Rhyl and Lecruix's POV
Nakakainis...huhu! Nakakainis talaga! Pag ako lang talaga mahulog sa punong ito. Plakda ang beauty ko. Hindi ko naman pwedeng saktan ang gangster na ito dahil nasa loob siya ng katawan ko.
Bwisit kasi itong gangster na ito. Bakit kasi kailangang pang umakyat ng puno?
"Tumigil ka na nga dyan sa kakangawa mo! Kung hindi ilalaglag talaga kita dito sa puno." Dahil sa sinabi niya napakapit ako bigla sa puno ng mahigit.
Imberyang gangster 'to!
"At tigilan mo narin yang kakaisip mo. Baka nakakalimutan mo na iisa tayo ng katawan kaya alam ko yang mga iniisip mo."
"Ahhh...nasan na ang privacy ko! Bakit ba kasi sa akin nangyari ito?" Nafru-frustrate na talaga ako sa sitwasyon namin.
"Wag ka nga masyadong maingay."
"Gusto ko mag-ingay e. Ano bang pakialam mo!"
"Ok, ikaw rin baka marinig ka nung girlfriend mo. Di ko na kasalanan yun."
Sa sinabi niya bigla kong itinikom ang bibig ko. Nahirapan kaya akong takasan ang babaing yun kanina na dinaig pa ako sa daldalan dahil sa tuwing nagtatanong ang mga classmate namin sa nangyari sa akin. Feeling alam niya buong detalye.
Kaya yun tinakasan namin siya nitong si Lexcruix dahil bigla nalang kaming tumakbo at inakyat ang pesteng punong ito.
Nakaramdam ako ng pagbabago sa tibok ng puso ko ng tumayo kami sa sangga.
Diyos ko naman! Takot ako sa height!
Tiningnan namin ngayon ang building ng architecture department. Nagfocus ang mata namin sa isang babae.
Maganda yung babae pero kung kumilos ay animo siga sa kanto sa may amin. Mahaba ang buhok niya at nakasuot ng ball cap. Naka t-shirt na puti, nakamaong na pantalon at converse na sapatos.
"Tomboy ba yan? Sayang ang ganda ni ate."
"Hindi." Sagot ni Lexcriux.
"Eh bakit ganyan siya manamit? Pwede na siyang sumali sa that's my tomboy kasama yung friend ni Libby na si Brandi."
"Siya si Cielo Cassidy Vallejo."
"Wow! Ang ganda ng name and so?"
"Siya ang dahilan kung bakit pagala gala ako dito sa SU. I am her guardian."
"Guardian?? Bakit wala na ba siyang magulang?"
"Tsk!" Mukha yatang nakukulitan sa akin ito si gangster.
"Hoy! Sagutin mo yung tanong ko tutal naman gagamitin mo itong katawan ko sa kung anong misyon meron ka. I have the right to know!"
"Ok, mamaya. Sundan muna natin siya."
Huwhat!!
Bago pa ako makaangal ay tumalon kami sa pagkataas taas na punong yun. Nakahawak ako sa dibdib ko dahil sa labis na kaba.
Walangyang gangster ito! Hindi man lang ako winarningan. Paano nalang kung mabalian ako ng buto dahil sa ginawa niya.
Hindi na ako makapagreklamo pa dahil sa bilis ng takbo namin. Huminto kami bigla at nagtago ng mapansin namin si Cielo na pinalilibutan ng sang katerbang nakakadiring gangster.
"I don't have time to play right now! May appoint pa ako sa lolo ko at mas nakakatakot yung kalaban kesa sa inyo!" Rinig namin ang sigaw niya.
"May lolo naman pala iyon e bakit kailangan mo pa siyang bantayan?"
"Utos mula sa nakakataas."
Grabe naman may ganun pa talaga.
Maya maya pa ay inatake na ng mga madudungis na gangster si Cielo.
"Oyy! Hindi mo ba siya tutulungan?"
"Just watch and learn."
Ok, nanuod nalang kami kung paano isa isang binalian ng buto ni Cielo ang mga kalaban niya. Swabe ang bawat galaw niya na tila alam niya ang gagawin ng mga kalaban at sa isang iglap naubos niya lahat ng ito.
"Ok pwede na yung warm up. Next time ha! Galingan nyo ng pagpawisan naman ako." Tinalikuran na niya ang mga kalaban pagkasabi nun.
Ngunit hindi niya napansin ang papalapit na panganib. May dalawang lalaki ang sobrang bilis ng kilos papalapit sa kanya na may kawak na espada.
Napa-smirk lang itong si Lecriux.
Baliw ba ito? Sasaksakin nila si Cielo na dapat ay binabantayan niya.
Malapit na sila sa likod ni Cielo at malakas nilang hinataw ang espada. Pero bago ito tumama sa likod ni Cielo ay nagback dive ito at binatukan ang dalawang lalaki na kambal pa yata.
"Wag nyo nga akong ginugulat. Yves at Yvo!"
"Hahahaha!" Tumatawa lang yung kambal habang ibinabalik ang espada sa lalagyan nito. Palinga linga naman si Cielo sa paligid.
"Nasan si Dustin, Bullet, at si Lecruix?"
"Si Dustin at Bullet nasa head quarters ng Blitz sa GZM..." Sagot nung isa sa kambal.
"...and about Lecruix we don't have any news. Last time we saw him was in the racing circuit after that he is gone missing. Some says that the HGG got him already and killed him."
Nalungkot si Cielo sa narinig at bigla kaming tumalikod ni Lecruix sa kanila.
"No that's not true Yves... Lexcruix is the leader of the strongerst gang here in the Philippines. Hindi siya basta basta mapapatay ng Hell's Gate Gang!" Bakas ang paniniwala at paninindigan sa boses ni Cielo habang sinasabi yun.
"Alam namin ni Yves yan Cielo kaya hindi kami tumitigil nila Dustin at Bullet na mahanap siya. Kasama ang daan daan sa mga underling ng Circuit Blitz Gang."
"We are not losing hope. We will find our leader ang we will bring him back to you."
At mukhang hindi na nakikinig ang gangster na ito sa pinag-uusapan ng sa tingin ko ay mga kaibigan niya.
"I am not losing hope as well. I know that he is just there somewhere."