Rhyl's POV
Nasa langit na ba ako?
Yan ang tanong na kanina ko pa pinauulit ulit. Kung titingnan mo kasi ang lugar na kinalalagyan ko e parang ganun na nga.
Isa napakagandang tanawin maraming puno at halaman. Tahimik ang buong paligid at tanging ingay lang na nagmumula sa mga ibon at iba pang hayop ang maririnig mo sa paligid.
Bakit ako lang ang tao dito?
Kanina pa ako palibot libot sa paligid ngunit wala talaga akong makitang ibang tao maliban sa akin.
"La, hindi pa yan mamamatay. Masamang damo kaya yan!"
Pamilyar sakin ang boses na yun.
"Magtigil ka ngang bata ka, wag mong ginaganyan yang kapatid mo aba'y malilintikan ka sakin."
At yung boses nung isa pamilyar din sakin.
"Tsk! Kasi naman La, masyado yung binibaby yang si Rhyl yan tuloy naging binabae. Dapat nga dyan pinapatay!"
"Hoy! Rhyan yang bibig mo sumusobra na!"
"Totoo naman La, hmp!"
"Aba't babatukan na kita."
"Ito namang si Lola di na mabiro. Joke lang yun! Mahal na mahal ko nga yang baby damulag nyo e. Hoy! Rhyl Xymon Gallego! Ate mo 'to subukan mo lang talagang mamatay uunahan na kita. Ako ng tatapos sa buhay mo--aray naman La masakit yun."
"Puro ka kasi kalokohan."
Tama! Si Ate Rhyan at Lola ang dalawang ito. Bakit ko sila naririnig nasaan ba ako. Hindi ko naman sila makita. Ano ba 'to? Naguguluhan na talaga ako.
"Pfftt.."
May narinig akong nagpipigil tumawa.
"Sino yan?"
"Pfftt.."
"Kung sino ka man lumabas ka dyan di ako natatakot sayo."
Wala akong sagot na marinig.
"Tumingin ka sa taas at pumikit ka!" Sino ba 'to?
"Sundin mo yung sinasabi ko."
Pero maawtoridad syang tao ramdam mo sa paraan niya ng pagsasalita. Kaya sinunod ko ang sinabi niya. Tumingala ako at pumikit.
"Magaling at ngayon dahan dahan mong idilat ang mata mo."
Sinunod ko na naman ang sinabi ng misteryosong boses nayun. Unti unti kong dinilat ang mga mata ko at nabungaran ko ang isang maputing paligid.
"La, ang baby nyo dumidilat."
Medyo malabo pa ang paningin ko kaya hindi ko masyadong mamukhaan ang dalawang babaing nakatunghay sa akin.
"Tumawag ka ng doctor Rhyan, dalian mo,"
Mabilis na umalis yung isa at unti unti narin lumilinaw ang paningin ko.
"Lola..." Si Lola nga 'to.
"Apo ko! Mabuti naman at nagkamalay ka na halos isang linggo kang nakaratay sa higaan." Mangiyak ngiyak niyang sabi. Maya maya pa ay dumating na yung isang babae na si Ate Rhyan na may kasama doctor at nurse. Chineck ako at kinuhaan ako ng vital signs ng nurse. Sinuri naman ng doctor ang iba't ibang bahagi ng katawan ko.
"Ok na ba ang pakiramdam mo?"
Sa tanong ng doctor na yun napaisip ako. Ok na ba ako? Ano nga bang nangyari sa akin? Bakit ba lagi nalang akong nagtatanong?
"Siguro po..." Yun nalang ang nasagot ko.
Tumango nalang ang doctor.
"Oobserbahan muna namin ang apo nyo Mrs. Gallego sa ngayon kelangan nya munang magpahinga. Mahina pa po ang katawan ng apo nyo."
"Ok po doc."
Umalis na ang doctor at nurse kasama si lola. Si Ate Rhyan nalang naiwan sa kwarto ko.
"Girl, sabi ko na nga ba masamang damo ka. Hahahaha!"
Tumingin lang ako sa kanya. Kahit kelan talaga siraulo itong kapatid ko.
"Sasusunod ha! Mag-ingat ka naman ng di kami nag-aalala kala talaga namin natitigok kana."
Sincere naman ang pagkasabi ni ate at parang naluluha siya kaya lumabas narin siya ng kwarto ko.
Ano bang nangyari sa akin? Pilit ko iniisip ang mga ginawa ko nitong nakaraang araw.
Ahhh!!! Bakit ang hirap alalahanin.
"Ang sweet naman ng kapatid mo."
Eh? Sino yun wala namang ibang tao dito maliban sa akin.
"Wag mo munang pilitin ang sarili mong makaalala. Dadating din tayo dun."
Ang dami na mang-alam ng isang ito. At bakit nababasa niya ang iniisip ko.
"Sino ka ba?" Hindi ko na mapigilan magsalita.
"Kilala mo ako."
Kilala ko daw siya.
"Oo kilala mo ako."
"Kung ganun magpakita ka sa akin."
"Hindi mo ako pwedeng makita dahil mukha mo lang ang makikita mo."
Paano naman yung mangyayari? Iisa kami ng mukha? Ganun?!
"At paanu naman nangyari yun ha?"
"Hindi ko pa alam sa ngayon."
Ano daw?!!
"Nasaan ka ba?"
"Hahaha!" Baliw ba 'to? E wala namang nakakatawa sa tanong ko.
"Kanina pa tayo nag-uusap di mo parin alam kung nasaan ako. Hahaha! Pinapasaya mo ako."
E sa hindi ko naman talaga alam kung nasaan siya e.
"Hoy! Anong problema mo at nagmomonologue ka dyan?" Pumasok uli si ate sa kwarto ko.
Monologue? Ako? E may kausap naman talaga ako.
"Hmmm...baka side effect yan ng pagkakatama sayo ng kidlat."
Tinamaan ako ng kidlat?
Bigla nalang akong nakaramdam ng kakaiba sa katawan ko kaya napapikit ako. Nagkaroon ng isang ipo ipo na nagpaikot sa isipan ko at nagpaalala sa akin ng mga nangyari. Napapikit at napadaing ako sa sakit.
Sa muli kong pagdilat nandoon uli ako sa paraiso ngunit ngayon may isang puting bench na dito at hindi na ako nag-iisa.
Dahil prenteng prenteng nakaupo dito ang gangster na si Lecruix.
"O Rhyl kamusta ngayon sana nauunawaan muna."
Naguguluhan ako sa sinabi niya.
"Hindi kita maintindihan."
"Ok ipapaintindi ko sayo... Ang lugar na ito ay representasyon ng katawan mo. Narinig mo ba? Katawan MO! Dahil sa nangyari sa tulay pansamantala dito muna ako mamamalagi."
Mamamalagi siya sa katawan ko. Parang boarder lang. Pero bakit? Anong ibig sabihin nun?
"Sa itsura mo ngayon alam kung nagtataka at naguguluhan ka rin. Miski ako nagtataka kung bakit? Sa dinami dami ng katawan bakit yung mahinang katawan mo pa. Tsk!"
"E di umalis ka!"
"Yun nga ang problema. Di ako makaalis. Di ko alam kung papaano."
"Teka lang ha! Let me analyze everything."
"Tinamaan tayo ng kidlat nung tumalon tayo sa tulay at ngayon yung kaluluwa mo ay nandito sa body ko...OH.MY.GOD!" Nagsink in na lahat ng sinabi niya ngayon.
"NO WAY! This can't be happening! Whaaah!"
Naghe-hysterical na ako.
"But it is already happening Rhyl. I am inside your body and I can't come out."
"NO!!!!"
"Why don't you just calm down and accept the fact that your body has two souls in it."
"No! I cannot! Two souls in one your face!"
Meron pa naman paraan para umalis siya katawan ko diba...DIBA??!!