UD 11: Cielo's Fiance

383 25 6
                                    


Rhyl and Lecruix POV

Hindi parin ako makamove on sa ideya na nasa katawan ko ngayon ang isa sa lider ng kinatatakutang gang dito sa Pilipinas.

Pagkatapos kung makita ang mga ka-gang niya at matapos niyang aminin sakin yun parang nakaramdam ako ng pagkailang kay Lecruix.

"Rhyl my loves!!" Dahil sa pag-iisip ng kung anu-ano hindi ko na alintana ang paglapit ni Libby sakin.

Kumapit siya agad sa braso at lalo pang himigpit.

"Sabay tayo umuwi. Ihahatid kita sa inyo."

Ano daw?!!

"Huh?!"

"Ihahatid kita sa inyo my loves para ligtas kang makakauwi palagi dapat nung isang araw ko pa ito gagawin eh...kaya lang lagi ka nalang nawawala."

Nababaliw na talaga ang babaing ito. My gosh! Sarap sabunutan ng makalbo na.

"May gagawin pa ako mauna kana." Sabi ko at tinalikuran siya.

Hindi din pala ako makakaalis dahil hawak niya ang braso ko ng mahigpit.

"Kung hindi ka pa uuwi sasama ako sayo."

Haistt...nakakaloka talaga ang babaing ito.

"Isama mo nayan baka mahuli tayo malapit na uwian nila Cielo."

Sabi ni Lecruix wala na akong choice kundi ang isama ang baliw na ito patungo sa building nila Cielo.

"Saan ba tayo pupunta Rhyl?"

"Sa mental ipapaconfine kita." Mataray kong sagot sa tanong niya.

"Ayy wag naman ganun my loves. Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit nababaliw ako. Hahaha!"

Ako pa! Ako pa talaga ang may kasalanan.

"Pffttt..." Nagpipigil naman ng tawa si Leceuix.

"Subukan mo lang tumawa Lecruix. Kahit gangster ka lalabanan kita ng sampalan at sabunutan."

"Bakit hindi ka nalang kasi magpakalalaki? Bagay kayo."

"Eww...nakakadiri yang mga sinasabi mo. Kung wala kang matinong sasabihin manahimik ka nalang dyan."

Tumahimik lang si Lecruix sa kakaasar sa akin ng makarating na kami sa building nila Cielo.

Tamang tama at uwian na rin nila.

Namataan namin siya na naglalakad kasama ang miyembro Blitz Gang. Nakikipagtawanan siya sa mga ito habang ilag ang mga tao sa kanila.

"Hala! Rhyley bakit nandito tayo sa kuta ng mga gangster? Baka mapagdiskitahan tayo."

Humigpit ang kapit ni Libby sa akin at nagtago sa likod ko.

Habang papalapit sa amin ang Blitz Gang ay sinakop ni Lecruix ang katawan ko.

Napahinto sila sa tapat namin.

"Kalalaking tao pero mas maganda pa sayo Cielo." Si Bullet lang ang naglakas ng loob mag salita samantalang nakatingin lang ang iba sa akin. Kahit si Cielo, ang paraan ng titig niya ay nahihiwagaan sa akin.

Sumilip bigla si Libby at nagtago ulit.

"Hi there cute girl." Sabi ni Bullet nung makita si Libby.

My instinct told me na itago pa lalo si Libby dahil we are talking about gangster here. They are dangerous bunch of people.

"Hindi ko naman siya sasaktan makikipagkilala lang ako."

Hindi ako sumagot o kahit si Libby.

"Nakakatakot kasi yang itsura mo Bullet." Si Cielo na ang bumasag sa namuong katahimikan.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Apr 16, 2015 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Gangster?!DUH!! (On Hold)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora