Rhyl's POV
Maayos naman all in all ang kinalabasan ng first day of school ko. Kahit pilit akong gustong i bully ng Space Monkeys. Nagtatangka palang silang lumapit nakaharang na agad ang amazonang si Libby and friends.
Ngunit not all the time e nandyan si Libby, natiyempuhan ako ng Space Monkeys na nag-iisang naglalakad sa corridor and as I said before it's not my lucky day! Desserted ang corridor ako lang talaga mag-isa.
"Oy! Tingnan mo naman kung sinong paparating." Nakangisi si Shaun.
"Nag-iisa ka yata ngayon?" Segunda ni Chelo.
Tahimik lang na nakasandal sa pader si Kent, samantalang nakatingin lang sa akin si Dux.
"Dux anong gusto mong gawin namin dito?" Tanong ni Shaun. Hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso.
"Rhyl, alam ng buong sambayanan na binabae ka pero bakit in love na in love sayo si Libby? Andito naman Dux, gwapo, makisig, mayaman, matalino at higit sa lahat lalaking lalaki." Kahit kelan si Chelo talaga ang pinakamadaldal sa kanila.
"Ewan ko sa abnormal na yun! Bakit di siya ang tanungin nyo?!" Sighal ko sa kanila.
Tanga pala itong mga 'to e. Ako ba si Libby?
Ngunit dahil sa sinabi ko napansin ko ang pagyukom ng kamao ni Dux. Kwinelyuhan niya ako at sinaldal sa pader. Pumalibot naman yung tatlo sa amin.
Syeteness naman! Masisira yata ang face ko! Sasapakin ba ako ni Dux?
"Huwag mong pagsasalitaan ng ganyan si Libby kong ayaw mong samain sa akin! Naiintindihan mo?!" Galit na sabi ni Dux.
"O-oo na..."
"Sasusunod na marinig ko pang sinasabihan mo ng ganyan si Libby. Papahiramin kita ng mukha sa aso." Sasagot pa sana ako ng may marinig along ng tsk-ed.
Napalingon kami sa taong yun.
"Isa laban sa apat? Magandang laban yan. Exciting!" Siya yung gangster na dumaan sa corridor kanina.
"O bakit tumigil kayo? Tuloy nyo na huwag na kayong mahiya sa akin." Nagsmirk siya.
"E sino ka bang pakialamero ka?!" Mukha yatang nabadtrip si Dux sa kanya dahil binitawan niya ako at hinarap yung gangster.
"Ako? How rude of me! Hindi nyo pa pala ako kilala samantalang ako kilalang kilala ko ang buong pagkataon niyo. Space Monkeys huh?"
"Hala! Loko loko pala ito e!" Mukhang nainis narin si Chelo.
Nag-evil grin lang siya. Nakakatakot ang paraan niya ng pagtitig maging ang pagsasalita parang marami siyang nalalaman.
"Kayo kaya ang loko loko. Ginagamit nyo ang kapangyarihan ng pamilya nyo para ano? Mang-api at manghamak ng mga taong alam nyong di kayo kayang labanan. Tsk!"
"At sino ka naman para sermonan kami?" Pati ang tahimik na si Kent ay nakisali narin.
Hala! Iba na ito ayoko kong makisali sa gulo nila at gusto ko nalang na umalis dito ngunit baka ako naman pagdiskitahan nila. Kaya heto at audience muna ako. Sana man lang may popcorn at drinks para masaya ang panunuod.
"I can be a friend or your worst enemy." Ngumisi siya uli sa apat.
Nanlaki any mata ko sa sumunod na nangyari. Sinugod ni Dux ng suntok yung gangster. Ngunit ilang inches nalang ang lapit nito sa mukha niya ay sinalo niya ito gamit ang kamay niya at hinawakan ang kamao ni Dux.
"Arrrgghhh." Diniinan pa lalo nung gangster ang hawak niya sa kamao ni Dux kaya napasigaw ito.
Dahil sa nakitang pamimilipit ni Dux at halos mapaluhod na ito, sinugod ni Shaun at Chelo yung gangster. Sumuntok sa kanan si Chelo at sa kaliwa si Shaun, bago pa makalapit si Chelo sinipa na siya ng gangster sa dibdib, natumba ito. Inilagan naman niya ang suntok ni Shaun bago sinipa ito sa tagiliran. Napadaing silang parehas sa sakit.
"Ang hina nyo naman pala. Tsk!" Susugod pa sana si Kent ngunit tinulak ng gangster si Dux patungo sa kanya. Sabay silang natumba.
Medyo nakaramdam ako ng awa sa kanila kahit favorite nila akong i-bully. Di ko akalain na makikita ko sa ganyan kalagayan ang the mighty and powerful Space Monkeys. Mahina at walang magawa.
Tumingin sa akin yun gangster. "Ikaw? Papalag ka?"
"Hindi ah!" Nakataas pa any dalawang kamay ko.
"Sa susunod wag kang papayag na inaapi-api kalang ng mga unggoy nayan!"
Tumango nalang ako.
"Good!" Humarap siya sa mga namimilipit na Space Monkeys. "Baka sabihin niyo naman na napakawalang modo ko, huwag kayong mag-alala magpapakilala ako sa inyo kung sakaling hahanapin niyo ako at babawian but make sure na hindi ako ma bored kung hindi tutuluyan ko na talaga ang mga walang kwenta niyong buhay!"
Nagsimula na siyang maglakad palayo sa amin.
"I'm Lecruix, Lecruix Salvatorre!"