo sa pagmumukha ng chakang babaeng 'yan! Nakakaimbyerna!" umirap pa si Baejin sa akin, nasaktan talaga ako do'n sa may 'chaka'. For your information, I'm more beautiful than you think, kaya huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan, Baejin naman eh!

"Basta ayoko! Ayoko sa arrange marriage na yan! Tutol talaga ako! Kapag hindi pa kayo umalis sa pamamahay ko, mambabato ako ng flower vase, sabihin niyo lang."

"Jinyoung!" Miyoung eomeoni scolded. Baejin almost grabbed the flower vase near him.

"I'm sorry for being rude, Eomma, but I think these two are just wasting their time here? Ngayong hindi naman ako payag sa alok nila, pwede mo na po sila paalisin. Please lang."

Miyoung eomeoni bowed to us as her apology for Baejin.

"Pasensya na po kayo sa inasal ni Jinyoung, hindi ko alam pero si Kris talaga ang itinitibok ng puso niya." mahinang bulong ni eomeoni, pero hindi iyon narinig ni Baejin.

Baejin, bakit 'yung Kris na 'yon pa ang pinili mo? Bakit?! Bakit?!

pick up lies ╱ bae jinyoungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon