Rhyl's POV
Gosh! Ang init talaga dito sa Pilipinas. Nag-ooily na ang beautiful face ko. Kung bakit naman kasi sa isang medyo may kayang pamilya lang ako isinilang. Shocks! sayang talaga.
Don't get me wrong ha? Mahal ko ang lolo at lola ko period. Syempre mahal ko si mommy na nasa London nagtatrabaho at sa daddy na sa Dubai naman nagpapaalila sa mga arabo.
Yup mga OFW ang mga magulang ko at sila lolo at lola na ang nagpalaki sa amin ng ate ko.
Nakasakay na ako ngayon sa isang siksikang jeep. Nanggigitata at nanglilimahid nasa sobrang init at siksikan at ito namang si ateng na katabi ko kung makaupo pa slant.
Gosh! Ateng upong jeep tayo di lang ikaw ang pasahero.
Naiimbeyerna ang beauty ko dito. Masasabunutan ko na talaga ito.
Nang tumapat kami sa isang mababang paaralan maraming pasahero ang nagsibabaan. First day of class pala ngayon. At dahil dun medyo lumuwag ang jeep kahit may ilang din students na sumakay na parehas ko ang uniform.
Sa tapat ko umupo yung tatlo babaing school mate ko at ni head to foot ako.
Aba 'te inggit ka sa beauty ko noh?!
Nagulat nalang ako kasi bigla nalang silang nagtilian ng ni head to foot ko rin sila. Nangingisay sila sa kilig. Nangunot ang noo ko at automatic ang pagtaas ng kilay ko.
Anong problema ng tatlong ito?
"Ang gwapo nya talaga. Kyaaahhh!!!"
Gwapo??!! Shit! Nasaan yung gwapo?
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Tinanong ko sila kung nasaan yung gwapo.
"Mga ateng nasaan yung gwapo? Share nyo naman daliii!!" Napatili din ako nung tinanong ko sila.
Ngunit imbes na sumagot ay nanahimik yung tatlo. Sa mga itsura nila para silang namatayan. Punong puno ang mga mata nila ng panghihinayang.
"Ayyy... Pogay pala." Nakapanlulumo nilang sambit.